First Month

4.6K 234 43
                                    

(Decided to post it here too!♡)

-

Sa sobrang excited ko sa mismong celebration namin ni King ng aming first month ay hindi ako nakatulog ng maayos. Late tuloy akong nagising. I'm almost an hour late sa meet up place namin na sa labas lang naman ng school entrance. Sa sobrang taranta ko ay tinakbo ko nalang mula sa bahay namin papunta ng meet up place namin dahil hindi naman kalayuan. But the fact na late ako ng halos isang oras ay naiimagine ko na ang mukha niya ngayon. I'm dead meat.

Mga ilang hakbang nalang ay napahinto ako sa aking bahagyang pagtakbo at natanaw ko na ang lalaking alam kong asar na sa pagpapahintay ko sakanya at alam kong bubungangaan lang ako dahil late ako.

He hates waiting. He's King, but I hope I'm an excemption dahil siya naman ang dahilan kung bakit ako na-late eh! He was running in my mind all throughout the night kaya matagal akong nagising, pwede naman nang palusot 'yon diba?

I sighed. I'm still at fault. That, I can't change.

"Tay!" I called for him with our call sign na alam kong corny sa karamihan and believe me, it was corny for me too at first pero noong nasanay na'ko ay kinakatakutan ko na ang araw na hindi niya ako tawaging Nay , definitely a nightmare.

"Nay!" he responded at agad akong nilapitan at niyakap. Nakakaloka! Walang pinipiling lugar ang lalaking 'to, yakap kung yakap at hindi ko na sinuway dahil late ako.

"Tay sorry na-late ako ha? late ako nagising! Ika--"

"Shhh.." he cut me off at hindi na natuloy ang cheesy paninisi ko sakanya. "It's fine. I'm just glad you came. I don't really mind waiting" dagdag niya at napayakap ako sakanya. Maaga pa pero parang maraming baon'g mais itong lalaki'ng 'to ngayon.

"Happy Anniversary Nay!" sabi niya after releasing me from his hug. His wide smile looking at me is so soothing to see, good vibes the whole day, please?

"Anong Anniversary? One month palang tayo Tay! Advance ka masyado" natawa ako "Happy monthsary pa!" I corrected him playfully pero kumunot lang ang noo niya.

"Eh? One month pa ba? Akala ko one year na!" he's obviously joking pero inakbayan niya ako "Happy first monthsary Nay!" at may pasimpleng nakaw halik pa sa noo. Nakakaloka!

"Iyang nguso mo talaga!" mahinang siko ko sakanya "Tara na!" I said and he nodded.

Hawak kamay kami ngayon papuntang plaza na nalalakad lang din mula dito. Masaya ako dahil nakumbinsi ko siya na icelebrate ng simple ang unang buwan namin bilang mag-boyfriend kahit ayaw niya. Pero kasi kagagaling narin namin ng Davao noong nakaraang weekend kaya ngayon, gusto ko simple lang basta magkasama kaming dalawa.

"Ilapag mo na ang banig Tay!" sabi ko sakanya.

Magpipicnic lang kaming dalawa ngayon at maganda ang pwestong napili namin dito sa plaza dahil nasa mismong ilalim kami ng kahoy ngayon. Ang romantic no?

"Nay, sigurado ka ba? Is this set up okay for you?" he asked and I nodded

"Oo naman Tay!" sabay ngisi ko sakanya at pag-aayos ko ng mga gamit namin.

Pagka-ayos ko ay agad sampa at higa naman siya sa banig at napapikit pa ang kurimaw kaya natawa nalang ako.

Limang buwan palang kami magkakilala ni King pero bakit parang ang tagal ko na siyang kilala? Sino bang mag-aakala na magiging kami? na maiinlove ako sa taong wala namang ginawa kundi ang inisin ako, sa taong wala akong gusto gawin dati kundi sakalin siya dahil sa sobrang papansin at sobrang makulit? Dati pakiramdam ko anino niya palang ang natatanaw ko ay nasisira na ang araw ko, na parang ayaw ko na tumuloy o pumasok sa eskwela dahil alam kong makikita ko siya. Sino nga ba ang mag-aakala?

Love Game (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon