Chapter30
Julia's Pov
Nagready na kaming lahat dahil makikipaglaban nanaman sa Red Tiger.Nakabihis na kaming lahat nag iintay nalang ng sign ni Primo.Alam niya kasi kung anong oras pumupunta ang Red Tiger.
Mga nakaupo kaming lahat ng biglang tumayo si Primo.
"Tara na"- Aya niya saamin.
Nag sitayuan naman kaming lahat at lumabas na.Naglalakad lakad lang kami ng makasalubong namin ang Red Tiger.Gaya-gaya ng maskara tss.
"Hello Black Dragon"- nakangiting bati nung lalaking nasa gitna nila.
"Ano Primo,naghanap ka ng mga kakampi mo? "- nakangiting sabi nung lalaki.Magkatabi lang kasi kami ni Primo.
"Papatay nalang kasi kayo hindi niyo man lang siniguradong napatay niyo.Marunong ba talaga kayo tsk"- panunukso ni Primo sakanila.Dahil sa salitang iyon sumugod na ang Red Tiger samin.
Sapak dito sipa don tadyak dito tadyak don,hindi ba sila nagsasawa? Sabagay sanay na sila dito eh.Namumula na yung kamao ni Seth at Primo sa kakasuntok,hindi kasi nila sinisipa ano pang silbi ng paa nila kung hindi nila sinisipa.Natigil ako sa pagtingin ng may lumapit sakin at susuntukin sana ako ng sipain ko siya sa tyan at sa mukha na naing dahilan kung ba natulog siya,susugod sugod hindi naman kaya,tss
May sumugod nanaman sakin,may hawak na siyang patalim,nakipag-titigan muna siya bago sumugod,bawat galaw niya umiilag ako,matamaan lang talaga ako sasaksakin ko to.
Sisipain ko siya sa mukha pero nakailag siya,magaling din to eh.Sa hindi inaasahan tumama sa braso ko yung patalim.Sige na nga pagbibigyan ko na to sa gusto niya.Kinuha ko yung patalim na nasa jacket ko ayokong gamitim yung pinanggamit niya sakin.
Hindi na ako nagdalawang isip at hiniwaan ko din siya umikot ikot pa ako para dalawang braso niya ang mahiwa,nag-effort ako jan ah.Tumingin naman siya sakin at sisipain sana ako too slow kiddo.Nakuha ko yung paa niya pinaikot ko ito sabay sipa sa tuhod niya idiniin ko pa yung pag-apak ko rinig na rinig ko yung buto niyang tumunog,hindi naman ako ganto dati first time ko lang mambali ng buto pasalamat siya at first time ko pa lang kung hindi,baka hindi lang yan ang mangyari sakanya.
"Magaling ka pa din Erris"- nakangiting sabi nung lalaking nasa gitna nilang lahat.Tinitigan ko lang siya at ngumisi sakanya habang busy siya sa pakikipag titigan sinipa ko kaagad siya sa mukha sabay sipa sa tyan,double kill.
"Daldal kasi ng daldal"- sabi ko sakanya ng punasan niya yung dugo sa labi niya.
"Malakas kapa din ah.Sa pagkakaalam ko 10 years ang tagal ng tinurok sayo"- sabi niya na ikinatigil ko.Tinurok? May ginawa sila kay Erris?
Naramdaman ko nalang na sinipa niya ako sa tyan.F*ck! Nanlalason ng utak! Bwesit to! Nag da-daydream ako dito eh!
"Nagulat ba kita Erris? Bakit natatakot ka nanaman ba? Matatakutin ka pala sa mga injection"- nakangiti niyang sabi.F*ck ano bang sinasabi niya?
"Ang daldal mo!"- sabi ko sakanya at sinipa nanaman siya sa mukha buti nalang at kaya kong sumipa hangang mukha.
"Ayaw mo nga pala ng madaldal.Ibigay mo lang ang kwintas at palalayain ka na namin"- sabi niya,kwintas his face.
Ngumisi lang ako at sumugod sakanya,nanggigil na talaga ako dito sa lalaking to! Ang daming alam.
Natigil ako sa pag sugod ng magsitakbuhan na ang Red Tiger,hinila ng isa sakanila ang lalaking kalaban ko,bat sila nag sitakbuhan?
"Seth!"- sigaw ni Tyler.Don't tell me......Tumakbo na agad ako kung san tumakbo sila.Nakita ko doon si Seth na nag aagaw buhay,nasaksak siya for pete's sake! What happened!?
"Anong nangyari? Bat siya nasaksak!?"- tanong ko sakanila.Lumapit naman ako kay Seth buti nalang at may panyo siya sa bulsa niya kaya nilagay ko yun sa nagdudugo niyang tagiliran.
"Ano pang tinatayo niyo diyan!? Buhatin niyo na si Seth at kumuha na kayo ng panggamot!"- sigaw ko sakanila binuhat naman nila Primo si Seth.Sumama naman si Amber kila L para kumuha ng mga gagamitin sa clinic dalawang beses daw sinaksak si Seth kaya kritikal siya.Kahit papano nag aral ako kung pano mag gamot natuto lang ako kay Amber dahil kukunin niyang course ay nasa Medical Field lang nag early study kami kaya may alam kami.
Nang makarating kami sa HQ sinabi ko sakanila na sa taas na ilagay si Seth dahil may kama doon.Kitang kita sa mukha ni Seth ang panghihina niya.
Nang dumating na sila L nilapag nilang lahat yung gagamitin sa isang kama,kumuha si Amber ng Dextrose.
Hinanap ko yung ugat niya sa kamay."Marunong kaba niyan Julia?"- nagaalalang tanong ni Tyler.
"Magtiwala kayo sakanya kaya niya yan"- rinig kong sabi ni Nathan
Nang mahanap ko na yung ugat niya tinusok ko na yun sakanya napadaing siya nang ma-tusok ko na iyon.
No choice na kaya pinunit ko nalang gamit ang gunting yung damit niya gano ba kahaba yung sinaksak sa kanya? Grabe magdugo yung sugat niya eh.
Sinimulan ko na itong turukan ng Anesthesia,at nilinisan ko na din,natapos ko na itong linisan kaya tinahi ko na buti nalang hindi ganon kalalim yung sugat.Pagkatapos ng mahabang pag gamot sakanya nakatulog siya dahil yun siguro sa tinurok ko sakanya.
"Ang cool mo Lia!"- manghang sabi ni Tyler ng makababa na kami,iniwan muna namin si Seth sa taas para makapag-pahinga siya.
"May talent ka Nics"- Nakangising sabi naman ni Zane.
"San mo natutunan ang mag-gamot? Doctor ba ang isa sa parents mo?"- tanong ni Primo na ikinatingin ko.
"Pinag-aralan ko.Natuto din ako kay Amber"- sagot ko sakanya.
"So walang Doctor sainyo? Napag-aralan mo lang? Highschool ka pa lang diba?"- tanong ni Zane.Umiling naman ako.
"Nag early study kami ni Amber"- maikling tugon ko.
Nagpahinga na muna ako saglit at nagpalit na aalis na kasi kami maya-maya iiwan na muna namin si Seth dito sa HQ sila Zane na daw ang bahalang magpaliwanag kay Santi.
Nang matapos ng magpahinga sila Amber napagpasyahan na nilang umalis binilin ko na kila L na kapag ubos na yung Dextrose tawagin ako o kaya si Amber baka kasi pag sila ang magtanggal baka magkamali delikado baka maiwan yung karayom sa loob at baka dumugo baka maubusan ng dugo si Seth.
Lumabas na kami at naglakad na.Nauna kaming dumating sa HB dahil malapit-lapit lang naman eh.
"Magpahinga ka muna Doc Julia,i mean Julia hehe"- sabi niya sabay kamot sa batok.Tinanguan ko lang sila at pumasok na sa kwarto.Nakakapagod ngayong araw.Sana gumaling na agad si Seth.
-------------------------------------------------------------
A/N: Sorry sa wrong gramas and typos
BINABASA MO ANG
DEATH (UNDER REVISION)
ActionHindi inaasahang aksidente na nakapagpa buo ng pagkakaibigan hanggang magkamatayan hindi mag iiwanan.