Chapter 42

1.8K 55 0
                                    

Chapter42

Julia's POV

Matapos kong makita yun agad akong umalis.Sinasabi ko na nga ba't nakakalabas sila ng eskwelahang to.Huling huli kong dala dala nila ang madaming box na nakabukas na may mga lamang pagkain.Alam nga nila kung asan ang daan palabas.Tsk! Mga selfish! Gusto nila sila lang ang makakalabas? Tss.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko sa malayo na naglalakad yung tatlong kanina ko pa hinahanap.Napangiti naman ako ng makita ko sila.Nawala ang ngiti ko sa labi ng makita ko si Seth.What the.San napaaway ang isang to?Kahit silang tatlo ay napatigil ng makita nila ako.

Nakapamewang akong naglakad papalapit sakanila.Nang makalapit ako agad nag iwas ng tingin ang dalawang nasa magkabilang gilid ni Seth.Napatingin naman sa baba si Seth.Napa buga nalang ako ng hininga sa ere.

Lumapit ako kay Seth at hinawakan ang baba niya at itinaas ang mukha niya.Tignan mo nga naman oh.Hindi niya ako tinitignan.Agad ko naman siyang binitawan at tinignan ang mukha nung dalawa.May sugat sa may Leeg si Zane at may pasa naman sa braso si Tyler.Bakit mas marami ang kay Seth? Tss.

Tinalikuran ko nalang sila at naglakad na naramdaman ko namang sumusunod silang tatlo.

Napatigil nalang ako ng nasa Clinic na kami.Agad naman akong humarap sakanila at tinignan sila.Baka kasi may nawala eh.Agad naman akong tumalikod at pumasok sa loob.

"Wala naman kaming sugat Julia"- sabi ni Tyler.

"Gusto mong lagyan ko yang mga mukha niyo?"- sabi ko sakanila na ikina iling ng dalawa.

Agad naman akong kumuha ng pang gamot sa sugat ni Seth.

"Lumabas na kayo kung wala kayong sugat"- sabi ko habang kumukuha ng pang gamot.

Nang makalabas na silang dalawa lumapit ako kay Seth na nakaupo na sa Sofa.

"San mo nakuha ang mga yan?"- tanong ko habang binabasa yung cotton.

"Wag mong sabihing nadulas ka lang.Ang galing mo na atang magsinungaling"- sabi ko at sinimulang linisin ang sugat niya.Sinimulan ko muna yung sa may kilay niya banda.

"Tauhan ni Santi ang may gawa nito"- napatigil ako sa sinabi niya.Ano nanaman bang problema ng Santi na yun?

"Ano bang ginawa niyo? Bat ikaw ang mas kawawa?"- tanong ko at pinagpatuloy ang pag gamot ko sa sugat niya.

"Hindi ko alam ku.ng anong problema niya.Pinigilan din nilang tulungan ako nila Zane kaya mas napuruhan ako"- paliwanag niya.Natapos ko naman ng lagyan ng ointment ang sugat niya sa may kilay kaya yung putok niyang labi naman ang ginagamot ko.

May sakit ba sa utak ang Santi na yun? Hindi naman siya inaano jan! Tsk. Wala siyang magawa sa buhay niya.

"Ouch! Hindi ka naman siguro galit diba"- sabi niya.Ang arte ng isang to!

"Wag kang magulo kung ayaw mong makain tong ointment na ilalagay ko"- sabi ko sakanya at inirapan siya.Nakita ko naman siyang ngumisi na ikinatigil ko.Don't tell me pati si Seth baliw na?

"Wag ka ngang tumawa! Nagugulo oh!"- saway ko sakanya.

Tumigil naman na siya kaya pinagpatuloy ko na ang pag lagay ng ointment sa labi niya.Nang matapos na tumayo na ako at aakmang maglalakad para ibalik ang mga ito ng hawakan niya ang kamay ko at inupo ako.

"Akin na ang kamay mo"- nakangitingin niyang sabi sakin.Nakalimutan niya nga palang gamutin ang kamay ko.Ano bang klaseng pag gagamot ang gagawin niya? Eh gasgas lang naman at nabalian lang.

"Gamutin natin yang mga sugat mo sa kamay.At hihilutin ko tong kamay mo"- Agad ko namang inagaw ang kamay ko.The hell! Masakit na nga eh!

"Niloloko mo ba ako?! Masakit na nga lalo mo pang pasasakitin"- sabi ko na ikinatawa niya.

"Im just kidding"- nakangiti niyang sabi.

"Pwede ka na ding maging joker"- sabi ko sabay irap.

Natapos niya ng gamutin yun lalagyan niya sana ng benda kaso sabi ko wag na.Mas lalo lang sasakit ang kamay ko.

Si Seth minsan hindi mo maintindihan tigan mo ngayon naka pamulsa nanaman at naka poker face nanaman.Samantalang kanina ngumingiti pa siya.Ipatingin ko kaya sa Psychologist tong si Seth.

Nilingon niya naman ako.Tinaasan ko lang siya ng kilay at nauna nang maglakad.

---

Kinabukasan maaga nila akong kinatok.Isuot daw namin yung Uniform namin kaya sinuot ko ito.Nang matapos na akong mag ayos lumabas na ako.Nagulat naman ako ng makitang naka tayo sila sa harap mismo ng pintuan ko.

"Nakakagulat kayo"- sabi ko habang naka hawak sa dibdib ko.Mga walangya!Tawanan daw ba ako!

Hindi na nila ako sinagot at naglakad na paalis.Sa Main kami papunta ngayon.I aanounce na ang bagong ayos ng Highest10 ang dami nilang alam.Napairap nalang ako sa mga pinagsasabi ko.Matatapos naman na din to.Konting tiis nalang makakalabas na kami dito.

Dumating agad kami sa Main madaming estudyante sa may Open Field para tuloy may program.Tss.

Lahat ng Nasa Highest10 ay pinapunta sa stage kung saan may sampung upuan.Kahit san ka nalang pwedeng umupo kaya tabi tabi kaming apat.Hindi na kami mahiwalay baka mapansin na na lagi kong kasama ang mga to.Baka nga nakaka pansin na talaga sila.Mamaya isipin nilang may ginagawa kami kahit meron talaga.

Hinanap ng mga mata ko sila Nathan.

"Ayun sila sa pangalawang linya"- mahinang sabi ni Seth sakin.Agad ko namang hinahap yun at nakita na sila.Napangiti naman ako ng makita ko sila.

Maya maya pa ay dumating na si Brenda at ang anak niyang si Santi na masamang nakatingin samin.

"Goodmorning students"- nakangiting bati ni Brenda.Anong Good sa morning ha? Good ba? Good ba? Tss.

"Aware naman siguro kayo kung anong meron ngayon hindi ba?"- sabi niya at ngumiti nanaman. "Nakikita niyo naman dito sa harap ang mga Highest10 hindi ba?"- tumikhim muna siya bago muling magsalita ulit.

"May matatanggal at may papalit.Magbabago nadin ang ayos nito.Should we start?"- tanong ni Brenda kay Santi tumango naman si Santi.

Blah blah blah.May kung ano ano pa siyang sinabi at sinimulan na ang pagtawag simula sa 10.Hindi na ako nagulat ng mawala na ako sa Rank10.Tuloy tuloy na siya sa hangang sa huminto muna siya ng panglima na siya.Pansin ko walang nawala sa Rank6 - 10 well nag iba lang ayos nila.

"For the Rank 5........Ace Montecillo"- napatigil kami sa pagtawag na iyon.Napaka bagsik ng isang to.Akalain mong makakasama pa siya saamin.Uamkyat na siya sa taas nh stage nilingon niya muna kami at nginitian bago humarap sa harap.

Mukhang isa samin ni Seth ang magiging Rank 1 o 2.Natawag na si Tyler at pang apat siya samantalang pangatlo naman si Zane.

"And For the Rank2 tumataas ka......Ms.Julia Nicole Mendoza"- see? Hindi na ako nagulat pa.Panalo parin ang hari ng mga pinaglihi sa sama ng loob haha kiddin.

Umaangat ako ah.Well see D.U may nalaman nanaman ako sainyo.



DEATH (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon