Chapter26
Julia's Pov
Naglalakad na kami ngayon hindi pa namin nakikita yung Red Tiger kaya lakad lang kami ng lakad.
"Asan sila? Bat wala pa?"- tanong ni Maxine.
"Ayan na sila"- mahinang sabi ni Seth napatingin naman kami may mga naglalakad papunta dito kitang kitang Red Tiger nga dahil sa suot nilang pulang maskara.
"Tignan mo nga naman mga....B-B-Black D-Dragon?"- nauutal na sabi nung lalaking nasa unahan.
"Nagulat ba kayo?"- tanong ni Nathan si Nate na ang pagsasalitain baka kasi kilala nila yung boses ni Ace at nila Zane.
"P-panong? Wala na kayo diba?"- naguguluhang sabi nung lalaki.So wala na nga talaga ang Black Dragon? Patay na ba sila?
"Ano sa tingin mo? Multo kami?"- natatawang sabi ni Blake.Siniko ko naman siya mukhang siya ang sisira ng plano namin eh.
"Bakit andito si Erris? Hindi ba't...."- hindi na natuloy ng lalaki ang sinasabi niya dahil sa naguguluhan na siya.Ganyan nga magtaka kayo.
Napangiti naman ako sa pinag gagawa nila."Erris? At....ang kwintas"- napatingin naman sila sakin at sa kwintas na suot ko....napangiti naman ako sabi na nga ba eh isa to sa mga hinahanap nila.
"Kunin niyo si Erris at ang Kwintas!"- sigaw nung lalaki agad naman akong tinago nila.So akala nila ako si Erris Tss.
"Matagal ka ng wala Erris ah bakit kapa bumalik ibibigay mo na ba yung kwintas?"- sabi nung lalaking nasa harap ni Seth nasa likod kasi ako ni Seth.
"Yang pag ngiti mo pa din ang lagi mong ipinapakita hindi kaba mag sasalita?"- nakangiting sabi nung lalaki.
"Hindi mo sinabi na gusto mo pala marinig ang boses ko"- nakangiti kong sabi napahinto naman siya pagkakataon na to.
Sinipa siya ni Seth at sinuntok ko siya kaya napunta ako sa harap ni Seth.Susugod na sana siya ng biglang hawakan ni Seth ang bewang ko at binuhat ako kaya sinipa ko sa mukha yung lalaki na ikinatumba niya.
"Sapol yun ah"- nakangiting sabi ni Matt.
"Wag kang lalayo Julia imean Erris?"- hindi pa siya sigurado sa pangalan na sinabi niya.Tumango nalang ako.
Busy sila sa pakikipaglaban kaya nawala sa paningin ko si Seth.Kaya ko naman sigurong protektahan tong kwintas na to.Naramdaman kong parang may nasa likod ko kaya agad akong naalerto at sinipa ito patalikod at paharap kaya natumba agad siya.May isa namang susugod ulit kaya naalerto ulit ako hindi pa siya nakakalapit ng biglang may tumamang patalim sa kamay niya,tinignan ko naman kung saan galing yun...Kay Amber ang galing niya talaga sa hagisan ng patalim.Kinindatan niya naman ako na ikinatawa ko siraulo talaga yung babaeng yun.
Bigla namang may pumulupot na kamay sa leeg ko.
"Nakuha din kita Erris"- sabi niya natigil naman sila at napatingin samin nagsi lapitan naman ang ibang Red Tiger samin.
"Pano ba yan nakuha na naman namin si Erris.Mag babye ka na Primo"- Primo? May bagong pangalan nanaman? Tss! Gagawa sana ng Move si Zane pero pinigilan siya nila Nate.
BINABASA MO ANG
DEATH (UNDER REVISION)
ActionHindi inaasahang aksidente na nakapagpa buo ng pagkakaibigan hanggang magkamatayan hindi mag iiwanan.