Nineteen

34.3K 798 14
                                    

Nineteen

Benjamin's POV

Gusto niyang iumpog sa pader ng banyo ang ulo niya habang naliligo siya.

Napakalaki ng kasalanan niya kay Ana. Pumatol siya sa pang-aakit sa kanya ni Rica kanina noong nasa Bar sila.

Nadala na siya sa sensasyon na pinaramdam sa kanya ni Rica.

They end up in bed. Natauhan lang siya ng tapos na, nagawa na niya hindi na niya mababawi pa. kaya nga kanina ng makita niya si Ana na gising pa at hinihintay siya sa pag-uwi niya lalo siyang naguilty.

Putang-ina mo naman kasi Benjamin. Inuna mo na naman ang ulo mo sa baba. Tangina pano ka haharap ngayon kay Ana. Sermon niya sa sarili niya habang naliligo pa din siya.

Nang matapos siyang maligo hindi niya alam kung lalabas pa ba siya sa banyo at tatabihan si Ana sa kama nila.

Hay ano ba namang katarantaduhan ang nagawa niya sa buhay niya. hindi pa man siya kasal kay Ana nagawa na niya agad mangaliwa.

Lumabas na siya sa banyo at dumeretso sa walk-in closet nila para magbihis na. nang makabihis na siya alangan pa din siyang lapitan si Ana. Pero kung hindi siya tatabi kay Ana baka naman makahalata ang dalaga kaya naman nahiga na siya sa tabi nito.

Laking gulat niya ng paglapat na paglapat pa lang ng likod niya sa kama siyang baling sa kanya ni Ana, niyakap at dinantayan siya nito. napalunok naman siya ng paulit ulit, gusto niyang yakapin din si Ana ng sobrang higpit pero kapag naiisip niya ang nagawa niya nagi-guilty siya.

Kaya naman hindi nalang siya gumalaw at hinayaan nalang si Ana sa pagyakap sa kanya.

Hindi siya makatulog ng gabi na iyon. Tulala lang siya.

Shit sorry Ana. Mariing ipinikit niya ang mata niya.

.....................

Ana's POV

Maaga siya nagising pero mukhang mas maaga na nagising si Benjamin kaysa sa kanya. pagdilat palang ng mata niya hindi na niya nakita si Benjamin sa kanyang tabi. Pagkatapos lang niyang gawin ang morning ritual niya agad siyang bumaba para tingnan kung nandoon pa si Benjamin.

Ngunit kahit anong hanap niya sa binata wala na ito sa bahay nila.

Nagpasya nalang siyang pumunta ng kusina para maghanda ng agahan niya.

Bubuksan na sana niya ang ref ng makita ang note doon ni Benjamin na sinabing nagluto na ito ng agahan nila at nauna ng kumain dahil may early meeting ito. nagbilin din ito ng gusto nitong lunch para mamaya.

Bumuntong hininga nalang siya at pinuntahan ang lamesa para makita kung ano ang hinanda ng binata.

Dumaan ang ilang oras nakatulala lang siya sa buong umaga, sa sobrang lalim ng iniisip niya hindi na niya namalayan na tanghalian na pala.

Tinawagan lang niya ang secretary ni Benjamin para ibilin na hindi siya makakapunta sa opisina nito para maghatid ng lunch nito.

Itutulog nalang niya siguro ang maghapon na ito, wala siyang gana na kumilos.

Nakahiga na siya ng may tumawag sa kanya. nang tingnan niya ang cellphone niya nakita niyang si Tanya ang tumatawag sa kanya.

"Bestie, na miss na kita bonding naman tayo ditto kami sa mall ni Liza"masayang turan nito.

"Okay, pupunta ako maliligo lang ako"walang gana niyang sagot.

Hindi na niya hinintay pa na magsalita pa ulit ang kaibigan niya agad niyang tinapos ang tawag nito.

My submissive Partner (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon