Four
Benjamin's POV
Fvck!...
Naibato niya ang mga papel na nasa lamesa niya. Iyon ang mga reports ng mga kinuha niyang private investigator.
Mula kasi ng iwanan niya sa Paris sila Ana wala na siyang balita doon.
Sapilitan kasi silang pinauwi ni Malik sa Pilipinas dahil sa company nila. Bigla nalang kasi nawala si Malik na hindi nila alam kung nasaan lupalop nagtago ang loko.
Sa pagstay nilang tatlo nila Marco at Jake sa Paris ng halos isang buwan madaming nangyari sa company nila.
Kinailangan nilang magtrouble shoot at hindi kaya ng isang tao lang ang gagawa kaya naman bumalik silang lahat sa Pilipinas.
Sila Marco at Jake naisama nila ng sapilitan ang mga babaeng mahal ng mga ito.
Pinayagan na kasi ni Issay ang mga ito na pwede ng bumalik ang mga ito sa Pilipinas. Hindi katulad nila Ana na nagstay pa muna sa Paris kasi kailangan pa ito ni Issay doon.
Nawalan naman siya ng komunikasyon kay Ana mula noon.
"I want a decent report!!!...dalawang linggo na mula ng dumating dito sila Ana at hanggang ngayon hindi niyo pa alam kung saan ang location nila"galit niyang baling sa mga tauhan niya.
"Sir, lahat naman po ginawa naming. Kaso talagang mahirap kasi wala pang kahit na anong record dito sa Pilipinas ang pinapahanap niyo. Tangin NSO birth certificate lang ang meron sila at lahat iyon ay nakarehistro sa Tondo Manila"paliwanag naman ng tauhan niya.
"Kung kinakailangan niyong haloghugin ang buong manila gawin niyo, makita niyo lang ang pinapahanap ko"nanggagalaiti niyang sagot.
Sasagot pa sana ang mga ito ng senyasan niyang umalis na sa opisina niya. baka kasi kung ano pa ang masabi niya.
Tawagin na siyang OA, kasi naman kailan lang naman niya nakilala si Ana pero kung makapagreact siya kala mo naman asawa niya ang nawawala. Samantalang nililigawan pa lang naman niya si Ana, hindi pa nga siya pinapansin nito.
Masisisi niyo pa naman siya, na love at first sight lang naman siya.
At ang PLAYBOY kapag nainlove minsan lang. iyon ang motto nilang magkakaibigan.
Kaya naman stick to one silang apat pagdating sa mga babaeng tinitibok ng puso nila.
Si Malik lang ang naiba noon sa kanila, may pavirgin virgin pa kasi siyang nalalaman noon. Gusto ni Malik dapat virgin ang mapapangasawa niya kahit hindi pa nito mahal basta virgin niyang makuha pakakasalan nito.
Speaking of Malik, hanggang ngayon kasi hindi pa din nila nalalaman kung nasaan ang loko nilang kaibigan. Ang huling kita nila sa kaibigan nilang si Malik noong nasa Paris pa sila, at halos tatlong buwan na ang nakakaraan mula noon.
Wala tuloy siyang mapagtanungan kung saan pwedeng magstay sila Ana.
"OUT!!!"sigaw niya sa taong pumasok sa loob ng opisina niya.
Wala kasi siya sa mood na makipag-usap pa sa ibang tao. Gusto lang niyang mapag-isa at mag isip.
"Wow, init ng ulo mo ha"sita sa kanya ni Marco.
Nang tingnan niya ang pintuan hindi lang pala si Marco ang nandoon maging si Jake.
"Anong ginagawa niyo dito?"nakapout na tanong niya sa mga ito.
Sigurado siya aasarin na naman siya ng mga ito. kasi naman noong huling nagkausap silang tatlo inasar lang siya ng mga ito.
"Masama na bang puntahan ka namin dito?"tanong naman ni Jake.
BINABASA MO ANG
My submissive Partner (COMPLETED)
Genel KurguSide story of MY PLAYBOY BOSS Benjamin and Ana Cover by: PANANABELS