Thirteen

41.8K 882 25
                                    

Thirteen

W A R N I N G ! ! ! . . .

S P G. . . A L E R T

Ana's POV

Isang linggo na sila ni Benjamin sa rest house ng magulang nito. at sa loob ng mga araw na iyon hindi niya pinapansin si Benjamin. Pero hindi naman sila hiwalay ng kwarto na gamit. Magkatabi pa din sila sa pagtulog, hindi naman siya komontra pa sa gusto ng binata.

Palagi nga ang lambing sa kanya nito.

"Sweet what do you think about a beach wedding?"tanong sa kanya nito ngayon.

Nasa dalampasigan kasi silang dalawa ngayon nagpapahangin sila bago sila pumasok sa bahay para matulog.

"Not bad"sagot lang niya.

"Ano ba ang pangarap mong kasal?"tanong sa kanya nito.

Mula ng nagtalo sila nito noong umaga na iyon walang araw na kinukulit siya nito na magpakasal na silang dalawa na palagi naman niyang tinatanggihan.

"Wala, hindi ko naman kasi planong mag-asawa"walang ganang sagot naman niya.

Nagpapa-padyak ito na parang batang hindi ibinili ang gustong laruan.

"Pano naman ako Ana?"tanong nito na nakapout.

Matatawa n asana siya kaso pinigilan niya, naalala niya galit nga pala siya kay Benjamin.

"Anong pano ka? Wala naman tayong pinag-usapan. Una pa lang sinabi ko na sayo walang kasalan na magaganap sa pagitan natin"sagot nito.

Bigla namang nagseryoso ang itsura ni Benjamin habang naglalakad siya, natahimik din ito. mukhang malalim ang iniisip nito.

Nagpatuloy lang sila sa paglalakad na dalawa na tahimik sila.

"Pasok na tayo"pag-aaya ni Benjamin sa kanya.

Tumango lang siya at sumunod siya sa binata na pumasok na sa loob ng bahay. Wala silang kasama doon, minsan lang niya ulit nakita ang katiwala nila Benjamin noong dinalhan lang sila ng stock sa bahay at mga gamit nila.

"What do you want for dinner Ana?"tanong sa kanya nito ng nasa loob na sila.

"Ako nalang magluluto ng kakainin natin"prisinta niya.

Mangha naman siyang tinitigan ni Benjamin, ngayon lang kasi siya nagkusang magluto simula ng makasama niya ito.

"What something wrong?"painosenteng tanong niya sa binata.

Nakangiting aso naman itong umiling sa kanya. pinabayaan lang siya nito sa pagluluto pero nanunood naman ito sa kanya.

"You are so sure with your actions"puna pa sa kanya nito.

"Huh, ditto naman ako lumaki sa pilipinas, siguro naman alam mo naman ang story ng ate Issay ko. Mahirap lang naman kami kaya sanay ako sa mga gawaing bahay"sagot niya.

Pinagpatuloy na niya ang pagluluto.

.............

Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ni Benjamin hindi pa din sila nagsasalitang dalawa ni Benjamin. Wala naman sa kanya iyon, kahit hindi pa nga sila mag-usap buong araw wala siyang pakialam.

Pero bigla niyang naalala ang mga kapatid at nanay niya. gusto sana niya itong makausap man lang.

"Benj"tawag niya sa lalaki.

"Hmm"hindi man lang siya nito tinapunan ng pansin patuloy lang sa pagkain ito.

"Pwede ko bang mahiram ang cellphone mo? Tatawagan ko lang sila nanay"paalam niya.

My submissive Partner (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon