Episode 3

5.2K 280 37
                                    

Rival
-

It's another day and I'm now preparing for school at sa nangyari nga kahapon, I know it's never going to be any normal day and peaceful day as I want it to be at sa tingin ko kailanman ay hindi na iyon mangyayari dahil sa Kingkong na iyon.


Hindi ko gusto ang nangyayari but may magagawa pa ba ako? I just hope it'll end soon dahil pag-aaral ang sadya ko sa school na yun. yun lang!



The same usual spot kami magkikita nina Jane at Eliza, I told them na hindi na nila ako kailangan pang samahan o hintayin pang pumasok sa school because I'm way too sure that I can enter and exit the school alive naman basta lang lumaban ng patas iyong Kingkong na 'yun! Akala niya talaga kaya niya ako? kahit babae ako? kahit payat ako? well, he should think twice dahil hindi ko siya uurungan.


"Grabeh, gusto ko na tuloy matapos ang araw ngayon para umuwi na tayo eh" si Eliza


"Get hold of yourself Eliza, studying is fun! Don't make those garbage a hindrance. Wala kang mapapala sakanila!" I said


"Dale, ni wala pa ngang start ng klase eh, aral na agad? Ganito dito sa school na 'to. The whole week orientation parin talaga Dale, parang binibigyan ng chance ang mga students to mingle and enjoy the school's atmosphere" si Jane


"And that's what I hate the most about this school! Pabaya sa academics!" Pwede naman na kasing mag start na ng regular class! Sayang ang oras.


"May confession ako.." si Eliza at natigilan kaming dalawa ni Jane sa paguusap. "Nag away daw si Tantan at King kagabi sabi ni Mokya! Galit na galit daw si King dahil sa pangingialam ni Tantan kahapon, grabeh! Hindi ko talaga alam na posible mag away ang sexy beast at talagang si Tantan pa! Eh sobrang bait kaya nun! Hindi nga lang approachable!" she said.


"How idiot is that King ba? at isa pa, that Tantan is obviously saving Kingkong's butt dahil pinapahiya na ni King ang sarili niya sa pag patol sa babae! Sabi ko sainyo, hindi ako pinatanggol ni Tantan, si Kingkong!" I exclaimed.



Nakakainis na pinagdidiinan nila Eliza at Jane ang ginawang iyon ni Tantan. He is still part of those garbage. the same skin.


Papasok na kami ng classroom but before kami pumasok ay may napansin sila Eliza..



"Wait.. bakit parang walang tao?" si Eliza



"Onga no? wala namang announcement na walang pasok ah! At close ang door." si Jane


"Eh hindi naman siguro lock! Dali na kayo, I want to sit down already.." at sa pagbukas ko nga ng pinto ...


"Omg! Dale!" si Eliza at talagang nadulas pa siya kaya napabagsak kaming dalawa sa sahig.


Slime. Naliligo ako ng slime umagang umaga at talagang ang nakakainis may isang laughing garbage na hindi mag kamayaw sa pagtawa ngayon.


"How..how do you like my prank, Miss amazona?" si Kingkong at  hirap pa siyang magsalita sa kakatawa niya! imbyerna!


Prank? eh parang siraulo na nga siya dahil hindi naman nakakatawa ang prank niya! I'm so effin mad.


"Please King tama na" si Jane


Love Game (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon