Chapter 36

1.9K 64 0
                                    

Chapter36

Julia's POV

Mabilis naman kaming nakaalis sa puwesto namin kanina dahil wala na yung mga naglalakad.Pero palaisipan parin sakin yung bote what kind of bottle is that? What kind of water? Maraming tumatakbo sa isip ko na kung ano ano.

"Julia your spacing out"- biglang sabi ni Seth.

Nasa labas na pala kami ng HQ.Tinignan ko muna sila at chaka pumasok nilagyan ko na yung sugat ko ng binigay ni Primo at tinakpan ko ng Face Powder hindi naman halata eh maputi naman ako. anong konek?

"Buti naman at andito na kayo"- bungad samin ni Primo.

"Ilang taon ba kaming hindi nakapunta dito?"- sarcastic kong sabi.

"Nasan na sila Nate?"- tanong ko sakanila habang umiinom ng tubig.Eh sa napagod eh.

"Hindi niyo ba nakasalubong? Papunta na yun ah Sinundo nila L"- sabi ni Primo.Mahal na mahal niya yung bow and arrow niya.Nililinisan niya dahan dahan pa.

"Tatanungin ko ba kung nakasalubong namin"- Sarcastic na sabi ko ulit.Tinignan naman nila akong apat.Tinignan ko naman sila.Problema nila?

Maya maya pa ay dumating na sila Amber.

"May laban ba ngayon?"- tanong ni Maxine.Umiling naman si Primo.

"Wala"- sabi ni Nate.

Dinala niya dito yung laptop at binuksan yung parang mapa or what basta nakikita yung kabuuan ng school.

"pag aralan niyo yung bawat sulok ng eskwelahan"- sabi samin ni Primo.

"Primo? Bakit hindi kita tong bahay dito? Eh diba matagal na tong andito?"- tanong ni Amber.

"It's Because of this"- sabi ni Primo na may hawak na maliit na bote.Katulad yan sa binigay niyang bote para sa sugat ko ah.

"Ano yan?"- tanong ni Charlotte.

"Ganyan din yung binigay mo sakin kanina diba"- naka kunot noong sabi ni Seth.

"Maraming ibang klase nito.Yung binigay ko ng masaksak si Seth para sa sugat yun gagaling ka kaagad dun hindi mo mararamdaman yung sakit o kirot ng sugat mo.Yung ibinigay naman sayo ni Rhian hindi ko alam kung ano yun pero alam kong pangontra yun pangontra para hindi ka mapasama sa mga nakokontrol.Etong hawak ko hindi ko alam yung tawag pero makikita mo naman sa kulay. Kulay itim lang ito.Matagal ko na tong nilalagay sa labas ng bahay.Sa tuwing nilalagyan ko to parang nagiging invisible yung bahay"- paliwanag niya samin.Wait naguguluhan ako.San niya naman yan kinukuha?

"San mo yan kinukuha?"- kunot noong tanong ni Drix kahit ako nacucurious din kung san niya nakukuha yan.

"Matagal na akong may mga ganto sa dito.Hindi ko alam kung san nakukuha ni Eris ang mga ito.Siya lamang ang nakaka alam nasa diary niya kung san makukuha ang mga ito."- paliwanag niya ulit samin.

"Ang dapat niyo nalang gawin ay pag aralan ang bawat sulok ng eskwelahan para mas mapadali tayo"- sabi niya samin.Tinignan ko nalang muli ang kabuuan ng eskwelahan.

Malaki ito kumpara sa mga eskwelahan sa labas.Pano kaya nila to napatayo? Halata namang hindi to sakop ng gobyerno.Why? Anong klase tong eskwelahan? Hahayaan lang na may mamatay.Anong eskwelahan ang may gantong klaseng mga estudyante na parang robot? Anong klaseng eskwelahan to?

Malaki laki rin ang Main baka sakaling anjan yung daan palabas.Ilang beses ng binabalikan ni Matt at Blake yung pinasukan namin nun pero wala talagang daan.Saan kaya nila tinatago ang daan? Kung malapit lang yun dito dapat matagal na kaming naka labas.Ang tagal din naming andito.Nag aalala na siguro si Kuya sakin.Hindi man lang ako nag paparamdam.Hindi man lang ako......Woah! May Cellphone nga pala ako! Muntik ko ng makalimutan! Bukas kukunin ko yun sa Main.

"Matatapos mo ba yan Seth?"- napatingin ako sa gawi nila Nate andun si Seth binabasa yung Diary.Masipag din magbasa ang isang to.

"It depends.Matatapos ko to kung mag fofocus ako dito"- kibit balikat niyang sabi.

"Julia,Seth,Tyler and Zane"- tawag samin ni Primo at sinenyasan kami na lumapit.

Agad naman kami lumapit kung san siya naroroon.Kaming Lima lang amg andito.

"Bukas ang Exam niyo para sa panibagong Rank"- sabi niya samin.I already know it.Sinabi niya na yan kanina.Hindi ba siya napapagod magsabi?

"Makinig muna kayo bago umalis"- sabi ni Primo na nakatingin sakin.Oh well! Sinabi niya na kasi yan uulitin nanaman.

"Sa oras ng exam ibibigay ko nalang yung sagot sainyo"- sabi niya samin.Akala ko nagbibiro lang siya nun? Pano naman siya nagkaroon ng Answer Key?

"Teka...San mo nakuha ang mga sagot?"- tanong ni Zane.

"Sa Headmistress Office"- maikling tugon niya.Like What? Delikado yun? What if someone saw him? Ano nalang mangyayari sakanya?!

"Are you crazy?! Pano nalang kung may makakita sayo?"- napataas nalang bigla yung boses ko.Kahit yung tatlo napatingin sakin at napasilip sila Nathan sa gawi namin.

"Julia's right.Pano nalang kung may makakita sayo edi napasama ka sa mga ka grupo mong napatay"- sabi ni Tyler.Gosh! He's Insane!

"Nag ingat ako"- maikli niyang sabi ulit.What ever! Ginawa niya padin yun.

Pagkatapos niyang sabihin yun napagisipan na naming bumalik na sa HB.

"Ako nalang ang magbabasa netong Diary ni Eris"- sabi ko sakanila na ikinatingin nila.

"Myghad! Magpapamisa na talaga ako"- sabi ni Maxine. Nakuha pa ni Max mag paypay gamit ang dalawa niyang kamay.Mga pauso ng babaeng to.

"Myghad! Mag babasa si Julia Mendoza i cant believe it.Nakakaiyak.Im happy for you girl"- Sabi naman ni Amber na nakuha pang magiyak iyakan at magpunas ng luhang wala naman.

"Isa tong Himala"- sabay na sabi ni Blake at Matt.What's wrong with them?

"Kelan kapa natutong magbasa ng ganyan ka kapal na libro?"- Natatawang sabi ni Ace.Masama bang magbasa? Well hindi ko naman talaga gusto ang magbasa.May gusto lang akong malaman.

"Ewan ko sainyo"- sabi ko at inirapan sila.Nag martsa naman na ako palabas.Bahala sila jan!

-----

Nakarating din agad kami sa mga kwarto namin.Buti nalang talaga at walang nakaka kita samin.Pag kadating ko agad akong nahiga sa kama ko.Kamusta na kaya sa bahay? How's Kuya? Ilang buwan nadin kaming andito ni isang balita wala man lang ako.Baka nag aalala na si Kuya.

Ipinikit ko nalang ang mata ko at inintay na makatulog.

----

Kinabukasan nagising agad ako ng maaga.Agad akong nagtungo sa Cr at naligo.Himala ata at walang kumakatok sakin.Ako siguro ang nauna buti nalang ^___^

Pagkatapos kong magbihis at mag ayos lumabas na agad ako.Bahala sila jan iiwan ko na sila.Mga tulog mantika.Basta ako nagugutom na.

Pagkabukas ko ng pinto laking gulat ko ng makitang adun sila.

"Ang bagal mo talaga"- nakapa mewang na sabi ni Tyler.Nakalimutan kong nagaantay nga pala sila dito sakin.

"Akala ko kasi nauna ako sainyo"- sabi ko sabay pout.

"Tara na anong oras na.Maaga ang Exam"- Sabi ni Seth at nauna ng maglakad.

Lagi talagang nangiiwan yun.Pag nakalabas talaga kami dito pauulan ko to ng sapak.




DEATH (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon