Chapter51
Julia's POV
Nang pupunta siya sa direksyon ni Amber hinarangan ko na siya.Pilit naman niya ako inaalis sa pwesto ko hangang sa tuhudin niya ako sa tiyan.Muntik na ang sugat ko dun! Tinuhod ko din siya sa tiyan at sinipa. Kung hindi lang ito mas matanda sakin ay matagal ko na itong napatay. Panay lang ang pagaaway naming dalawa.
Naramdaman kong maglalabas na siya ng baril kaya agad kong sinipa ang kamay niya para hindi niya makuha ang baril niya.
Napalingon ako saglit kay Amber. Nagulat ako ng suntukin ako ni Brenda sa mukha. Not my face! Lagi nalang yung mukha ko. Ano hindi sila nag sawa?
Babawi sana ako ng itinutok niya sakin ang baril na hawak niya.
"Sige ibaril mo"- walang takot kong sabi.
"Hindi ka matino kausap Julia...."- sabi niya.
"Katapusan mo na"- sabi niya ng bigla ko itong inagaw. Nagaagawan na kami ngayon sa baril.
Napatigil kami ng mabaril niya ang salamin kung saan nakalagay ang katawan ni Erris. Agad natapon ang tubig.
Agad kong hinagis ang baril.Agad niya naman akong sinakal na parang walang bukas. Fvck! Ang higpit niyang sumakal.
"Hindi ka sumusunod sa usapan! Gusto mo yung papatayin kapa!"- sabi niya at walang tigil sa pagsakal sakin.
Lumapit samin si Amber at pilit inaalis ang kamay ni Brenda. Malakas niyang tinulak si Amber kaya nauntog si Amber at nawalang malay.
"Ac--kk!"- nakakasakit na ang babaeng to.
Isinandal niya ako sa may salamin kaya nasanggi ko ito at natumba. Fvck! Si Erris! Basag na basag yung salamin. Baka matusok si Erris.
Ayaw niya pading tumigil! Mukhang mapapatay niya ako kapag hindi ito tumigil. Nagulat nalang ako ng biglang pumutok ang baril hinanap ko kung sino ang tinamaan at si Brenda iyon.
Hinanap ko kung sino ang bumaril at nagulat ako ng makita ko si Erris na naka mulat at may hawak na baril. She's pretty. Maganda siya pag naka mulat ang mata niya.
"Ikaw si Julia hindi ba?"- tanong niya sakin habang nakahiga.
Lumapit naman ako sakanya at inihiga siya sa Lap ko.
"Hey....Erris. Just wait hihingi tayo ng tulong"- sabi ko sakanya at nginitian niya lang ako. Ang daming naka tusok sakanya.
Naramdaman ko namang kumikirot na ang sugat ko parang napupunit ang balat ko.
"Am--ber...Amber. Hey Amber!"- kahit nanghihina ay sinigawan ko siya.
Sisigaw sana ulit ako ng bumukas ang pinto at iniluwa nito sila Seth.
"Hey Julia are you ok?"- tanong ni Seth ng makalapit na siya sakin.
Nakita niya namang nakahawak ako sa sugat kong nagdudugo. Napatingin naman ako kay Primo na iniisip kung pano matatanggal ang mga nakalagay kay Erris. Agad naman ding tinanggal yun ni Primo.
"We need to go"- sabi ni Seth inalalayan akong makatayo at binuhat na parang bride.
"Put me down Seth. Kaya kong maglakad"- sabi ko at umirap.
"Wag matigas ang ulo babae"- sabi niya at binuhat padin ako.
Andito na din ang ibang Highest10 at ibang estudyante.
"Tara na. Erris matuturo mo ba samin ang daan palabas?"- tanong ni Primo kay Erris na ngayon ay nakataklob na ng towel si Erris.
"Sure"- maikling tugon ni Erris.
"Wait. Asan sila Nathan?"- tanong ko sakanila pero hindi nila ito sinagot.
"Hindi ko na sila nakita nung nagbato ka"- sabi ni Zane. Agad naman akong nagpababa kay Seth.
"We can't go! Wala pa sila Nathan"- sigaw ko sakanila.
"Kailangan na nating umalis Julia. Baka nauna na silang lumabas"- rinig kong sabi ni Zane.
"Hindi pwede! Sama sama tayong lumutas nito kaya dapat sama sama tayong lalabas dito!"- sigaw ko ulit sakanila.
"Julia kailangan na nating umalis parating na sila"- rinig kong sabi ni Aron
"Sigurado akong nauna na silang lumabas"- rinig kong sabi ni Seth. Wala na akong nagawa kundi umalis na.
Panay lang ang pagturo ni Erris ng daan ng marinig namin ang malakas na boses ni Santi.
"Hanapin niyo ang mga yun!"- rinig naming malakas na sigaw ni Santi.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hangang sa makarating kami sa parang pader lang.
"Itapat mo sa gitna ang kwintas Julia"- nang hihinang sabi ni Erris.
Sinunod ko nalang ang sinabi niya at inilabas ang kwintas na nakapasok sa damit ko.
Namangha ako ng bigla itong bumukas. Totoo na ba to? Makakalabas na ba kami? Nakangiti akong humarap kay Seth at kila Amber.
"Dalian niyo umalis na kayo ako ng bahala kay Santi"- nagulat ako ng bumaba si Erris kay Primo at tumayo ng diretso kahit na parang nanlalambot ang tuhod niya ay tumayo padin siya.
"Pano ka? Hindi ka namin pwedeng iwan Erris"- sabi ko kay Erris ng makalingon na ako sakanya.
"Salamat sa pag papalaya sakin Julia. Napaka bait mo. Nag alala ka sakin kahit na nasa loob ako ng tube glass. I heard everything about you. Matapang ka nga. Kahit na nasa loob ako ay naririnig ko padin kayo. Thank you for everything. Primo.... You need to go too. Buhayin mo ang grupo natin. Seth, Amber , Zane and Julia ingatan niyo ang gamit namin. That's a treasure. Kayamanan namin yan"- bigla nalang siyang ngumiti saakin saamin.
"Kami ang dapat magpasalamat sayo Erris. Itinuro mo saamin ang daan palabas. Itinuro mo ang lahat samin Erris. Thank you for everything. Don't worry iingatan namin ang mga gamit niyo"- nakangiti kong sabi sakanya.
"Ingatan mo ang kwintas at Singsing Julia. Please.....ingatan mo yan. Wag na wag mong ipapahawak yan kila Santi. Wag mong hahayaang makuha nila yan. Yung Tape Julia. Ingatan mo yan. Yan nalang ang alas mo para maikulong sila at hindi na makasakit pa"- sabi niya at ngumiti.
"Sige na umalis na kayo. Parating na sila"- patulak niya kaming pinaalis.
Nginitian ko nalang siya bago umalis.
Nakaka ilang oras na kaming naglalakad pero nasa gubat padin kami.Nanghihina na ako.
"Sandali. Zane akina ang first aid kit. Gagamutin ko muna si Julia "- sabi ni Seth at pinaupo ako sa may puno.
Nang makaupo ako ay agad niyang ginamot ang sugat ko samantalang ang ibang estudyante ay pinauna na naming maglakad dala ang mga gamit namin. Aantayin nalang nila kami sa labas ng gubat.
Nang matapos na ay saktong maglalakad na kami ng humarang sa dadaanan namin sila Santi.
"Sa tingin niyo ba makakatakas kayo? Jan kayo nagkamali! Pinatay niyo ang Mama ko!"- sigaw niya samin at tinutok ang baril samin. Napapikit nalang ako ng pinaputok niya ang baril
Pumikit ako dahil katapusan ko na. Saakin niya tinutok ang baril. Minulat ko ang mata ko ng wala akong maramdaman. Laking gulat ko ng makita si Seth na nakahawak sa tagiliran niya. No! No! No! Agad akong lumapit sakanya.
"Seth...Seth....Onting Tiis nalang. Onting lakad nalang makakaalis na tayo."- sabi ko. Nanatili padin siyang nakatayo habang nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
DEATH (UNDER REVISION)
ActionHindi inaasahang aksidente na nakapagpa buo ng pagkakaibigan hanggang magkamatayan hindi mag iiwanan.