thirty

40.1K 833 24
                                    

Thirty

Ana's POV

Nakabalik na sila galing sa Batangas after ng dalawang linggong pagkukulong sa out side world.

Hindi pa nila sinasabi ni Benjamin na kasal na sila. Napag-usapan na nila na tsaka nalang nila sasabihin kapag tapos na ang problema ni Malik at Ate Issay niya. nasabi na sa kanya ni Benjamin ang lahat ng nangyayari pero hindi niya pwedeng ipaalam o sabihin man lang sa ate niya ang mga nalaman niya.

Kaya naman ito hindi siya mapakali habang naghihintay siya sa boutique nila. Gusto na niyang makita ang Ate niya, nag-aalala kasi siya baka kung ano na ang nangyari doon.

"Oh Ana, ang tagal mong nawala ahh"puna ni Carla sa kanya.

Hindi niya alam kung anong sinabi ni Benjamin sa mga ito, nakalimutan kasi niyang itanong.

"Kinulong ka na naman ni Benjamin ano?"segunda naman ni Kyla.

"Ha?...pano niyo nalaman"nagtataka naman na tanong niya.

Ibig bang sabihin nito alam ng mga ito ang lahat ng nangyayari sa kanila ni Benjamin. Naku humanda talaga ang lalaking iyon sa kanya.

"Nakwento lang ni Marco sakin noon na kinulong ka daw ni Benjamin noon nagta-trabaho ka palang sa club"sagot ni Kyla sa kanya.

"Eh nawala ka ng dalawang linggo kaya alam na namin kinulong ka si Benjamin. Nakita kasi namin ung eksena niyo nong engagement nila Malik"dagdag pa ni Carla.

"Ha, nakakahiya talaga ang lalaking iyon"aniya.

"Hayaan mo na, mga baliw talaga ang mga asawa natin"sagot naman sa kanya ni Kyla.

"Teka maiba ako mga bakla, nakita niyo ba ang billboard ni Issay. Ang daya talaga ng babaeng iyon hindi man lang niya tayo sinabihan na babalik na siya sa pagmomodel"reklamo ni Carla.

"Oo nga noh, nagcause pa ng traffic sa Edsa si Issay"segunda pa ni Kyla sa sinabi ni Carla.

May sasabihin pa sana siya ng bigla namang bumukas ang pinto ng kanilang boutique at pumasok doon ang kanilang pinag-uusapan, kasama ang bunso nito.

Nagkasenyasan silang tatlo na magwalk out at pumasok sa kanilang opisina sa loob ng boutique nila. Doon nalang nila gigisahin ang ate Issay niya, susunod naman iyon sa kanila malamang.

"Kainis ka naman girl"sita ni Kyla sa ate Issay niya ng makapasok ito sa loob ng opisina nila sa boutique nila.

"bakit walang pinagbago ang katawan mo?"tanong naman ni Carla.

"Yeah, ako wala pang anak pero feeling ko ang taba ko na"segunda naman niya.

Kahit kailan talaga ang ganda nan g katawan ng ate Issay niya. kahit noong nga bata pa sila maganda na ang hubog ng katawan ng Ate niya. mas gumanda pa nga ng magkaanak ito, pero hindi naman siya naiinggit kasi sabi nga ng nanay niya may kanya kanyang ganda ang bawat tao. At naniniwala siya doon, na kahit sa paningin niya wala na yatang papantay sa kagandahan ng ate niya alam niya maganda din siya, in her own version.

"Bakit ganyan ang mga mukha niyong tatlo"tanong nito sa kanila.

Nilingon niya ang mga kaibigan ng ate niya panay nakasimangot ang mga ito. parang mga batang hindi nabili ang gustong laruan kung makasimangot.

"You didn't tell us na nagbalik ka na pala sa pagiging model"si Kyla ang nagsimula.

"At ang unfair talaga, hindi mo man lang kami sinama. Sinong naging stylist mo doon?"dagdag ni Carla.

Oo nga pala ito nga pala ang mga assistant ng ate niya noong nasa Paris pa sila at active pa itong nagmomodelo. Kaya siguro ganito ang reaction ng mga ito sa ate niya.

My submissive Partner (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon