Chapter 3

4.2K 132 0
                                    

chapter 3

Julia's Pov

Natapos agad ang subject ko. Breaktime na kaya sabay sabay kaming pumuntang cafeteria, isa lang ang cafeteria dito pero kahit isa lang napaka laki ng cafeteriang to. Second floor siya at napapalibutan ito ng glass wall.

Nakahanap agad kami ng upuan. Yung mga lalaki na ang nag order ng kakainin namin kaya kaming mga babae lang ang natira.

"Nakita niyo na ba yung babaeng maangas tignan dito? Tas madaming hikaw sa tenga?"-  tanong ko sakanila baka kasi nakita na nila, na cucurious talaga kasi ako sa babaeng yun.

"Hindi pa"- sagot ni Maxine habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng cafeteria.

"Why? did something happened?"- tanong ni Amber, agad naman akong umiling.

"Curious lang ako, kasi parang takot sakanya yung ibang estudyante kaklase ko kasi siya. "- paliwanag ko sakanila.

Sakto namang dumating na ang mga lalaki kaya nagsimula na kaming kumain napansin kong tulala si Matt.

"What's bothering you Matt?"- tanong ko napalingon naman sila kay Matt.

"Naalala niya nanaman siguro yung babaeng pumasok sa room kanina"- Sagot ni Blake habang kumakain sinamaan naman siya ng tingin ni Matt.

"Naatract daw siyan kasi ang sexy. "- panunukso ni Nate tumawa naman sila syempre di kasama si Drix minsan lang tumawa yan.

"Titigilan niyo 'ko o itigilan niyo 'ko? pili kayo isa lang ah"- tinawanan naman siya ni Blake sakanilang apat si Blake ang hyper walang ginawa kundi tumawa ng tumawa. Ang pinaka tahimik naman si Drix.

Natigil kami dahil sa pag bukas ng
pinto sa cafeteria napatigil din ang lahat sa loob ng cafeteria

May mga pumasok na apat na lalaki at isang babae, naagaw naman ng pansin ko ang nasa gitna nila. Mukha siyang leader ng isang grupo.

"Sino si Harry Mercado?"- tanong nung lalaking nasa kabilang gilid ng lalaking nasa gitna nila. Sa kabilang gilid naman niya ay babae.

"Magbibilang lang ako ng hangang lima. One..."- bilang ng lalaking nasa gitna. Hindi pa nakaka bilang ang lalaki nang may lumapit na agad sakanila.

"Ikaw si Harry?"- tanong muli nung lalaking nasa gilid. Tumango naman yung lalaking lumapit sa kanila at mukhang takot.

"Paparusahan niyo ba ako? hindi talaga ako ang gumawa nun. I-inutusan lang ako"- sabi nung tinawag nilang Harry. Nanginginig siya at parang takot na takot pa.

"Hindi ko talaga sinasadyang maglagay nun sakanya. Inutusan lang talaga ako, maawa kayo sakin"- Pagmamakaawa nung Harry at nakuha pang lumuhod sa harap nila.

DEATH (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon