Top One
-Nag-usap lang kami ni Kingkong, about exam.
Andami ko gusto itanong sakanya pero I don't napaka-fc ko na kung maitanong ko man sakanya, hindi kami close."Kingkong, bakit gusto mo nasa top 1 ka?" tanong ko.
"Eh, sino ba ayaw mag top 1 Freakgirl?" Natawa siya, madalas bwisit talaga kausap si Kingkong. Hay! "Well, It's something that I need to prove my worth freakgirl. Kahit hindi ako ma-appreciate, kahit sa ganoon man lang nakakapag-proud ako ng tao kaya why not?" he explained "Ikaw ba?"
"Well, iba kasi ang saya when on you're on top diba? Tsaka, I make my parents and myself proud" valid naman na sigurong sagot yun kay Kingkong diba and I guess yes dahil napa-nod naman siya para sumang-ayon.
Kumain at nag-usap lang talaga kami sandali ni Kingkong at nagyayaan narin umuwi.
"Ihatid na kita, it's late" tugon niya
"H'wag na, malapit lang naman ang bahay namin dito, ikaw ang umuwi na dahil baka pagalitan kana ni Nana" I said "Don't mind me that much" bahagyang ngiti ko
"Sige na naman, please? let me be a gentle man naman, I don't find it amusing kung hahayaan kitang umuwi sa bahay niyo mag-isa and worts ay naglakad ka pa talaga" and sighed, ang kulit talaga ni Kingkong
"Sige na nga" I agreed nalang dahil mapilit narin naman siya.
Naglakad kami ni Kingkong na kaming dalawa lang, sa ilalim ng maliwanag sa sikat ng buwan.
"Do you always get to walk right here all the time? alone?" he asked
"Minsan lang, not during super dark and night naman." I said
I can't believe na nag-uusap kami ni Kingkong na ganito ka gaan lang sa pakiramdam, it feels like nahugot palabas lahat ng irita ko sakanya this time.
"Oy Kingkong salamat ha? sigurado ka ba talaga sa libre na yun? Baka mamaya..."
"why do you mind it so much? wala naman akong pag-gagastusan!" natawa siya
"I know, pero... Iniisip ko si Tatay Mario, namamasada siya araw-araw para sa pamilya niyo tapos ikaw, nililbre mo lang" sabi ko pero mediyo mahina lang at natawa siya
"I didn't think you could be this cute freak girl" 'di na siya makahinga sa kakatawa "My tatay Mario is doing that because he has nothing to do, it's more of his hobby to kill boredome Freak girl, don't worry too much! Pasok kana sainyo" he said at napatango nalang ako.
Pumasok ako sa bahay at napabuntong hininga ako, bakit biglang naging FC kami ni Kingkong sa isa't-isa? aren't we supposed to be enemies? I mean, not just in academics pero in real life, I mean, remember the first day? diba? how did we even came to this point?
"Oh, anak... natagalan ka ata?" si Mommy
"I had a dinner outside with a..." ano ko ba si Kingkong? "A friend, I guess" I said dahil hindi ko rin naman pa masasabi eh.
"Okay, mag pahinga kana muna anak because I know you're tired with the exam, regain your strength." at tumango lang ako and kiss my mommy good night in advance.
Pagkatapos ko mag bihis ay agad higa ako sa kama, I'm dead tired.
Kinuha ko muna ang phone ko para itext sila Eliza at tumambad ulit ang picture ni Kingkong sa screen ng phone ko, hindi ko pala nasabihan si Kingkong about this, gusto ko ipatanggal ito saknaya, like? Bakit ko naman ginawang wallpaper ang isang to? Kulit talaga. I sighed. Well, I have a cellphone for the purpose of call and text only, kaya wala akong alam na ibang function nito, I honestly found out about that group chat thingy recently and the use of data connection dito. Wala nga akong intensyon na mag cellphone eh, back in Italy kung hindi lang siguro ako malayo sa pamilya ko then hindi ako bibili ng phone! It's purely disturbance and I rather use emails at least sa flat form na iyon kontrolado mo.
BINABASA MO ANG
Love Game (√)
Teen FictionSa laro ng pag-ibig, magpapatalo ka ba? Hanggang saan ang kayang mong gawin? Love is a game we play, win it.