Chapter 33

2K 56 0
                                    

Chapter33

Julia's POV

Ayoko sa lahat yung tinatamaan yung mukha ko.Balak ba akong bulagin ng isang to? Hah! Palapit siya ng palapit sakin nararamdaman ko kahit naka pikit ako bago pa man siya makalapit dumilat na ako at sinipa ko na siya nang masipa ko siya pinunasan ko muna yung tumutulong dugo malapit sa mata ko.

Nang tumayo ba siya sinipa ko ulit siya para mapahiga.

"Bawal yang ginagawa mo!"- sabi niya sakin.

"Wala namang sinabi na bawal manipa,bawal lang gamitin ang kamao.Bingi!"- sabi ko at sinipa nanama siya kinuha ko na yung patalim at lumayo ng onti sabay hagis tumama yun sa may leeg niya buti nalang hindi bumaon kung bumaon yan patay na yan.

Sisipain ko na ulit sana siya ng biglang nagbell kaya dali dali kong hinahap sa bulsa niya yung card.Bayad niya to sa ginawa niya. Nakaalis na siya pero ako andito padin pinupusan yung dugong kanina pa tumutulo.Ugh! Ang hapdi!
Naramdaman ko namang naglalakad palapit sakin sila Zane nakatalikod kasi ako.Nagulat sila ng makita ang sugat sa mukha ko.

"F*ck what's that!?"- gulat na sabi ni Zane with a curse.

"Ano ba tawag dito? Diba sugat"- pamimilosopo ko sakanya sabay irap.

"Tumigil ka na nga sa pamimilosopo mo and let's clean it"- awat ni Seth at hinila na ako papuntang clinic.

Kaming dalawa lang ni Seth ang nagpuntang clinic dahil didiretso na daw sila Zane sa HO may mga ilalagay kasi sa stock room.

Pagkadating namin sa clinic umupo ako sa sofa habang kumukuha si Seth ng panlinis.Oh well self service to walang nurse ikaw ang dapat gumamot ng sarili mo ikaw lang din ang kukuha ng kailangan mo,tss!

"Hindi kasi nag-iingat"- Sabi niya at umupo sa upuang nasa harap ko at sinimulan na ang paglilinis.

"Hindi ako nakailag eh.At chaka malay ko bang tatama sakin yun"- sabi ko at napanguso.Napatigil naman siya at tumingin sakin.

"Wag ka ngang mag pout,nakaka distract"- sabi niya umirap naman ako.

"Bakit nga pala kita kinakausap,tss"- sabi ko sabay irap ulit.Bat ko nga ba pinapansin tong matigas ang ulo.

"Sabi na galit ka sakin eh"- sabi niya ng mapatigil siya sa pag lilinis ng sugat ko.

"Sinong hindi maiinis eh ang tigas ng ulo mo.May sinabi ba akong umalis ka dun at pumunta dito?"- tanong ko sakanya.

"Hindi naman na kasi masakit kaya pumunta na ako dito,babalik din naman mamaya eh"- sabi niya at pinagpatuloy na ang paglilinis ng sugat ko.

Tumigil nalang ako at hinayaang linisan ang sugat ko.Nang matapos niya nang lagyan ng Bandage tumayo na kami at lumabas na sakto namang naka salubong namin sila Zane.

"Pupunta pa nga lang kami eh"- sabi ni Tyler ng makita nila kaming lumabas.

"Eto na nga oh lumabas na kami"- sabi ko sakanila.

DEATH (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon