Chapter40
Julia's POV
Ganon na ba kahalaga ang kwintas na to para makipagpatayan? tss.
Susugod sana ako sa iba ng makita kong nahulog sa jacket ni Primo ang sing sing.Hinanap ng mata ko si James at tama nga ako nakatingin siya sa singsing agad kong binuksan ang nasa tenga ko at nagsalita.
"Fvck! Yung singsing!"- sabi ko na ikinatingin nila.
Wala ng sabi sabi at tumakbo na ako agad para kunin ang sing sing.Tumatakbo din papunta dun si James.
Nang mahahawakan ko na agad niyang tinapakan ang kamay ko na ikina sigaw ko.
"Argh!"- daing ko ng pasakit na ng pasakit.
Kinapa ko naman sa bulsa ko yung maliit kong katana ng makuha ko agad kong hiniwaan sa kamay si James.Pasalamat siya at hindi ko pa binaon sa kamay niya ang hawak kong katana.Agad ko ng kinuha ang sing sing at nilagay ko sa bulsa ng jeans ko hindi yun mahuhulog dahil masikip yung sa may bulsang banda ng Jeans ko.
"Ano pati sing sing kukunin niyo? Ganon na ba kayo ka mukhang pera? Wala ba kayong mga pera kaya kinukuha niyo to?"- tanong ko.Mga mukhang pera! tss.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Eris? Parang dati lang nakikipag patayan ka para lang makuha ang mga iyan.Ano para makalabas? dalawa pa lang yang nakukuha mo Eris kulang ka padin ng isa"- Anong ibig niyang sabihin? Kailangan ko na talagang tapusin basahin yung diary ni Eris.
"Natahimik ka ngayon.Ano? ngayon mo lang na realize na hindi ka pa din makakalabas ng eskwelahang to"- mapang asar niyang sabi na ikina inis ko kaya agad ko siyang sinipa sa private part niya at siniko ang batok niya na ikinadaing niya.
Nang matumba siya sinipa ko pa siya.Ang dami daming alam! Nang mahimasmasan siya tumayo siya at lumayo.
"Hindi pa tayo tapos Eris"- nakaturo niyang sabi.Hawak hawak niya pa yung batok at tiyan niya ng paalis na sila.
--
Nang makarating kami sa HQ padabog kong tinanggal ang mask ko at padabog din akong umupo sa sofa.
"How did you know his name?"- tanong ni Drix sakin.
"Napapadalas ang pagsasalita natin Drix ah"- pangaasar ni Blake kay Drix.
"Nananahimik ako dito Blake baka gusto mong sa sala matulog"- pananakot ni Drix kay Blake.
"Sa Diary ni Eris"- maikli kong tugon.
"Palapit na tayo ng palapit"- sabi ni Nate.No were not.
"May nalaman ako.May sinabi si James na kulang pa ng isa para makalabas.Hindi ko lang alam kung ano yun."- sabi ko.
"Wag na muna nating isipin yun.By the way be ready sa Exam niyo bukas"- oh! Exam nga pala sa Main bukas.Wala ba kaming gagawin?
Oh! Well guess what hawak ni Matt ang cellphone ko kaya pala tahimik.Ang bilis talaga ng kamay ng isang to.
"Magpahinga na muna kayo at maka alis na kayo"- sabi samin ni Primo.
Namumula yung kanang kamay ko dahil sa pag tapak ng James na yun ang sakit tuloy.Pero mas masakit yung likod ko fudge! makakahiga pa ba ako?
Tumayo muna ako at umakyat sa terrace sa taas ako magpapahangin nasa labas sila eh kaya ako sa taas naman.
Hawak hawak ko ang kanang kamay ko ng biglang may humila nito and it was Seth.
"Nakakagulat ka!"- sabi ko at hinampas siya.
"Anong ginagawa mo dito?"- tanong niya na ikinataas ng kilay ko.
"Diba ako dapat ang magtanong niyan? Anong ginagawa mo dito?"- nakataas kilay kong tanong.
"Mag papahangin"- sabi niya.Gaya gaya din ang isang to eh noh.
Tahimik akong nakatingin sa malayo ng biglang may iabot siya.
"Ano yan?"- tanong ko.
Kinuha ko ito at binuksan Katana? Hindi lang siya simpleng Katana may parang drawing siya sa taas nito. Its a Dragon galing to sa Black Dragon? May nakaukit din dito. 'LadyGrey' What's with this name?
"Si Eris yang LadyGrey. Eris have Grey hair highlight nga lang"- sabi niya na nakatingin din sa malayo.
"Bakit mo binibigay to sakin?"- tanong ko.Nakangiti siyang humarap sakin.
"Baka sakaling kailanganin mo sa labas"- nakangiti niyang sabi.Kung makapag sabi siya parang hindi ko siya makakasama sa labas.
"Kung makapagsabi ka para namang hindi tayo magkasama lumabas"- natatawa kong sabi.
"Sana nga kasama kita palabas"- nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.
"What do you mean? Ano ka ba! Magkakasama tayong lalabas dito Seth"- sabi ko at pinilit kong ngumiti.
"Hindi din tayo sigurado jan Julia.Malay mo kayo lang ang makakalabas"- sabi niya na ikinatigil ko nanaman.Why so Nega Seth? Hindi pwedeng kami lang ang lalabas.
"Magkakasama tayong nagtulungan para mahanap ang daan palabas.Sama sama din tayong lalabas dito"- sabi ko sakanya na ikinatingin niya at ngumiti.
"I'll treat you pag nakalabas na tayo dito"- nakangiti kong sabi.Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Sabi mo yan ah"- nakangiti niya ring sabi.
"I'll be your living doll there haha"- sabi ko at tumawa.Mukha naman daw kasi akong manika parang buhay na manika.
"I'll be your savior then"- sabi niya at ngumiti.
"San mo ba gustong pumunta pag nakalabas na tayo? Sa Bar? Haha i wanna try again"- sabi ko.Gusto kong matry ulit dun.Bawal pa talaga ako dun pero dahil sa mga kaibigan ko nakakapasok ako.Well si Drix lang naman ang nag mamay ari ng Bar na pinupuntahan namin.
"No i dont want there baka mapa away lang ako lalo na't kasama kita"- seryoso nanaman ang isang to.
"Tss.Eh san nalang?"- tanong ko.
"Dadalhin kita sa Favorite Restaurant ko"- sabi niya at ngumiti.Madalas ang pagngiti ng isang to.
"Ok.Promise yan ah!"- sabi ko sakanya.
"Just promise me na hindi ka na gagawa ng reckless things dito"- sabi niya.Gumagawa ba ako ng reckless things? Uhm...sa pakikipag laban oo.Ganon na nga.
"Fine.Fine"- sabi ko na ikinangiti niya.
"And stay with me"- seryoso niyang sabi napa tango nalang ako.
"Inaantok ka na ba?"- tanong niya sakin napahikab naman ako.Yeah inaantok nga ako.
"Tara na nga inaantok ka na"- natatawang sabi niya.Hinila niya na ako pababa.Nadatnan namin silang nasa baba nakaidlip na sila Ace maging si Tyler din ay nakaidlip na. Wala na din sila Nathan.Kami nalang pala ang hindi pa umaalis.
"Buti naman at balak niyong bumaba.Inaantok na ako dito oh"- reklamo ni Zane.Natatawa ako sa itsura niya.Antok na antok na siya Haha.
"Gisingin mo na ang isang yan.Buhusan mo ng tubig ayaw.Pag ayaw padin ako ng bahala sakanya"- wala pang isang minuto ng magising si Tyler hindi pa nga siya ginigising ni Zane eh haha takot kay Seth.
"Gising ako"- sabi niya at bumangon para silang mga adik na walang tulog Haha.
"Mauna na kami Primo"- pagpapaalam ni Zane.
"Ingat kayo"- sabi niya at hinatid kami palabas.
Inaantok na din ako kaya matutulog agad ako.
BINABASA MO ANG
DEATH (UNDER REVISION)
ActionHindi inaasahang aksidente na nakapagpa buo ng pagkakaibigan hanggang magkamatayan hindi mag iiwanan.