Holding hands
-
Comment, vote and spread :)
-"Tara naman na Nay! Let's go na excited na ako maligo! Wala naman ng araw oh! Nay!"
Bwisit na bwisit na ako kay King na wala ng ibang ginawa kundi asarin o dikaya inisin ako sa mga kahit anong bagay niya trip niya lang.
Ngayon naman gusto niya ng maligo! Eh sa ayaw ko nga!
"Maligo ka kasi mag-isa mo!" bahagyang sigaw ko sakanya. Nagkulong kasi ako sa kwarto.
Ang totoo isa din sa mga kinaiinisan ko ngayon ay ang fact na gusto niyang makita ang swim wear ko! Eh paano wala namang abiso din itong sila Eliza na mag two-two piece sila! Well, kahit may abiso parin naman sila ay hindi rin naman ako magtwo-two piece no! Hindi ko kaya at hindi ko keri. Sadyang manyak lang talaga 'tong Kingkong na'to at sa lahat talaga iyana ng aabangan niya?! Doon siya sa mga isda! Pwe.
"Nay naman eh! Naglalaro na sila ng volleyball nay oh! Nay, labas na please!" katok siya ng katok at naririndi na talaga ako. Kainis! "Nay, yohoo! Nagswiswimming ka ba diyan sa kama? walang tubig diyan oy!" tapos kinatok na naman niya!
And that's it. Bahala na si batman kung ano mangyayari pero napipikon na talaga ako at tsaka alam ko rin naman na sobrang excited din talaga si King sa outing na 'to. Kung mas prefer niya ng babaeng nag two-two piece edi bahala siya. Wala akong pake.
Binuksan ko ang pinto at ang tibay lang din ng lalaki'ng 'to dahil naghintay talaga siya sa paglabas ko.
Suot ko ang aking long sleeve rush guard na kahit papano naman ay kita ang tiyan at naka leggings type ako sa baba. Nakita kong tumingin siya sa akin at alam kong disappointed siya sa nakikita niya! I don't care!
"Naks! Sexy naman ng Nanay ko!" he said all wide smile.
"Tigilan mo ako ha?! As in!" sabay pakita ko sakanya ng kamao ko dahil ewan ko naiinis talaga ako.
"Eh? Totoo naman talaga ah! I don't get to see you wearing like that, tummy out. Tummy palang sexy na diba?!" sabay akbay niya pero siniko ko lang siya
"H'wag mo nga ako niloloko! Narinig ko kayo kanina no! Isda pala ha!" sabi ko at napairap ako sakanya "Doon kana nga sa mga kaibigan mo! Parehas kayong mahilig sa isda! Mahilig sa malansa!" Sabay ismid ko.
Pero natawa siya.
"That's just for fun nay, alam mo naman na malingon man ako sa iba, saiyo naman ako nakatitig...always!" sabay kindat niya na naman.
"Ayan mga ganyang linyahan sa mga taong sanay na sanay na sa lokohan eh! Sige! Bolahin mo lang ako! Saya mo!" I rolled my eyes pero natawa parin siya.
"Suplada naman!" sabay ismid niya "Nilalamig ka ba nay? bakit ka naka-jacket?" Tapos tumawa siya "Joke lang!" and he peace signed.
"Baliw!" I said to him
Wala ako sa mood. Sobrang nababanas ako!
"Go king!" sigaw ng mga babaeng nasa audience kuno, naglalaro sila King ngayon ng beach volleyball, silang anim lang dahil hindi na ako sumali, KJ na kung KJ.
Iyong mga nakatingin na mga babae ngayon, jusmiyo! Puro naka two-piece at parang ako lang naligaw dito ngayon!
Minsan nga napapaisip ako, bakit ako ang nagustuhan daw ni King? Bakit hindi si Kisses? o dikaya bakit hindi isa sa mga nagkakagusto sakanya? Anong meron sa akin? Boring at puro aral na nga lang wala pang kahit anong arte sa katawan. I mean, the kind of guy King is, parang hindi kami matched.
"Ayoko na!" rinig kong sabi ni King "Nay, ligo tayo!" si King
Him being clingy seems to be so intimidating lalo na at napapagtinginan kaming dalawa. Ang awkward.

BINABASA MO ANG
Love Game (√)
Teen FictionSa laro ng pag-ibig, magpapatalo ka ba? Hanggang saan ang kayang mong gawin? Love is a game we play, win it.