Seventeen

37.3K 804 14
                                    

Seventeen

Ana's POV

Hindi naman siya nagtagal kila Tanya, nakipagkwentuhan lang siya sa mga kaibigan niya tapos lang kumain umalis na din siya. Kailangan kasi niyang maggrocery para sa stock nila sa nahay pati na din sa ipapauwi niya sa nanay niya sa probinsya.

Nasa loob na siya ng kusina nila ng marinig niya ang busina ng sasakyan ni Benjamin.

Hindi naman na niya kailangan na ipagbukas ito ng gate kasi ito na mismo ang nagbubukas para sa kanya.

"Ate"narinig niya ang boses ng kapatid niya.

"Buboy?"takang tawag niya sa kapatid.

Lumabas siya sa kusina at sinalubong niya ang kapatid nakita niya ito kasama ang nanay niya at si Lance, hindi niya inaasahan na kasama ito ni Benjamin na dadating.

"Sinundo na kami ni Benjamin sa terminal anak"naisip siguro ng nanay niya ang pagtataka niya.

"Hey sweetheart"bati sa kanya ni Benjamin.

Humalik pa ito sa kanyang pisngi ng makalapit na ito sa kanya.

"What's for dinner?"malambing na tanong nito sa kanya.

Inirapan lang niya ito at tinalikuran.

"LQ?"pagbibiro naman ni Lance sa kanila.

Nagtawanan naman ang tatlong lalaki sa biro ni Lance sa kanila ni Benjamin. Naglakad siya pabalik sa kusina kasunod na niya ang nanay niya.

"Kamusta naman kayo ditto anak?"tanong sa kanya ng ina

"Okay naman kami nay"bulong niya ditto.

Hindi na nagsalita pa ang nanay niya pinanood nalang siya nito sa ginagawa niya.

Nang makaluto na siya tinulungan siya ni Benjamin na naghanda ng hapagkainan nila. Tinawag na niya ang nanay niya at mga kapatid para maghapunan na siya.

"Hmmm. Ang sarap talaga magluto ni Ate"puri sa kanya ni Buboy.

"Lahat naman sayo masarap"biro naman ni Lance sa kapatid.

Nagtawanan silang lahat sa naging biruan ng mga ito.

"Ehem...so nay what brings you here po?sana sinabi niyo nalang po para kami nalang ni Ana ang umuwi doon"tanong ni Benjamin sa kanyang ina.

Itinuturing naman na itong manugang ng kanyang nanay, kaya naman nanay na din ang tawag ni Benjamin sa kanyang ina.

"Si Lance na ang magpapaliwanag"sagot ng ina niya.

Nakakunot ang noon niya habang nakatingin sa kanyang kapatid.

"Ah..kasi Ate"para itong nahihiya na nahuling may ginagawang kababalaghan.

"Ikakasal na siya ate"si Buboy ang nagtuloy ng sasabihin nito.

Nabitawan naman niya ang hawak niyang kutsara at tinidor. Si Benjamin naman hindi na naituloy ang isusubo sana nitong pagkain sa narinig nila.

"Anong sabi mo Buboy?"para siyang nabingi sa narinig niya.

"Sorry Ate"hingi ng paumanhin ni Lance sa kanya.

Napapikit naman siya sa narinig niya, nagkaroon kasi sila ng pag-uusap ng mga kapatid niya. nakapag nakatapos ng pag-aaral ang pangalawa niyang kapatid tutulong muna ito sa kanila para pag-aralin ang bunso nila.

Kaya sobra siyang nabigla ng magsabi itong magpapakasal na ito ngayon samantalang kakatapos lang nito at kasalukuyan na kakasimula palang sa trabaho.

"Why so sudden Lance?"tanong ni Benjamin ng makabawi na ito sa pagkabigla.

My submissive Partner (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon