Chapter 12
Julia's POV
Nakatulog pala ako Kanina ang haba pa ng tulog ko kaya pala pagkagising ko kaming apat nalang natira may binabasa si Seth si Zane naman may sinusulat si Tyler naman ang gumising sakin
Kasalukuyan kaming kumakain ng dinner sa Cafeteria
"Friday nanaman bukas! Nakakasawa na!"- naiiritang sabi ni Zane,Friday na pala bukas magiisang buwan na kami dito wala parin akong nakukuhang impormasyon tsk!
Pagkatapos naming magsikain nagsibalik na kami pumasok na ako sa kwarto ko magpapalit na sana ako ng mapansin Kong wala dito yung bag ko,naiwan ko pa pala sa classroom
Lumabas ako at magisang pumuntang classroom para kunin ang bag ko nang makarating ako agad Kong kinuha ang bag ko
Habang naglalakad ako pabalik nakarinig ako ng kaluskos hinanap ko kung saan Nang galing yun agad ko namang nahanap
Sila yung dating nakita ko malapit sa dorm namin yung mga nakamaskarang itim at mga nakamaskarang pula pero mga naka mask nalang yung mga naka itim alam na alam kong sila yung mga nakita ko nun dahil sa tattoo nung lalaki
Naglalaban sila pero hindi lahat tinitignan ko lang sila Hangang sa nakita ako nung isa sa mga naka pula aatras na sana ako pero nakuha na ako ng isa sa kanila nabitawan ko na yung bag ko sige lang take your time sa pagkuha sakin
"Tignan mo nga naman oh,may napadpad dito"- sabi nung lalaking may hawak sa braso
"Bitawan niyo siya lumaban kayo ng patas naduduwag ba kayo kaya niyo siya kinuha?"- sabi nung lalaking naka black na mask na nasa gitna
"Sabihin niyo muna samin kung sino leader niyo pakakawalan namin siya"- nakangiting sabi nung isang lalaki
"Pagnalaman niya kung sino yang hawak niyo magdasal na kayo dahil Hindi kayo sasantuhin nun"- sabi nung lalaki,kilala ba ako ng leader nila?
"Talaga ba? Nakakatakot naman,ang ganda panaman ng babaeng to"- sabi nung lalaking may hawak sakin
BINABASA MO ANG
DEATH (UNDER REVISION)
ActionHindi inaasahang aksidente na nakapagpa buo ng pagkakaibigan hanggang magkamatayan hindi mag iiwanan.