Chapter 28

2.2K 58 1
                                    

Chapter28

Julia's Pov

Nakarating agad kami sa HB pagdating namin andun na yung iba kami na nga lang talaga ang iniintay.

"Tutal andito na kayong lahat...should i proceed now?"- tanong ng lalaking nasa harap naming lahat.Is he our new prof?

"I am your new teacher in this month so please be good to me"- nakangiti niyang sabi samin.Para lang siyang estudyante dito,matangkad nga lang.

"Dahil ako ang bago niyong teacher ngayong buwan.Bago na din ang lalaruin natin"- nakangiti niyang sabi ulit.Hindi ba siya napapagod sa kakangiti?

"Ganon padin naman ang lalaruin niyo don't worry.Ang gagawin niyo lang ay mag-aagawan ng Cards"- nakangiti nanaman siya.tss!

"Bawat teams ay may Tatlong Black Card.Kailangan niyo lang paramihin ang Black Cards niyo.Paano? Well mag aagawan lang kayo ng cards,kung sino ang makakakuha ng maraming cards sa buwang ito....ay siyang panalo"- nakangisi niyang sabi.Yun lang? easy as cupcake.

"We have only one rule....Pwedeng gumamit ng kahit anong armas pero bawal gumamit ng kamao"- nakangiti niyang sabi ulit.Napangiti naman ako,mukhang exciting ah.

"Ngumingiti ang Badass,ibig sabihin na eexcite na siya"- natatawang sabi ni Tyler na mas lalong ikinangiti ko.

"This is your black card"- abot samin ng bago naming prof.Para lang kaming magkasingtanda.

"Ikaw na magtago niyan Zane"- nakapamulsang sabi ni Seth at nauna ng pumasok sa room.Nagpaalam naman na si Tyler sa prof namin kung pwede ng pumasok sa room pumayag naman kaya pumasok na din kami.

Nadatnan naming naka tungo si Seth sa upuan niya.Dumiretso muna ako sa mini ref para kumuha ng maiinom,nakakita ako ng C2 kaya kumuha ako.

Dumating na yung prof namin kaya tinago ko na muna yung iniinom ko at tumingin na sa harap.

Amber's Pov

"Ang tagal naman nila kumuha ng pagkain"- parang batang pagmamaktol ni Charlotte isip bata,tss! Joke lang!

Break time namin kaya andito kami sa Cafeteria,malamang pag nagugutom diba sa Cafeteria ang diretso tss!

Nakapalumbaba ako ng biglang dumating sila Nate.

"Ang haba ng pila eh"- sabi ni Blake.

"Edi sana pinaikli mo"- pambabara ko sabay irap.

"Kumain ka na nga lang Amber"- sabi ni Blake sabay kamot ng batok.

"Si Primo yun diba?"- sabi ni Maxine na nakaturo sa may pintuan ng Cafeteria,Si Primo nga may kausap.

"Anong ginagawa niya dun? Hindi siya nagugutom?"- Tanong ni Maxine.

"Uy! Concern siya kay Primo"- pang aasar ko kay Maxine.

DEATH (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon