Episode 50

5K 283 146
                                    

Life
-
Welcome to the last episode ♡
-

Hindi ako makatulog. Ewan ko ba kung bakit nasesenti ako sa mga nangyayari. Looking at him right now sleeping beside me parang nababahala ako at parang napaparanoid ako. What happened earlier should be and must be a clue na dapat na maconvince ko ang sarili ko na King's for me, yes he is, pero sa tuwing naiisip at sumasagi sa isipan ko na andito si Icah at nakikita ko ang initials niyang nakaukit sa kamay ni King ay hindi ko mapigilan mabahala.

Did King commited a suicide attempt dahil iniwan siya ni Icah? Kung ganun kaya niyang ialay ang buhay niya before? Kay Icah? He could have lost his chance on meeting me and I could have never made him mine.

Napailing ako at napabuntong hininga ako. I don't have to doubt, that's clear.

Kinabukasan nagising ako na may pakunti-kunting dampi ng ng mga labi sa mukha ko. Napangiti nalang ako dahil alam ko namang naglalambing na naman ang isang 'to.

"Alam mo Tay, para kang pusa na naglalambing sa umaga!" natawa ako sabay yakap sakanya

"Nay, grabeh nanaginip ako" sabi niya at mas hinigpitan niya ang yakap niya sa'kin

"Eh? Ano naman iyon Tay?" tanong ko habang tinatalian ko ang buhok ko pero bago paman din siya magsimulang magkuwento ay natawa na siya "Kalokohan na naman iyan no?! Ewan ko na talaga sa'yo!" sabay pabirong irap ko sakanya. "Tumayo na nga tayo at gutom na ako! Mag snorkeling tayo ngayon Tay ha?" I smiled

"Nay, ayaw mo ba talaga marinig ang kwento ko? Sure ka?" halos malagutan na siya ng hininga kakatawa "I-ikaw kasi Nay! Kasalanan mo! Pati tuloy sa panaginip ko yun parin " O kita? Masama talaga pangitain ko sa panaginip niyang iyan.

"Tatayo ka diyan o iiwan kita? Bahala ka diyan!" Tapos nauna na akong lumabas ng kwarto pero maya't-maya naman ay sumunod siya at agad nakaakbay siya sa'kin.

"Grabeh naman Nay, sobrang pikon!" nakabusangot na siya.

"Eh puro ka kasi kalokohan, tsaka pwede ba? iyang mga ganyang panaginip na sinasabi mo? sarilihin mo iyan! And I mean wala kang sasabihan kahit mga barkada mo! Kainis ka ah!" sabay mahinang sampal ko sa mukha niya, as in, sobrang hina lang.

"Para panaginip lang? Kj mo Nay!" sabi niya at Hala siya. Ayun nauna na maglakad palayo. Napikon na. Hindi niya talaga gets ang mga gusto kong iparating sakanya no? Saan ba makakabili ng candy dito at may bata akong bibilhan.

Sino naman din kasi'ng hindi mapipikon sa mga banat nitong lalaki na 'to? Ke aga-aga puro kamanyakan iniisip, ako pa sinisi? Ako na naman ang KJ! Hindi ba siya naiilang sa mga ganyang usapin? Aba'y kung sanay siya sa mga ganyang topic at kung kaya ialay ng mga babae niya ang bagay na'yon sakanya aba'y magtigil siya! H'wag niya ako ginagaya sa mga yun. Hay!

"Anong gusto mo kainin?" tanong ko sakanya pagkadating ko sa table na andun siya.

"Wala" sabi niya at naglalaro na naman siya sa cellphone niya.

"Bahala ka nga diyan! Ikaw na nga itong tinatanong ng maayos ikaw pa 'tong nagagalit! Edi h'wag kang kumain! Bahala ka diyan!" napikon na ako ng tuluyan! Hindi talaga nakakatuwa ang ganitong kaartehan niya sa umaga!

Ubod ng kasweetan si King at bago iyon sa'kin pero kahit anong mangyari parin talaga ay siya parin iyong King na nakilala ko. Nakakaimbyerna parin.

"Bakit ba nagagalit ka? nag tanong ka, sumagot ako."

"Pag tumayo ka diyan, at ginutom ka, pipilayan talaga kita!" tapos nahampas ko siya ng dala kong pitaka. Imbyerna talaga!

Wala talaga, hindi talaga siya tumayo at naglaro lang ng cellphone niya. Kalma Nique. Kalma.

Love Game (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon