Twenty-four

37.6K 765 7
                                    

Twenty- four

Ana's POV

Nakahinga siya ng maluwag ng malaman niya ang lahat ng result ng check-up niya sa kapatid ni Benjamin. Lahat naman ay okay kaya wala daw siyang dapat ipangamba pa. binigyan na siya ng kapatid ni Benjamin ng mga vitamins para mas lalo pang makondisyon ang katawan niya para sa posibleng pagbubuntis niya.

Ang sabi pa ng kapatid ni Benjamin baka nga stress lang siya kaya naman siya hindi mabuntis buntis.

Naghahanda na sila para matulog ni Benjamin ngayon.

"Sweetheart, di ba gusto mo ng magtrabaho kaso naiinip ka na dito"ani Benjamin habang nagsusuklay siya.

Nakahiga na ito sa kama nilang dalawa ngayon at hinihintay siyang matapos mag-ayos ng sarili.

"Oo, bakit papayagan mo na akong magtrabaho ulit?"masaya niya ito nilingon at pinakatitigan.

"Sort off, pero hindi talaga trabaho na mamamasukan ka sa kung saan. How about a business?"tanong nito.

Napasimangot naman siya ano ba namang malay niya doon. Fashion designing ang natapos niya. anong alam niya sa business.

"Ano namang malay ko sa business?"nakasimangot na humarap ulit siya sa salamin at nagpatuloy sa pagsusuklay ng buhok.

"Well, kinausap kami ni Malik. baka gusto daw namin kayong bigyan ng puhunan para magtayo ng negosyo. Kasama mo naman sila Carla at Kyla sa negosyo, sila ang tanungin mo kung anong magandang negosyo ang ipatayo niyo"paliwang sa kanya ni Benjamin.

"Kasama sila ate Kyla?"tumayo na siya at lumapit sa binata para tumabi ng matulog.

"Yeah, bukas nga magkikita-kita sana kayo so sasabay ka sakin papasok ng office para doon kayo magkita"sagot nito sa kanya.

Hinapit siya nito at pinasandal sa dibdib nito at niyakap naman ang bewang niya.

"Teka sabi mo kinausap kayo ni Kuya Malik. Bakit naman daw niya naisip na magnegosyo kaming tatlo?"takang tanong niya ng maalala ang sinabi nito kanina.

"Hindi din namin alam kung bakit. Pero don't worry sweetheart hindi sa kanya manggagaling ang pangnegosyo niyo. Bibigyan kita ng puhunan mo, same as Kyla and Carla na manggagaling din sa mga asawa nila ang puhunan nila. Sosyo lang kayong tatlo doon, ano gusto mo ba?"paliwanag muli nito.

"Okay, naiinip na din naman talaga ako ditto sa bahay."pagsang-ayon naman niya.

"Hmmm..."ungol ni Benjamin habang ramdam niyang inaamoy amoy nito ang kanyang buhok.

"Mine"tawag niya ditto.

"Ang bango ng sweetheart ko"bulong nito sa kanya.

Ramdam na niya ang maliliit na halik nito sa kanyang pisngi at balikat.

"Mine naman, kakatapos lang natin sa banyo"angal niya ditto.

Sumabay kasing maligo si Benjamin sa kanya kanina after nilang kumain ng hapunan. Pero alam niyo na bukod sa ligo may extra activity pa silang dalawa doon.

"So what, sa banyo iyon iba ditto sa kama natin"nang-aasar pa nitong sagot.

Wala na siyang nagawa ng kubabawan siya nito at sinimulang hubaran nito.

....................

Nang umaga nga na iyon isinama siya ni Benjamin sa opisina ng mga ito pagdating nila nandoon na ang mga asawa ng kaibigan nito hinihintay siya ng mga ito. hindi na nga sila nakaakyat pa sa floor kung saan ang opisina ng mga asawa nila.

Agad din kasi silang umalis pagdating niya. hindi naman niya alam kung saan sila pupunta basta sumama lang siya sa mga ito.

"Ana, wag kang mabibigla ha."simula sa kanya ni Carla ng huminto sila isang apartment.

My submissive Partner (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon