Twenty-two

38.8K 779 25
                                    

Twenty- two

Ana's POV

Mas naging malambing sa kanya si Benjamin simula ng aminin na niya ditto na mahal niya ito. minsan nga nawawala na sa lugar ang pagiging sweet nito sa kanya, pero ayos lang ng malaman ng mga nakapaligid na taken na si Benjamin.

"Sweetheart pakasal na tayo."aya sa kanya ni Benjamin.

Nasa mall sila ngayon at namimili sila ng ibibigay nilang regalo sa anak nila Marco at Kyla, birthday kasi nito ngayon.

Two years old na ang anak ng mga ito ngayon, naalala niya ang pamangkin niyang si Jade, nagtwo years old na din ito noong nakaraang buwan pero hindi pa nila ito nakikita. Hindi na din kasi nagca-chat ang ate Issay niya.

Busy na kasi ito sa pag-aayos ng papel nito, nabawi na nito ang agency ng tatay nito pero mukhang ibebenta na din nito iyon dahil natalo naman sa kaso ang ate niya sa Elena's secret.

Pinapauwi na nga nila ito sa pilipinas pero ayaw pa nito dahil madami pa itong aasikasuhin doon.

Ramdam niyang malapit ng umuwi ang Ate niya.

"Kakasal lang ni Lance remember"nakangiting sagot niya ditto.

Napasimangot naman si Benjamin sa naging sagot niya.

"Bakit kasi nakipag-unahan pa si Lance sayo. Ikaw naman ang panganay dapat ikaw nauna"nakapout pa nitong sagot sa kanya.

Natatawa naman niyang hinalikan ang labi nito kaya napangiti na din ito sa kanya.

"Hmm..sige next year nalang tayo magpakasal. Pero pwede bang mauna an gang baby?"paglalambing nito.

"Baby?..hmmm pwede rin"ganting lambing niya ditto.

"Talaga payag ka na magbaby na tayo"excited na tanong nito sa kanya.

"Oo, actually I stop taking pills mine noong isang linggo pa"masayang sagot niya.

"Yes!!!"napasigaw pa ito ng malakas kasabay ng pagsuntok sa hangin.

"Ano ka ba Benj...tumigil ka nga dyan nakakahiya ka"saway niya ditto.

"You don't know how happy I'm now sweetheart"sabi pa nito sabay yakap sa kanya.

"Alam ko, excited na din ako"pag-amin naman niya.

Masaya silang nagpaplano habang naglalakad sa kids section ng Mall kung nasaan sila ng may makasalubong silang tatlong babae.

"Oh my God, Baby is that you..."exaggerated na turan nito.

Sinugod pa nito ng yakap si Benj at akmang hahalikan sa labi ang binata kung hindi lang maagap na nakaiwas ito.

"Whoa..Rica"gulat na turan ni Benj.

Kitang kita niya ang pamumutla ng mukha ni Benjamin ng makita ang dalaga sa harapan nila.

Napataas naman ang kilay niya sa ginawang pagyakap ng babae kay Benjamin. Naitulak pa nga siya ng babae ng kaunti kaya nahiwalay siya kay Benjamin.

"Baby, bakit hindi mo na sinasagot ang mga tawag ko I missed you so much"nakanguso pa itong nanlambitin sa batok ng lalaki.

"Wait..Rica...stop this will you"naiilang na inaalis ni Benjamin ang kamay ng babae sa pagkakayakap ditto.

"Benjamin"tawag niya sa binata.

"Sweetheart let me explain first..please"kitang kita niya ang takot sa mga mata nito.

"You don't have to explain mine I saw everything."malumanay niyang sagot.

Lumapit siya sa mga ito ng hindi pa din inaalis ng babae ang pagkakasabit nito sa leeg ng nobyo niya. siya na mismo ang nagkusang nagtanggal ng kamay ng babae sa batok ni Benjamin.

My submissive Partner (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon