Secrets
--In the end, mas pinili ko nalang masuspended kesa sa i-avoid ko si Monique sa school. No way.
"Welcome back pre!" si Nikko
2 days lang naman ako na suspend at tumambay lang naman ako sa school parin. Actually parang wala rin namang nagbago eh, actually nagkikita parin kami ni Monique. We learned not to care a lot kung ano tingin ng mga tao sa amin. That's the way we should handle it.
"Badtrip talaga! Gusto ko mang-bigwas eh! Pero ano? Tinatakot ako?! Shuta mag suntukan nalang kaya kami ng Tatay nung bidabida na 'yon!" I said.
Nasa locker room kami ngayon at getting ready sa practice for this saturday's game.
"Bago ka manghamon ng suntukan baka na gulpi kana ni Nanay!" they all laughed, well? Si Mokya and Nikko, sino pa ba?
"H'wag ka naman masyadong pa-under pre! Alam mo yun? Laptrip ka sobra! Hindi ko tuloy alam kung si King pa nakakasama namin eh!" si Mokya, bwisit na 'to.
"Hindi nga ako under! Hindi ba pwedeng I'm a changed man now? Ayaw ko lang ng gulo!" I said defending my side.
Masama ba 'tong ginagawa ko? Hindi naman ah. Ayaw ko ng sakit ng ulo! Bawal ba iyon?! Mga hayup na 'to!
"Edi sige na nga! Pero wait, klaro ba sainyo ni Nanay kung ano ang estado ng 'dating' sa relasyon niyo ngayon? Lakas niyo na magjowajowa-an eh! Baka gusto niyong direchohan na? Para naman na din kayong mag-jowa!" si Nikko
Well honestly, confused din talaga ako. I smirked. Eh, bahala na? Basta we both enjoyed eachother's company kahit na minsan nag-aaway padin.
"We take things slowly! No need to rush!" I said and it's the most honest answer I could reply.
We had our practice and I'm more than inspired doing and playing this game. Sobrang stable ng buhay ko as of the moment and sa totoo lang pati si Nana, good mood na good mood eh.
After our practice ay nag bihis lang ako ng damit and I'm about to go, dahil kailangan ko magmadali.
"Hoy pre! Hindi ka ba talaga sasama sa gig?" si Nikko
"Next time pre! una na ako" I said all wide smile to my friends.
Pagkalabas ko ng gym, hindi ko na maiwasan ngumisi. Sino namang hindi naman ngingisi? Looking at someone from a far at alam mong hinihintay ka niya, diba?
"Hi Miss? Hindi ka ba napapagod?" I said going near her, she's reading something, her study notes this time.
"Andiyan kana pala." she closed her notes "Bakit naman ako mapapagod ba?" she asked all so serious at napatayo na siya
"Wala lang, maghapon ka kasi tumatakbo sa isip ko" sabay akbay ko sakanya and I winked
Pero nahampas lang ako ng notebook sa mukha. Mahina lang naman.
"Ang korni mo! Nagmumukha kanang mais!" she laughed a bit.
"Grabeh, I'm just trying if things will work out on you, you know, make you kilig!" I said a bit smiling towards her. "Sa sabado Nay ha? 10 am naman ang game ko. Pahingi ng time kahit hanggang after lunch lang" I said being all so serious.
"Okay, magpapaalam lang ako kay daddy, may outreach kasi siya baka he's expecting na sasama ako" she said "Nga pala, gusto ng mommy ko na mameet ka. What should I do? pupunta ka ba?" she asked
"Ano naman klaseng tanong iyan? Of course I will. Tsaka, kilala ka ng Nana at Tatay ko kaya I think it would be best kung ako din sa family mo, diba?" I smiled "The only concern I have is kung magugustuhan ba ako ng parents mo. You know, I've been a brat towards you the last time your mom saw me kaya worried ako" I said at natawa siya
BINABASA MO ANG
Love Game (√)
Teen FictionSa laro ng pag-ibig, magpapatalo ka ba? Hanggang saan ang kayang mong gawin? Love is a game we play, win it.