Chapter 34

2K 65 3
                                    

Chapter34

Julia's POV

  Chapter34





Nauna ako sa HO.Iniwan ko na yung abnormal na yun.Hilig talaga nun mangasar.Kainis! nakuha pang tumawa kahit natapunan na siya ng iniinom niya.


"oh bat ikaw lang ata asan si Seth?"- tanong ni Tyler pagkapasok ko.


"Nilibing ko ng buhay"- sabi ko sabay Alis at upo sa office desk ko.



"Anjan ka na pala Seth.Kala ko ba nilibing mo na siya ng buhay Julia"- sabi ni Tyler na nakuha pang tumawa pagkaharap sakin.Napatingin naman ako kay Seth na nakatingin at nakuha pang umiling iling habang nakatingin sakin.



Bahala sila jan basta ako nananahimik dito.



"Anong oras niyo balak pumuntang HQ?"- tanong samin ni Zane buti nalang walang tao.



"Ang ingay mo uy!"- saway ni Tyler napangiti lang si Zane.So kami lang pala ang Andito.Di ko napansin.



"Chaka na tayo pumunta dun"-
sabi ko habang nakapalumbaba.



"Bakit? pano pag may laban ngayon? edi wala tayo.Kailangan ka pa naman dun"- sabi ni Zane.Kailangan ba lag I namang andun? tsk!



"Kung wala tayo Hindi sila pupunta dun kasi alam nilang kulang"- sabi ko at nanahimik.Bigla namang nagsalita si Seth.



"May sugat nga kasi siya"- sabi niya na ikinatingin ko agad.



"inaano ka ba ng sugat ko?"- nakakalokong tanong ko.Natawa naman si Tyler sinamaan ko ng tingin si Tyler kaya napatigil siya.



"Ah ok alam ko na.Ayaw mong pumuntang HO kasi baka tanungin ka nila kung anong nangyari Jan sa mata mo?"- tanong ni Zane.Isa pa to.Tsk!



Nanahimik nalang ako.Habang tinitignan ko yung mga papel bigla namang tumunog yung bell sa loob into machina lang naman eh.


"Dito lang tayo?"- nakapalumbabang tanong ni Zane.



"Tara na"- nakapamulsang sabi ni Seth.Hobby niya na yung laging nakapamulsa eh.Wala kasing laman kaya kamay niya nalang yung nilalagay niya.



"Tara na Julia"- Aya ni Tyler.Inayos ko naman na yung mga nasa Office Desk ko at sumabay ng lumabas sakanila.



"Hindi ba talaga tayo pupuntang HQ? Nagsasawa na agad ako dito"- sabi ni Zane.



"Edi mauna ka basta wag ka ng babalik ah"- sabi ni Seth na ikina simangot ni Zane at ikinahagalpak ng tawa ni Tyler.



"Isa ka pa Ty pag di ka tumigil Jan sa kakatawa mo ipapalunok ko yung batong nasa harap mo ngayon"- napatingin naman kami sa batong sinasabi ni Seth.Napatigil naman sa kakatawa si Tyler ng makita niya kung gano kalaki yung batong nasa harap niya.Mga uto-uto.



"Natatakot kayo jan kay Seth? tss!"- sabi ko.



"Ikaw din pag di ka tumigil pupunta tayong HO at sasabihin ko sakanila na may Sugat ka malapit sa mata mo"- sabi ni Seth sabay alis.Just wow! Alisan daw ba kami? pero infairness seryoso siya dun.



"Ikaw kasi Zane eh"- nagtuturuan pa pare-parehas lang naman sila.



"Alam ko yang iniisip mo Julia.Pare parehas tayong tatlo Hindi lang kaming dalawa ah"- pagpapaalala niya.Inirapan ko nalang siya at naglakad na papuntang kwarto.



Bat ba kasi ngayon ako nagka-sugat bwesit na mga yun.Pwede namang sa iba eh basta pwedeng itago.Bat sa mukha pa? siguro nabubwesit sila sa mukha ko kasi ang ganda mga insecure mga bakla! kagigil!



Naghalf bath muna ako at nagbihis.Nung natamaan ko ng kamay ko yung sugat ko sa may taas ng mata ko chaka ko lang narealize na natanggal pala yung nakatakip.Fudge! ang hapdi! ang lakas pa naman ng pagkakatama sa sugat.Naiiyak ako sa hapdi! Nang pumatak yung isang luha Oo isa lang kasi pumikit ako,bigla namang may kumatok at biglang bumukas.Aba! kapal ng mukha nangasar na nga Kanina bigla bigla pang pumapasok.



"Ang bagal mo kasing magsalita Baka may makakita sakin kaya pumasok na ako "- sabi niya pagkapasok niya.Naluluha talaga ako sa hapdi.



"Ang iyakin mo naman naka tayo ka lang jan umiiyak ka na"- sabi niya pagkalagay niya ng First Aid kit sa table.



"Ang hapdi kaya! natamaan ko ng kamay ko ang lakas ng pagkakatama.Mabilis lang kasi magtubig yung mata ko.Kailangan talaga magpaliwanag?"-
sabi ko sabay irap nakita ko naman siyang ngumisi.



"Akina nga gagamutin ko na"- sabi niya.Hinila niya naman ako paupo sa upuan at sinimulan ng linisin yung sugat ko.



"Pumikit ka baka Malagyan ng Betadine yung mata mo"- sabi niya agad ko namang sinunod.Nang maramdaman Kong nilalagyan niyo na pinikit ko pa lalo yung mata ko natatakot ako baka Malagyan yung mata ko eh.Napakunot naman ako ng marinig Kong tumawa ng mahina si Seth.Hinampas ko naman siya,kahit nakapikit nararamdaman ko padin siya kala niya.



"Ouch! Kanina ka pa nang hahampas Jan"- rinig Kong sabi niya.



"Kanina kapa kasi nang-aasar eh! akala mo ba Hindi ko narinig yang tawa mo kahit mahina"- sabi ko habang nakapikit.



"Dumilat ka na nga"- sabi niya.Dumilat naman agad ako.



"Yan kasi di nag-iingat"
- yan nanaman siya.



"Malay ko bang babatuhin niya ako.Iilag dapat ako eh"
- sabi ko habang inaayos yung kama.Siya naman inaayos yung First Aid kit na dala niya.



"Iilag eh natamaan ka na nga"- sabi niya na ikinatingin ko.



"Ang kulit mo talaga eh noh"- sabi ko habang palapit natatawa naman siyang umaatras.



"San ka ba sinaksak? sa utak o tagiliran? bat nababaliw ka na? don't tell me baliw ka na sinaksak ka lang ganyan ka na saksakin kaya kita baka sakaling bumalik ka sa katinuan"
- sabi ko ng mapatigil na ako.Nakangiti naman siyang tumingin sa kakaikot namin nasa may kama na siya.



Nagulat naman ako ng batuhin niya ako ng unan"Ang dami mong sinasabi"- natatawa niyang sabi.Baliw na talaga to! babatuhin ko din sana siya ng bigla na siyang lumabas



Malala na talaga si Seth.Wala na siya sa katinuan.Tss! lagot siya sakin bukas!




********************


A/N: Sorry ngayon lang ako nakapag-update coz you know I'm too busy charot! busy talaga ako sa school kasi nga yun na nga kbye!  

DEATH (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon