Chapter52
Julia's POV
"Umalis na kayo Julia"- sabi ni Seth habang naka hawak sa tagiliran niyang nagdudugo.
Napatingin nalang ako kila Amber na ngayon ay nakikipag laban na kila Santi. Onti lang naman sila kaya alam kong kaya nila yan.
Napatingin naman ako sa mga estudyanteng kanina lang ay umalis na ngayon ay nadadatingan na para tumulong.
Nang sila na ang nakikipaglaban lumapit na samin sila Amber saamin.
"Pwede na tayong umalis"- hingal na sabi ni Zane.
"Tara na para hindi na tayo makita ni Santi"- maglalakad na sana kami ng hindi sumunod samin si Seth.
"Seth tara na"- aya ko sakanya. Tumitig lang siya sakin.
"Mauna na kayo"- sabi niya na ikina kaba ko. Wag mong sabihing magpapaiwan ka dito Cortey?
"No! Walang mauuna walang maiiwan. Let's Go Seth"- sabi ko at hinila ang kamay niya para dahan dahan niya itong inagaw.
"Mauna na kayo Julia. I'll distract them"- sabi niya na ikina mura ko Fvck that distractions!
"Can you please stop Seth! Kailangan mo ding magamot! Ano ba?!"- sigaw ko sakanya.
"Dalhin niyo na siya Zane. Primo"- utos niya kila Zane na agad naman akong hinawakan pero nanlaban ako at lumapit kay Seth.
"Ano to Seth? Sinabi mo sakin na sabay tayong lalabas. Sinabi mo sakin na dadalhin mo ako sa favorite Restaurant...."- naramdaman ko nalang na humina na ang boses ko at onti onti ng tumulo ang luha ko.Hinawakan niya naman ang magkabila kong pisngi at inangat ang mukha ko.Pinunasan niya naman ang luha kong kanina pa pumapatak.
"Shhh....Don't cry Julia. I'll be back. Sige na sumama ka na muna sakanila"- nakangiti niyang sabi pero patuloy padin sa pag agos ang luha ko.
"Pero may sugat ka....."- mahinang sabi ko.
" kaya ko ang sarili ko. Sige na masyado ng delikado dito"- sabi niya pero agad kong hinawakan ang kamay niya.
"Seth...."- sabi ko habang umiiyak.
Pinunasan niya lang ang luha ko at may kinuha sa bulsa niya. Nang makuha niya na ay agad niyang inilagay yon sa kamay ko.
"Wear that para kung sakali man ay masundan kita"- sabi niya at ngumiti.
"Seth.....I can't go. Wala ng magtatanggol sakin. Wala ng mag oorder sakin ng pagkain. Wala ng magsasalita sakin. Wala ng magliligtas sakin. Wala ng magdadala ng gamit ko. Wala na..... Seth.... I can't go without you"- sabi ko habang patuloy ang pagiyak.
"I will be your protector. Im your savior right? Go on Julia.... Gusto kong ligtas kang makakaalis dito. Zane. Primo.... Go now Julia"- sabi niya at hinalikan ako sa noo at dahan dahang binitawan ang kamay ko.
Ayoko mang iwan siya pero pinipilit niya ako. Hindi ko maiwasang hindi sumulyap sakanya. Hindi magiging masaya ang paglabas ko dito kung kulang kami.
Laking tuwa ng mga kasama ko ng makalabas na kami sa gubat at makita ang mga dala naming gamit. Iniwan nalang nila to dito.
"Naka labas na tayo Julia. Hindi ka ba masaya?"- tanong ni Zane sakin.
"Do you think im happy? Sa tingin mo masaya ako?! Masaya ba ako na kulang tayo?! Masaya ba ako na iniwan natin si Seth doon?! Nagplano tayo na magkakasama. Sama sama nating nilutas to. Sama sama nating ginawan ng paraan to. Pero ano to?! Hindi na tayo sama sama! Hindi natin natuloy yung gusto natin na sama sama tayong lalabas ng masaya. Bakit?! Bakit lumabas tayong luhaan?! Ayoko ng umuwi....Ayoko na..... Mas gusto ko silang kasama....Mas gusto ko kayong kasama.."- onti onti na akong napaupo at onti onti na ding humihina ang boses ko dahil sa pag iyak ko.
"Kasalanan ko ang lahat. Kasalanan ko! Kung hindi agad ako nagplano hindi mangyayari to! Kung hindi ako agad sumugod hindi mangyayari to! Kung hindi ko binato ang mga yun sama sama tayong makakalabas! Kung hindi ko pinagamot ang sugat ko hindi tayo maaabutan nila Santi! Hindi dapat maiiwan si Seth....."- lalo akong naiyak sa pinagsasabi ko. Naramdaman ko namang hinahagod nila ang likod ko.
"Hindi mo ito kasalanan Julia. Walang may kasalanan"- rinig kong sabi ni Amber at niyakap ako.
"Kailangan mong maging masaya Julia. Hindi gugustuhin ni Seth na malungkot ka. Akala kasi niya masaya kang makakalabas kaya kahit ngayon ay maging masaya ka"- sabi ni Zane.
"Kailangan niyo ng tumayo jan. Baka maabutan tayo nila"- sabi ni Primo at inalalayan akong makatayo. Agad ko namang binawi ang kamay ko at naglakad mag isa.
Kahit makirot ang sugat ko pinilit ko pading maglakad. Sila Primo at Zane naman ang may dala ng mga gamit namin. Hindi ko alam kung anong trip ni Seth at pinadala niya ang mga ito.
"May sasakyan ba dito? O taxi?"- tanong ni Amber.
"Sa tingin mo Amber may magpapasakay ba satin na ganto ang mga mukha? Para tayong binugbog ng benteng tao"- sabi ni Zane habang pinupunasan ang labi niya.
Naglalakad lang kami hangang sa may makita kaming sasakyan. Lumapit naman si Amber at tinignan kung may tao. Agad siyang umiling samin.
Si Zane ang bumukas ng sasakyan. Binasag niya lang naman ang salamin ng sasakyan at binuksan ang pintuan.
"Ako na ang magdadrive alam ko kung pano to umandar"- sabi ni Primo at nagpunta sa Driver's Seat.
Kaming tatlo naman ay sa likod na pero agad lumabas si Amber.
"Tabi ako ang magdadrive"- nakapa mewang na sabi ni Amber.
"Ako na para makapag pahinga kayo"- sabi ni Primo at pinaandar na ang sasakyan.
"Alam mo ba kung san tayo pupunta? Alam mo ba kung asan ang bahay namin?"- nakataas ang kilay ni Amber at naka cross arm.Napa gasp nalang si Primo at umusog na.
Nagsimula na ding magdrive si Amber. Tumingin lang ako sa labas ng bintana. Madami kaming andun. Madami kaming naghahanap ng paraan para lumabas. Pero bakit apat nalang kaming naka labas? Tumulo nanaman ang panibagong luha sa mata ko.
Babawi ako sainyo Santi. Hindi niyo makukuha ang gusto niyong makuha. Dahil sainyo malungkot kaming lumabas ngayon. Dahil sainyo kulang kami.
BINABASA MO ANG
DEATH (UNDER REVISION)
ActionHindi inaasahang aksidente na nakapagpa buo ng pagkakaibigan hanggang magkamatayan hindi mag iiwanan.