Chapter27
Julia's Pov
"By the way.Sino si Erris? Bakit tinawag nila akong Erris?"- tanong ko kay Primo.
"Dahil nasayo ang kwintas.Si Erris lang ang humahawak ng kwintas na yan dahil si Erris lang ang kayang mag alaga ng kwintas na yan.Hindi nagsasalita si Erris kaya big deal sakanila ang pagsasalita mo kanina.Nakakapagsalita talaga si Erris hindi lang siya nagsasalita pag nakikipaglaban na dahil pakikilaglaban ang inuuna niya hindi pakikipagdaldalan"- paliwanag niya.So hindi pipe si Erris.
"Ingatan mo sana yang kwintas na yan.Napasakamay na nila San dati,wag na sanang maulit ngayon"- sabi ni Primo na ikinatango ko.
"Don't worry aalagaan ko to"- sabi ko sabay ngiti.
"May tanong ako.Kanino yung motor don?"- tanong ni Blake.Nonsense.Kinotongan siya naman si ni Amber.
"Sakin.Nasa akin yung susi ng motor na yan"- sabi niya sabay pakita ng susi.
"May isa pa pala akong tanong.....oh! Hindi na nonsense to!"- Sigaw niya kay Amber dahil handa na sanang mambatok si Amber.
"Yung Diary.Kanino yun?"- tanong ni Blake.Kanino nga ba yun?
"Diary? Nakita niyo yung Diary ni Erris?"- tanong niya.Kay Erris pala yun eh.
"Matagal ko ng hindi nakikita yun.Kaya hindi ako makalabas"- sabi niya.Matagal na din pala siya dito.
"So matagal ka na din dito? Pare parehas pala tayo"- sabi ni Amber.
"Nasa Diary lang ni Erris ang daan palabas dahil sinusulat niya jan lahat ng nalalaman niya at nangyayari"- sabi ni Primo.
"Salamat sa mga impormasyon pero kailangan na ata nating umalis"- sabat ni Seth.Anong oras na nga pala.
"Wag mong ipapakita sa iba yung kwintas Julia,ingatan mo yan"- paalala ni Primo sakin tumango naman ako at sumunod na kila Nate.
Pagkadating namin sa HB humiga agad ako sa kama.Napagod ako sa mga nalaman ko kailangan ko munang matulog.
Amber's Pov
Pagkadating namin sa Dorm nagluto agad si Nathan ng Almusal hindi na kami nag situlog nagsihiga lang sila sa Sofa,sanay naman na kami sa puyatan like duh! Every weekend kaya kami nagpupuyat pero thank you sa gamot na iniinom namin kasi hindi kami nagkakaron ng eyebugs.
"Nag da-day dream ka nanaman Amber.Iniisip mo si Primo noh,yieee"- pang aasar ni Maxine sakin.
BINABASA MO ANG
DEATH (UNDER REVISION)
ActionHindi inaasahang aksidente na nakapagpa buo ng pagkakaibigan hanggang magkamatayan hindi mag iiwanan.