Confusions
-
Please drop some comments, vote & spread ♡
-As planned ay magkatabi nga kami ni King sa upuan sa bus. Ewan ko ba, randam na ramdam ko naman na good mood ang isang 'to kaso wala siyang ibang ginagawa ngayon kundi ang maglaro sa phone niya.
Nakakaloka.
"Shookingina! Namiss ko ang cellphone ko!" si Nikko at eto siya asusual ay wala siyang pakialam kung may ibang tao madidisturbong iba. Pinandilatan ko nga.
"Grabeh naman para naman 'tong Lion na lalapa. Sorry Nay!" natawa si Nikko
"Pasaway eh!" si King at pinagtawanan niya lang naman si Nikko tapos balik na naman sa paglalaro sa cellphone niya.
Walang kwenta itong katabi ko eh. Nababadtrip ako! Ano iyong may payakap pa siya kaninang nalalaman at sinabing tabi kami? Eh eto siya naglalaro lang ng cellphone niya. Urgh.
Kinuha ko nga lang ang phone ko at naglabas narin ako ng earphones at mag sosound trip na lang ako sa byahe. Ewan ko talaga! Napipikon ako!
"Inaantok ka ba?" he asked at imbyerna, inirapan ko nga! "Sandal ka dito oh!" sabay pat niya ng shoulders niya, ang kulit lang pero hindi talaga ako nag patalo dahil hindi ko na siya kinibo at kunyare wala akong narinig
Alam niyo yun, nagyaya lang naman pala ng katabi at talagang literal pala ang gusto eh, akala ko pa naman kung ano. Sinong di mababadtrip aber?
"Nay?" naramdaman kong may umaalog sa akin kaya inakala ko ay nakarating na kami, halos mapatayo na ako mula sa pagkakaupo sa sobrang bigla at ang hinayupak tawa ng tawa "Ang layo pa natin!" sabi nito at talagang natawa talaga siya! Nakakagigil.
Hindi ko na napigilang masiko siya dahil talagang napipikon ako at dinalatan ko siya ng nakaksindak dahil pag hindi talaga 'to tumigil sa kakatawa ay lilipat ako ng upuan.
"Pag 'di ka tumigil diyan! Lilipat talaga ako ng upun ngayon" I warned at napahinto siya at talagang nag zipper pa kunyare ng bibig. Gigil!
"Just as I thought, totoo pala ang kasabihang magbiro kana sa lasing wag lang sa bagong gising, no?" natawa na naman siya pero hind ko na siya pinansin. "Nay, galit ka ba? grabeh naman!" tapos sinusundot sundot niya ang tagiliran ko kay mas lalong nakakainis!
Kaya ba ako gusto makatabi ng asungot na 'to para lang inisin ako buong byahe? Hinampas ko na sa sobrang pikon ko. Naiiyak ako sa sobrang pikon! Ewan ko kung bakit.
"Grabeh naman, ginising lang naman kita para makahiram ng cellphone mo! Lobat na ako oh! Ang damot naman" mahinang tugon niya pero rinig na rinig ko.
May pagka bipolar ata 'tong King na 'to! Kahapon lang hind niya ako pinansin! Aba kaninang umaga, aba'y napaka-sweet, tapos ngayon naman wala ng ibang ginawa kundi
mang-inis at talagang nandadamay pa!"You know what? Bakit hindi ka nalang bumili ng power bank dahil laging nalolobat iyang phone mo!" Imbyerna at napasigaw na ako sa inis bahagyang at wala na akong pake kung madami man ang makarinig.
Pero inabot ko rin naman ang power bank ko dahil baka may gawin na naman siya sa phone ko pag iyon mismo ang binigay k at balik busy na ulit si King sa paglalaro niya sa phone.
Infairness hinanap ng paningin ko si MR ha at hindi ko siya makita ah, mukhang nasa kabilang bus ata 'yon at hindi ko rin nakikita si Espasol. Hay! Sa totoo lang, mediyo worried ako sa pwedeng mangyari ngayon galing kay Kisses! Malamang sobrang imbyerna na yun sa 'kin ngayon na kami pa talaga magkasama ni King, na lagi niyang pinagdudutdutang sila at real na real daw sila ni King! Edi real kung real, wala akong pakialam!
BINABASA MO ANG
Love Game (√)
Teen FictionSa laro ng pag-ibig, magpapatalo ka ba? Hanggang saan ang kayang mong gawin? Love is a game we play, win it.