Eighteen

34K 783 44
                                    

Eighteen

Benjamin's POV

He's upset okay, pero hindi naman niya pwedeng ipilit ang gusto niya kay Ana.

Iniisip din kasi niya bata pa si Ana, para sa gusto niya.

Pero sumasagi pa din sa isip niya ang nangyari kay Issay at Malik. Mas bata pa nga si Issay kay Ana kung tutuusin, tapos si Issay hindi pa nito kasama si Malik noong nagkaanak ang dalawa. Siya naman kasama niya si Ana at sigurado naman siyang hindi niya iiwanan ang dalaga kung nagkataon.

"Mine"tawag sa kanya ni Ana.

Kasalukuyan siyang naghahapunan ngayon, nagulat siya ng mapansin na nakatitig na sa kanya si Ana.

"Your spacing out"anito.

"Huh?"hindi niya napansin na hindi na pala siya nakikinig.

"Wala, kumain ka na lang"sagot nito at nagpatuloy na sa pagkain.

Tinitigan niya ang mukha ng dalaga, wala naman duda sa nararamdaman niya para ditto. alam niya at nararamdaman niyang mahal na mahal niya ito.

Pero ewan o kung bakit nakakaramdam siya ng pagkukulang.

Parang may kulang sa pagsasama nilang dalawa.

Parang hindi na siya masaya.

Shit what am I thinking. Masaya ka sa kanyang Benjamin. Masaya ka kay Ana. Sermon niya sa sarili niya.

Mariin siyang napapikit sa naisip niya kanina. Ayaw niyang mangyari na mafall out of love siya kay Ana. Iyong ang hinding-hindi niya dapat maramdaman.

Tumayo na siya ng hindi tinatapos ang pagkain niya.

"Magpapahangin lang ako"paalam niya kay Ana.

Hindi na niya hinintay pang sumagot pa si Ana at iniwanan niya ito. he don't want to be rude in front of Ana, pero naging rude na siya ngayon.

"Fvck!!!"mura niya ng nasa ganden na siya.

He's so frustrated right now.

Ano bang nangyayari sa kanya.

Nagsimula lang naman siya na maging ganito simula ng malaman niyang ikakasal na ang kapatid ni Ana at mangkakaanak na ito. isama pa ang mga kaibigan niya na wala ng ibang ginawa kundi ang asarin siya.

Kulang pa yata ang hangin sa buong mundo sa sobrang lalim ng buntong hininga niya ngayon.

Naiinis siya sa sarili niya, naiinis siya kasi naiisip niyang hindi na siya masaya sa buhay nila ni Ana.

Hindi niya alam ang kung nakailang beses na siyang nagpalakad lakad ng pabalik balik sa garden nila ni Ana.

"Benj"tawag sa kanya ni Ana.

Nakatalikod siya ditto ngayon, hindi niya magawang magpakita sa dalaga ngayon. Nagi-guilty siya sa mga nararamdaman niya ngayon para kay Ana.

Naramdaman niyang niyakap siya nito mula sa likod.

"May problema ba tayo?"tanong nito sa kanya.

Parang biglang natuyo ang lalamunan niya at hindi niya man lang magawang magsalita para sagutin ito.

Makailang malalalim na buntong hininga ang binitawan niya. hindi niya alam kung ano ang isasagot niya kay Ana.

"Hey, kinakausap kita kanina pa?"tanong muli nito sa kanya.

Hindi niya pa din ito magawang sagutin kaya naman napagpasyahan niya umiling nalang bilang sagot ditto.

"Is it about us?... having a baby Benjamin"tanong na naman ni Ana sa kanya.

My submissive Partner (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon