Chapter50
Julia's POV
Nakarating agad kami sa H10 gulat akong nakatingin sa mga taong andito. Ang Highest10 members ay andito? Binabantayan nila ang ibang mga estudyante. Nginitian ako ng Highest10 members napangiti nalang ako sa ginawa nila. Kakampi pala namin ang mga to.
"Hindi kayo nag iisa sa labang ito. Highest10 members ata to haha"- sabi ni Aron at bahagyang tumawa.
"Sigurado ba kayong walang makakasunod satin dito?"- tanong ni Amber.
"Wala yan. Madami tayo dito oh"- sabi ni Aron at tinuro pa ang mga andito.Lumapit naman samin si Seth na may kinuha sa kwarto niya na bag?
"Ano ang laman niyan Seth?"- tanong ko sakanya.
"Mahahalagang bagay. Andito na din ang gamit mo. Hawak naman na ni Zane ang box kung saan nakalagay ang lahat ng mga mahahalaga ring bagay. Yung hawak namang maleta ni Lily andun yung mga gamit sa HQ ni Zane"- hindi ko alam kung matatawa ako o mamamangha sa pinagsasabi ni Seth. Bahagya nalang akong natawa.
"Para tayong maglilipat ng bahay"- natatawang sabi ko.
"Ganon ba?"- sabi niya at tumawa na din.
"Aron. Pumunta na kayo sa loob ng gubat. Dumaan kayo sa short cut para makarating agad sa Main. Magtago lang kayo wag kayong magpapakita"- utos ni Seth kay Aron na agad lang tumango.
"Nasan ang kwintas at ang singsing Julia?"- Tanong ni Amber sakin. Sumama na si Zane kila Aron.
Pinakita ko sakanya ang suot kong kwintas. Ginawa kong Pendant ang singsing para hindi mawala.
"Ang talino mo talaga Julia"- sabi ni Amber at ngumiti.
"Tara na"- aalis na sana kami ng biglang dumating sila Santi.Panong nasu.dan nila kami? Nasan sila Ace at Primo?
"Nasan sila Ace?"- tanong ko.
"Hindi ko alam.."- Halos pabulong nalang ni Amber yon.
"Balak niyo pang tumakas ah"- nakangising sabi ni Brenda.
"Patatakasin namin kayo pero ibigay niyo samin ang kwintas at ang singsing"- halos magmakaawa na si Brenda para lang makuha ang kwintas na ito. Hah! Never!
"Hindi ito para sayo"- matabang kong sabi.
"Ibigay mo na. Wala na kayong takas iilan nalang kayo. Madami kami"- Nakangising sabi ni Santi. Satingin niya ba matatakot ako.
"Why would i give you this? Ang hindi sayo ay hindi sayo"- matabang sabi ko ulit.
"Ibigay mo na samin hija. Pwede naman tayong maghati. Pag ibinigay mo sakin yan mailalagay ko yan sa pag eexperementohan namin. Pwede tayong maging mayaman hija"- akala ba ni Brenda mapapa ikot niya ako.Ngumiti ako ng mapait sa sinabi niya.
"Ano ako tanga? Hindi ko ibibigay sayo to"- sabi ko na ikina igting panga ni Santi at ikinayukom ng kamao ni Brenda.
Wala akong pakialam sa tatlong ito. Magsama sama silang magiina. Dahil sa inis ko nilabas ko na ang baril ko at itinutok ito sakanila.
"Wag niyong ubusin ang pasensya ko sa kakapilit. Hindi niyo alam ang kaya kong gawin"- bwesit na sabi ko. Tinignan naman ako ni Amber at Seth.
"Sa kabilang gilid ka Amber sa gitna ako at sa kabilang gilid ka din Seth. Magkita tayo dito"- mahinang sabi ko sakanila. Nagbilang si Seth ng one to three. Hindi ko na pinatapos at sumugod na ako.
May iba pang Red Tiger ang andito. Papalit palit ang nakakalaban ko. Ano hindi nila ako nakakaya? Tss. Hindi pa ako seryoso nito ah.
Nakita ko si Seth na lumapit sakin.
"We need to go. May bomba dito"- napa 'Ha' nalang ako sa sinabi ni Seth.
"Sinabi sakin iyon ni Zane"- bulong niya sakin.
"At naniwala ka naman?"- tanong ko.
May susugod sana pero binaril ito ni Seth. Tinawag ko naman si Amber na agad namang lumapit.
"Anong gagawin mo Julia?"- tanong ni Amber.
Inilabas ko nanaman ang mga maliliit na ito. At sabay sabay na ibinato sakanila. Ang kapal na ng usok kaya umalis na kami.
Nakita agad namin sila Zane na nagtatago sa may bandang gilid ng gubat.
"Nasan ang iba?"- tanong ni Amber.
"Nagka hiwa hiwalay kami"- nakayukong sabi ni Aron.
"Sabi ko bantayan niyo sila!"- galit na sabi ni Seth.
"Wala na tayong magagawa Seth. We need to go"- sabi ni Amber na bahagyang tumingin sakin.
"Nasayo ang susi palabas Julia. Hindi din namin alam kung saan ang daan at kung paano"- seryosong sabi ni Amber sakin.
"Papasok na muna ako sa loob ng opisina ni Brenda"- papasok na sana ako ng pigilan ako ni Seth.
"Hindi pwede mamaya may tao pa jan"- pigil ni Seth sakin.
"Isasama ko nalang si Amber. Magbantay ka dito"- sabi ko kau Seth at pumasok na sa loob.
"Bakit hindi si Seth sinama mo?"- tanong ni Amber pero hindi ko sinagot at nagpatuloy sa loob.
"Kanina ko pa gustong basagin to"- nakatulala kong sabi.Napalapit na din si Amber.
"Siya ba si Erris?"- tanong ni Amber na ikinatango ko. Para siyang anghel. Napaka ganda niya. Napaka ganda niya para ikulong sa babasagin na ito na naglalaman ng maraming tubig.
"She's Pretty right?"- napalingon kami ni Amber sa nagsalita. Ang lakas talaga ng pang amoy ng isang to. Kahit saan ay sinusundan niya kami.
"Buntot ka ba namin at lagi ka nalang naka sunod?"- maarteng sabi ni Amber at umirap.
"Give me the necklace and i'll set you free"- nakangiting sabi ni Brenda at nilahad pa ang kamay niya.
"Pakawalan mo si Erris"- madiing sabi ko.
"Give.me.that.necklace."- madiing sabi ni Brenda.
"I'll give you this kung papakawalan mo si Erris"- napatingin naman si Amber sakin.
"Anong pinagsasabi mo Julia. Hindi mo pwedeng ibigay yan"- nagaalalang sabi ni Amber.
"Patay na si Erris kahit anong gawin ko wala na siya"- Liar!
"Sinong tanga ang maniniwala sayo? Kung patay na siya dapat hinayaan niyo siyang wala ng oxygen na naka kabit sa bibig niya!"- sigaw ko sakanya.
"Fine. Ilalabas ko na siya jan but give me the necklace first"- sabi niya at walang pasabing tinaggal ko ang kwintas ko. Nakita ko naman ang malapad na ngiti ni Brenda. Lumapit ako sakanya para makuha niya. Panay naman ang tawag sakin ni Amber pero hindi ko siya nililingon.
Nang malapit niya ng hawakan agad ko itong binitawan at sinipa papunta sa direksyon ni Amber. Nakita kong pinulot niya ito.
Good catch Amb....
BINABASA MO ANG
DEATH (UNDER REVISION)
ActionHindi inaasahang aksidente na nakapagpa buo ng pagkakaibigan hanggang magkamatayan hindi mag iiwanan.