Chapter46
Julia's POV
Minulat ko ang mga mata ko at nakita silang nakatingin sakin.
"She's awake"- sabi ni Max at lumapit naman ang iba sakin.
"Kamusta ang pakiramdam mo?"- tanong ni Ace sakin.Wala akong maramdamang sakit.
"Ok na ako"- tatayo na sana ako ng pigilan nila ako.
"You're not ok.Hindi mo sinabi samin na nasaksak ka"- naka poker face na sabi ni Seth.
"Inuna mo pa ako kaysa sa kaligtasan mo"- rinig kong sabi ni.....Drix? Ok na siya?
"Ok ka na? "- tanong ko.
"Yeah nauna akong gumaling kaysa sayo.Patulog tulog ka kasi jan"- bumalik nanaman siya sa pag ka moody niya.
"Dalawang araw ka ng natutulog.Epekto yun ng gamot"- nakangiting sabi ni Max.
Tatayo na sana ako ng pigilan pa ulit nila ako.Ano pa bang gusto nila?! Magaling na nga ako!
"Ano bang gusto niyong gawin ko dito? Magaling na nga ako! Wala akong magagawa kung hihiga at matutulog lang ako dito! Sisimulan na natin ang plano..."- sabi ko at lumabas na.
Seth's POV
"Hindi natin mapipigilan si Julia"- rinig kong sabi ni Ace.That brat. Hindi niya iniisip ang sarili niya.
"Kahit pigilan niyo siya gagawin at gagawin niya ang lahat"- rinig kong sabi ni Nathan.Hindi ko nalang sila pinansin at kumuha na ako ng damit.
"Be Ready"- sabi ko sakanila at lumabas na.
Ace's POV
"San pupunta ang isang yun?"- tanong ko sakanila.Kibit balikat lang ang naisagot nila.
"Be Ready daw eh"- kibit balikat na sabi ni Tyler at naglakad na palabas.
Im not yet ready.Baliw ka talaga Julia Nicole.Masyado kang nagmamadali.Tss.
Julia's POV
Nag palit ako ng damit at lumabas na.Mukhang magpapa ka spy ako ngayon ah.Kailanga kong magdahan dahan.Nang nasa HB na ako nagdahan dahan akong naglakad papunta sa Main.Kailangan walang makakita sakin.Tss.
Nang nasa Main na ako.Wala akong masyadong makitang naglalakad.Anong oras na nga ba? Tumingin ako sa wristwatch ko 2:30 pm na? Tss.
Nang makarating na ako sa destinasyon ko.Nagtago muna ako may mga bantay sa labas.Pano ko madidistract ang mga ito.Nang makapagisip ako ngumiti ako sa naisip ko.
Lumapit ako ng konti pero nakatago padin. Nang malapit na ako hinagis ko ang isa sa mga hawak ko pagkahagis ko bigla ng umusok. Salamat dito sa kagamitang ito. Tama nga si L at nakaka distract ko.Ngumiti ako at tumakbo na sa opisina ni Brenda na wala na ang mga bantay.
Biyernes ngayon kaya wala si Brenda.Pano ko nalaman? Well tinitignan ko ang bawat kilos at pag alis niya.Every friday wala siya dahil may meeting kuno sila ng kung sino sino.
Agad na akong pumasok at sinara ito.Inilibot ko muna ang paningin ko para maghanap ng CCTV.Napangiti ako ng wala akong nakita.
Sinimulan ko ng magtungo sa pintuan na may nakalagay na CR.Eto yung hindi nabuksan ni Erris dahil naka lock kinuha ko ang hair pin na naka lagay sa may laylayan ng Leather jacket ko.Magaling ako dito.Agad kong tinusok ito sa door knob wala pang dalawang minuto ng bumukas ito.Easy as cupcake.
Isinara ko agad ang pinto at nilock.Para lang siyang kwarto na walang laman.So eto lang yun? Napairap nalang ako sa nakikita ko.Lalabas na sana ako ng may mahagip ang mata ko. Dahan dahan naman akong lumapit sa nagiisang frame na nakasabit sa pader.Napangisi nalang ako sa nakita ko.Kung magtatago sila dapat yung hindi halata.Tinanggal ko ang frame na nakasabit at tama nga ako may nakatago dito sa likod ng frame.
How can i know the password? Marunong naman akong magtanggal pero hindi ganon kagaling mas magaling si Matt sa mga ganto.Siya ang best taga tanggal ng mga password siya din ang best hacker namin.
Sinimulan ko ng magpipindot ng kung anong alam kong password pero ayaw padin.Sinimulan ko sa apat na one hangang sa apat na Zero pero wala padin.Nagimbento na din ako ng pass pero wala padin.Tinanggal ko naman ang naka takip sa may lalagyan ng wire at tinignan ito.No choice kundi sirain to.
Mabilis kong nasira ang isang to kaya nagulat ako ng dahang dahang bumukas ang isang malinis na pader.Umatras muna ako habang bumubukas ang pader.May itinatagong galing ang mga to.
Nang bumukas ay agad akong namangha sa nakikita ko kaya agad akong pumasok naramdaman ko namang sumara ito.Kay gandang pagmasdan ang mga asul na kula na ito.Lab ba nila to? Dito ba nanggagaling ang mga gamot? O dito inilalagay ang mga pinag eexperementohan nila?
Satingin ko dito sila gumagawa at dito sila nag eexperiment.
"Pano nila ito naitago?"- tanong ko sa sarili ko.Ang ganda niyang pagmasdan dahil sa kulay nito na blue at puti lang makikita.
Sa puting lamesa makikita ang mga kung ano anong gamit na naka lagay.Sa isang mahabang lamesa ulit na puti ay may isang box na basket na may lamang maliliit na bote.Lumapit naman ako at tinignan ito.
Ito yung mga ibinibigay na gamot ni Primo samin pag may sugat kami.Napatingin naman ako sa isang basket na may laman ding maliit na bote pero mataba taba ang isang to at kulay gold ito.Wala man lang nakalagay kung anong klaseng tubig o gamot to? Tss.
Inilibot ko nanaman ang paningin ko.Nang makita kong nakabukas ang cabinet na nasa tabi ng parang lababo ay agad akong lumpit at binuksan ito.
Jewelries? Anong meron sa mga ito? Kasama din ba sa pinag eexperementohan nila? Naagaw ng mga mata ko ang isang kwintas na kumikinang.Dahil napatulis ng mga andito ay nahiwa ang kamay ko.Pano pa kaya ako makakahawak neto kung may hiwa ang palad ko.Tss. Kinuha ko ang parang panyo o tela ata andun at ipinunas sa palad ko. Tinitigan ko ulit ang isang to.
"Nakita ko na ang isang to"- sabi ko habang pinagmamasdan ito.Hindi ko nga lang alam kung san ko ito nakita.Pero parang satingin ko mahalaga to.Ibubulsa ko na sana ng marinig kong bumukas ang pader na pinagpasukan ko kanina at iniluwa nito si Brenda na nakangiti.
"Hello"- Fvck buti nalang at naka mask ako.Yung mask na ginagamit namin Black Dragon's Mask.
"Nagustuhan mo ba ang lab ko?"- nakangiti niyang sabi.Nagandahan ako pero nung pumasok ka nasusuka na ako.
May kasama siyang apat na lalaki.Hindi padin ako nagsasalita at nanatili padin sa pwesto ko.
"Nagustuhan mo ba ang mga nakita mo?"- nakangiti niyang tanong ulit.
"Did you enjoy here.....Julia Mendoza?"- Nagulat ako ng marinig ko mula sakanya ang pangalan ko.Nanatili lang siyang nakangisi samantalang gulat akong nakatingin sakanya.
BINABASA MO ANG
DEATH (UNDER REVISION)
ActionHindi inaasahang aksidente na nakapagpa buo ng pagkakaibigan hanggang magkamatayan hindi mag iiwanan.