Episode 36

4.6K 246 207
                                    

Result
-

Monday morning at pagod na pagod ang pakiramdam ko sa buong outing namin pero kahit ganito man masaya parin naman ako kahit papano.

"Good morning Nay!" si King at sabog din ang mukha.

"You look restless, napagod ka ba tay?" I asked

"Oo. Nay, sa locker room ako tatambay ha? Hindi na muna ako papasok kasi matutulog lang ako" he said

Ewan ko kung bakit ganito talaga siya. Sabagay, base on his achievements parang pumapasok lang naman siya sa school for formality eh, at ayoko ng iquestion o questionin ang sarili ko o siya. Mas mabuti narin iyon, makakapag-aral ako today.

"Okay sige!" I said and smiled

"Pero sabay tayo lunch, nay ha?" he said again and I nodded.

Ewan ko pero nasasanay na talaga ako sa presensya ni King at kahit nakakagaan na ng loob ay kaya ko pa namang pigilan.

"Hi nay! Si Tatay?" Si Nikko

"Nasa locker room, matutulog daw siya" simpleng sabi ko

"Eh? pasama ba pakiramdam niya?" si Mokya na parang nag-aalala pa.

"Inaantok lang daw siya" tugon ko

"Ay ganun ba? Puntahan nalang namin siya ha?" si Nikko "Tantan?!" pagtawag ni Nikko "Walang'ya nauna na pala eh!" Tugon niya at umalis na sila.

Peace of mind atlast.

"Hi Dale!" si Eliza "Galit ka pa ba sa amin?" tanong nito

"Onga Dale, sorry na kung hindi namin pinaalam saiyo. Balak naman talaga namin sabihin pero syempre naghanap kami ng tsempo!" si Jane and I sighed.

I closed the book that I'm reading at hinarap ang dalawa.

Sa totoo lang mediyo nagtatampo ako sa dalawang 'to. Wala akong ibang kaibigan na tinuturing simula pa noon kundi silang dalawa lang pero ano? Nagkampihan pa sila para itago sa 'kin iyong mga pinag-gagawa nila? What happened to friendship, feeling ko tuloy hindi ako mapagkakatiwalaan.

I'm sad.

"Kalimutan na natin iyon at move on na. Pero sana naman h'wag na h'wag niyo na uulitin dahil talagang friendship over tayong tatlo!" napabunsangot ako.

"Yes Nay! Sorry talaga! Alam mo naman mediyo basher ka pa naman nila Nikko tapos ganito nangyari!" Natawa si Jane.

"Basta promise namin sa'yo na hindi namin pababayaan ni Jane ang puso namin no! Pero Nay, pagkayo na ni Tatay h'wag ka gaganti ha?" Si Ellise at Natawa siya "Sagutin mo na si Tatay Nay" she smiled

Napabuntong hininga ako.

"Ewan ko, hindi ko pa alam" sabi ko ng diretso.

"Eh? Wala ka parin bang nararamdaman sakanya?" si Jane and honestly I find her question a bit hard to answer.

"M-meron naman, meron." nangangatal kong tugon.

I want to be honest, may gusto ako kay King, Oo! Naamin ko naman na 'yon, pero hindi ko parin talaga alam. Hindi ako sigurado. There's nothing wrong with King at alam kong ang problema ay nagmumula sa'kin.

May gusto parin talaga akong patunayan sa sarili ko at sana kung ano man ang kahihinatnan ng lahat ng mga future desisyon ko ay magiging masaya ako dahil alam kong iyon naman talaga ang importante.

"Okay Nay, don't rush. Ang totoo, personally, nagdalawang isip din ako kay Mokya dahil syempre babaero siya at maraming girls sa buhay niya, pero everyday na nakakasama ko siya ay masaya ako, gusto kong maniwala sakanya at minahal ko narin siya, kaya kahit pa siguro masaktan ako sa huli ay hindi ko pagsisisihan ang naging desisyon ko" si Eliza and she's a bit teary-eyed.

Love Game (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon