Five
Ana's POV
Hindi siya nakadalo sa kasal nila Ate Kyla niya dahil sa nangyari sa nanay niya. inatake ng sakit sa puso ang nanay niya sinabayan pa ng mataas na sugar at high blood. Buti nga daw at kinaya pa ng nanay niya ang nangyari atake nito. kaso nastroke ang nanay niya, at ngayon ay bedridden na ito.
Nadagdagan pa ang mga gamot na kailangan nitong inumin.
Nakabalik naman na siya sa Manila para pumasok ulit sa trabaho niya.
Kaya lang ang dami niyang problema ngayon, tuition ng kapatid niya dahil magpapasukan na pati gamit na din ng mga ito, gamot ng nanay nila pati ang sweldo ng mag-aalaga sa nanay niya dahil hindi na ito makakalakad. Pati na din ang therapy ng nanay niya, gastusin sa bahay nila sa probinsya maging sa apartment niya.
Kulang na kulang na ang ipon niya pati na din sa sweldo niya sa pagtuturo.
Minsan nga naiiyak nalang siya sa dami ng iniintidi niya. Ayaw naman niyang tumawag sa ate Issay niya dahil alam niyang madami ding iniintindi ang ate niya doon.
Nasa malalim siyang pag-iisip ng biglang tumunog ang cellphone niya, nagtext ang kapatid niya na naghihingi na nagpangbayad ng kuryente, pangbili ng gamot ng nanay at tuition fee ng dalawa.
Napadukdok nalang siya sa sobrang panghihina niya.
"Ma'am Ana mukhang problemado ka ah"napaangat siya ng tingin ng may magsalita.
Nasa canteen siya ngayon pero hindi naman kasi break time kaya walang mga estudyante at teacher doon ngayon kundi ang mga tauhan lang ng canteen. Meron kasi siyang isang oras na bakante ngayon kaya nandoon siya, ayaw naman niya sa faculty room baka kasi may teacher doon ngayon.
Nakita niya ang isa sa mga estudyante niya. kundi siya nagkakamali Tanya ang pangalan nito. hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa, tantya niya nasa 19 years old pa lang ito samantalang siya naman ay mag 21 na.
"Medyo"pabuntong hininga niyang sagot.
"Pwede kang mashare"naupo na ito sa harapan niya.
Nag-alangan naman siya na magsabi dito ng problema niya, hindi pa naman kasi niya ito gaanong kakilala. Halos mag-isang buwan pa lang naman siya sa trabaho.
"Hmm. Its okay I can handle it pa naman"polite niyang sagot dito.
Tumawa naman ito ng malakas, iyong tawa na kala mo kinikili ito samantalang wala namang nangingiliti dito.
"Alam mo ma'am ganyan din ako dati. Nahihiyang nagshare ng problema sa iba, hangga't kaya kong maghanap ng solusyon gagawin ko. Pero hindi sa lahat ng oras kaya mong magsarili, kailangan mo din ng tulong ng iba"mahabang turan nito.
Pinagmasdan naman niya ito, bata pa naman sila kung tutuusin pero kung magsalita naman ang kaharap niya parang matanda pa sa kanya ito.
"Ma'am Ana kung kailangan mo ng taong makikinig sayo dito lang po ako. Napansin ko kasi wala ka pang masyado kaibigan dito"dugtong pa nito.
"Yeah, bago pa lang kasi ako dito sa manila"sagot niya.
"Galing ka din ng probinsya?"manghang tanong nito.
Nahihiya naman siyang tumango.
"Well partly yes, partly no maybe. I grow up here, pero nang makita ng Ate Issay ko 'yong real father niya sinama niya kami sa New York then migrated in Paris. Nagstay kami doon for about 6 years din then may nangyari lang kaya bumalik na kami dito sa Pilipinas"paliwanag niya.
"Wow, big time pala kayo Ma'am"natutuwang sabi nito.
"Nah, hindi din. Kung alam mo lang"nahihiya niyang sagot.
BINABASA MO ANG
My submissive Partner (COMPLETED)
General FictionSide story of MY PLAYBOY BOSS Benjamin and Ana Cover by: PANANABELS