Over
-
Please don't forget to comment, vote and share! 🙏
-I don't understand, bakit aalis si King ng Germany? Bakit kailangan niyang mag dropped out? Is it because of the ranking? Is he going to give way para makuha ko ang top? How stupid can that idea be? Minamaliit niya ba talaga ako?!
Sabi sa akin nila Nikko, the main reason why King is allowed to live here sa Philippines ay dahil sa pagiging Top 1 niya, kaya daw hindi pwedeng hindi mag top 1 si King. I didn't knew, sana man lang nalaman ko sana naman I didn't go for an immediate judgement! Ako pa talaga nagkasala. Sana naintindihan ko diba? Sana hindi ako parang buang kakaisip kung paano nagagawa ni King ang mag top with zero mistakes, hindi ko makita ang sense ng pinaglalaban niya, kaya sana pinaalam niya sakin diba? Ah Ewan!
I decided na puntahan si King sa bahay nila. Pinag-isipan ko ito ng mabuti, hindi ko kayang malayo si King just because I was stupid and self centered. Hindi ko kaya na ako ang naging dahilan na malalayo siya sa Nana at Tatay Mario niya. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit ayaw ni King sa Germany at kung bakit sabi nila Nikko na kapag nakauwi daw doon si King ay hindi na siya makakabalik aba'y hindi pwede iyon. Kasalanan ko pero kahit kaunti naman may kasalanan din naman si Kingkong no!
"What are you doing here?" tugon sa akin ni King, gulat siya sa presensya ko pero he still managed to scream a bit na parang inis na inis siya sa'kin and that his tone says umalis na ako pero kahit ganun paman ay hindi ko iyon magagawa not until mapabalik ko si King sa school o kanila Nana.
"I'm here to save you from my mistake" I said looking straight to his eyes at agad naman siyang nagiwas tingin.
"Save me?"
He smirked na parang nakakaloko at feeling niya hindi ko totohanin ang mga sinabi ko
"What are you doing here Jade?" a lady said and omg! Ang ganda at mukhang ang yaman yaman, mama siya ni King?
"and who's this girl?" and she meant, me."Good afternoon po, I'm Moniq--"
"Ma, she's.."
"You're that girl, right?" anong alam ng mommy ni King? "What are you doing here?" iyong pagtitig sa'kin ng mommy ni King, para niya akong kakainin ng buhay, bakit parang ang suplada? bakit parang nakakatakot? bakit parang tuta bigla itong si King?
"D-dinala ko siya dito, kaibigan sila ni Elijha, gusto niya lang makipag-usap" si Nana
"T-tama po, I want to talk to Elijha po, I--I just need to clear something" I said and I can't even talk straight.
"Why? as far as I know, you've come up with a decision already, why change?"
"Ma, please? Spare her from this. Please? Nay--Monique umuwi kana, Nana please?" si King
"Spare her? From what Jhames?" nakakaloka ang nanay ni King! All of a sudden para akong nasa horror scene. "First and for most and as far as I'm concern, walang pumilit sainyong dalawa na dumating sa ganitong point, am I right?" she sighed "Let's talk Monique! Ikaw naman ang nagsimula nito then let's end this, instead of talking to my son, why not talk to me instead, shall we?" at nakaramdam ako ng kaba.
"Ma, don't do this, please? sasama na ako" si King pero nakita ko kung paano pinandilatan ng mata si King ni mama niya, it's more scary than I can.
"Hayaan mo na sila anak, alam ng mama mo kung ano ang ginawa niya" si Nana
King is really mysterious, his family background, lahat sakanya! Nakakagulat ang mga nangyayari. Pero, as said ay sumama ako sa Mama ni King and we went inside a room na parang mini library. Bahala na, I just need to make King stay here for his family at ang ibig sabihin ko ay sila Nana at Tatay Mario at syempre sila Nikko, Mokya at Tantan. Wala na akong pakialam kung magalit man si King sa akin, na hindi ko na maayos kung ano ang nasimulan namin basta maayos ko lang kung ano ang mas importante.
BINABASA MO ANG
Love Game (√)
Teen FictionSa laro ng pag-ibig, magpapatalo ka ba? Hanggang saan ang kayang mong gawin? Love is a game we play, win it.