Episode 40

3.8K 286 214
                                    

Changes
-
An: Sorry sa nahopia kanina, namali lang po ng pindot..Imbis na save, publish napindot ko. Anyways, here's the update ♡ Don't forget to Vote, Comment & Share :)
-

Masaya ako na andito na si King, akala ko talaga hindi ko na siya makikita ulit. Hindi ko mapigilan maging at ease. It's really good to see him back.



"Oy" napatingin ako kay King dahil ang alam ko, ako ang kinakausap niya and.. 'oy?' "Pahiram ng phone" sabi niya, hindi na siya nagbago talaga't eto siya, nanghihiram ng phone which is binigay ko naman.



Pero sa totoo lang, bothered ako sa pagtawag ng 'oy'. If hindi niya na ako kayang tawagin sa call sign na iyon, malamang, alam niya naman ang pangalan ko diba? Bakit 'oy'? Nakakabastos eh.




"Pakers." mahinang pagmumura ni King sa may giliran ko, natalo na naman siguro sa game. Si King na nga itong katabi ko.




Recess time na nun at sinauli niya naman ang phone ko.



"Oy, King! Saan ka pupunta?" si Nikko. Naglalakad kasi palabas ng classroom agad si King pagkatapos niyang ibigay sa'kin ang phone ko. Ano kaya problema nun?




Siguro hindi parin siya komportableng makasama ako kaya mas pinili niyang umiwas. Sabagay, 'oy' nga tawag niya sa'kin diba?




"Topak ng taong yun! Inaway mo ba iyon, Nay?" si Mokya at agaran akong napailing.



"Hindi naman! Wala naman kaming napag-usapan nga eh" tugon ko




"Hayaan nalang muna natin si King, naninibago pa iyon" Si Nikko




"Nique, nasa labas si MR." si Eliza at napatingin ako sa may pintuan at andoon nga siya sa may pintuan ng aming classroom.



Nag excuse na muna ako sa mga kasama ko at pinuntahan na muna si MR.




"Nareceive mo ba ang text ko?" si MR




"Wala naman" sabay pakita ko sakanya ng phone ko "Anong text?" tanong ko




"I was asking you sana if pwede sabay tayo mag recess" he smiled "Kung pwede lang naman" pahabol niya




"Ah, ganun ba? tanungin ko na muna sila ha? Baka may pupuntahan kasi eh" sabi ko at nagpaalam na muna ako sa mga kaibigan ko. Sabi naman nila okay lang kaya sumama ako kay MR.



Wala namang masama siguro?



Habang naglalakad kami ni MR papuntang canteen ay natanaw ko sa isang bench si King at kasama niya ang mga fangirls niya! Kung makapulupot ito sakanya parang mga tarsier lang eh. Napaismid ako.

Love Game (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon