Chapter49
Flashback.....
Seth's POV
Isang oras na ng makaalis si Julia.
"Hindi ba pwedeng sumugod na agad tayo?"- tanong ni Ace na palakad lakad na ngayon.
Pinanood namin ang bawat pag galaw ng tracker niya.Kung saan saan siya pumupunta. Ano ng nangyayari sayo Julia?
"Hindi pwedeng kumilos agad. Baka masira lang ang plano ni Julia"- sabi ni Primo samin.
Pinagmasdan namin ang kulay pulang nasa screen.Ang tracker ni Julia.
"Nasa loob padin ng opisina ni Brenda si Julia"- sabi ni Nathan habang nakatingin sa screen ng laptop.
"Malaki ba ang opisina ni Brenda?"- tanong ni Maxine.
"Malaki dahil may itinatago siyang secret tunel or what"- sabi ni Amber sakanya.
Nang malapit na agad na kaming naghanda at dinala na ang mga gagamitin namin.Lumabas na kami at dahan dahang nagtungo sa opisina ni Brenda.
May mga naka abang sa labas kaya si Matt at Blake na ang tumapos sa dalawang naka bantay. Nang mapatumba na ito nila Matt.Onti onti na naming binuksan ang Pinto.At nakita ang limang lalaki ang nasa labas ng pintuan.Mabilis namin silang napatumba dahil madami kami.
"Maiwan na muna kayo dito.Kami na muna ang papasok"- sabi ni Nathan samin.Nasa labas ang grupo ni Zane samantalang nandito kami sa loob. Tumango nalang ako sa sinabi ni Nathan.
Fvck! Napahinto sila ng makarinig kami ng putok ng baril.
"Fvck! Sasama ako sainyo!"- sabi ko sakanila.
"Dito ka nalang Seth.Makakapasok ka din makikita mo din si Julia na walang gasgas.Easy ok"- natatawang sabi ni Nathan.
End of flashback......
Julia's POV
"Kanina ko pa kayo iniintay mga ungas....."- nakangiti kong sabi sakanila habang hawak ang baril ko.
"May nasapol ka Julia ah"- nakangiting sabi ni Maxine.
Lalapit sana si Santi ng biglang pumasok si Seth na may dalang baril at nakatutok kay Santi.
"Sige lumapit ka sakanya pasasabugin ko yang ulo mo"- seryosong sabi ni Seth kay Santi.
Napangiti naman ako ng makita ko si Seth na nakatingin sakin.
"Paramihan ba ng baril to? Ang dami niyong may baril ah"- nakangising sabi ni Santi.
"Gusto niyo ng paramihan? Ok......"- nakangising sabi ni Santi at parang may pinindot sa may singsing niya.
Natigil naman kami ng bumukas ang isa pang pader at may mga lumabas na estudyante?
"Pumunta ka na dito Julia. Controlado ang mga yan"- sabi ni Seth habang hindi padin naalis ang pagkakatutok ng baril kay Santi.
Maglalakad na sana ako papunta kay Seth ng bigla akong hilahin ni Santi at kinulong ako gamit ang mga kamay niya.
"Bitawan mo siya"- nanggigigil na sabi ni Seth.Hindi padin natinag si Santi.
Inuubos ng lalaking to ang pasensya ko.Kinuh ko ang katanang nasa loob ng leather jacket ko at hinawaan ang kamay ni Santin.Napasigaw siya kaya agad akong tumakbo kung nasan sila Seth.
BINABASA MO ANG
DEATH (UNDER REVISION)
ActionHindi inaasahang aksidente na nakapagpa buo ng pagkakaibigan hanggang magkamatayan hindi mag iiwanan.