Chapter 13

2.7K 91 1
                                    

Chapter 13

Julia's POV

Dahan dahan Kong inangat ang damit niya para malinisan ko ng maayos yung sugat niya

Nilinisan ko muna yung mga dugong nagkalat bago ko ginamot yung sugat niya

"Argh...dahan dahan lang Julia ang bigat ng kamay mo"- natigil ako  saglit at napatingin sakanya nakangisi siya nakuha niya pang ngumiti ah kinurot ko yung braso niya na kina aray niya

"Kasalanan mo yan! Sino ba nagsabing saluhin mo yun?"- sabi ko sakanya sabay irap napangisi naman siya nakuha pang tumawa huh

"Magkakilala kayo?"- tanong ni Tyler nang makalapit siya samin

Yeah magkakilala kaming dalawa naging kaklase ko siya sa EA naging tricksters din siya pero nawala siya bigla yun pala isa na siya sa bihag dito

Hindi ko nalang pinansin si Tyler at pinagpatuloy ang pag lilinis ng sugat ni Ace

Nang matapos na ako yung sugat ko naman ang nilinisan ko mabilis lang akong natapos kinuha ko yung Medicine kit nila at naghanap ng gamot para Kay Ace siguro naman may gamot sila dito pagkabukas ko...wala? Seryoso?

"Anong hinahanap mo?"- tanong ni L narinig ko kasing L yung tawag sakanya ni Zane

"Wala kayong gamot?"- tanong ko

"Anong gamot ang kailangan mo? Kukuha ako  sa Clinic"- sabi niya sinabi ko sakanya ang kailangan ko gamot kaya agad naman siyang umalis

Pinagmasdan ko lang yung bahay,namiss ko tuloy yung HQ namin satingin ko kasi HQ nila to halata naman eh tagong tago eh pano kaya nila pinagawa to? Nasa taas silang lahat kaya ako at si Ace lang ang naiwan dito natutulog si Ace kaya pinagmamasdan ko tong bahay

"Nagugutom kaba?"- halos mapatalon ako sa gulat ng may magsalita papatayin ata ako  nun sa gulat ah humarap ako sa nagsalita

"Papatayin mo ba ako sa gulat Seth?"- may hawak siyang kumot para Kay Ace siguro

"Oh kumot baka nilalamig ka"- kumot? Diba dapat jacket

"Walang jacket kaya kumot nalang"- sabi niya hindi naman ako nilalamig eh kahit na naka palda lang ako Hindi ako nilalamig

Kinumot ko nalang Kay Ace yung binigay niyang kumot mas kailangan ni Ace ang kumot

"Bat mo sakanya binigay? "- tanong ni Seth

"Mas kailangan niya ng Kumot"- sabi ko Napa tss nalang siya sabay punta ng kusina

Saktong pagalis ni Seth dumating si L dala dala yung gamot na hinahanap ko

"Para kanino yan? Sayo?"- mamatay talaga ako  ng maaga dito! Kanina pa sila Nang gugulat ah!

DEATH (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon