Chapter 1

8.5K 159 11
                                    

chapter 1

Julia's Pov

kasalukuyan akong nag-iimpake ng mga gamit ko, mag eexchange student kami sa ibang bansa pumayag agad ako sa lalaking umalok saamin dahil gusto ko na din munang lumayo. Wala ng isip isip desisyon agad. Mas magmumukha akong tanga at mas masasaktan lang ako kung patuloy kong aalalahanin ang mga dapat ng kalimutan.

flashback....

kasalukuyan akong naglalakad sa hallway ng school namin. Ang Elite Academy na pag aari ng yumao kong tatay.

makikita ko nanaman ang bestfriend ko. Bestfriend kong may pagka cold pero gwapo. Sabihin na nating madaming nagkakagusto sakanya dito sa school namin. Sabihin na din nating isa ako sa mga yon.

Tingin ko hindi lang bestfriend ang tingin ko sakanya. Hindi ko alam pero sa tuwing hinahatid at sinusundo niya ako parang napaka espesyal ko. Pag magkasama kami laging ang bilis ng tibok ng puso ko. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko si Mirco, Mirco Sebastian Kang that's he's name, kausap niya ang kaibigan naming si Cassy kaibigan namin nila kuya at Mirco

Ako lang ang kinakausap niya at ako lang dapat ang dahilan ng pag ngiti niya. Ewan ko ba masyado akong makasarili. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti, minsan lang siya ngumiti pag pinapatawa ko kaso etong ngiti na nakikita ko grabe

Napatingin siya sa pwesto ko at biglang lumapit

"Andito kana pala bat di ka pumunta don"- sabi niya sabay kuha ng bag ko na lagi niyang ginagawa, lagi niyang kinukuha ang bag ko kung hindi kami mag kaibigan iisipin ng iba na in a relationship kami, napag-kakamalan na nga kaming mag jowa eh, kaso mag kaibigan lang kami, hangang dun lang DAW.

"eh mukhang busy ka kausap si Cassy"- sabi ko sabay lingon sa direksyon ni Cassy na ngayon ay nag wave na sakin, umirap ako. Kilala ako sa school na maldita lalo na ng isang to. Nanghihila pag alam niyang may papatulan akong babae.

"Wag ka ngang, pati kaibigan natin minamalditahan mo. Don't be like that, she's our friend. Chill"- sabi niya sakin, i just rolled my eyes.

DEATH (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon