OMG
-
Please comment, vote & share! 🙏💀🌹
-Madaling araw na nung dumating kami sa bahay nila King, si Nana na sumalubong sa'min ay naiiyak, anong nangyayari ba? kinakabahan ako sa mga nangyayari sa paligid ko, sa mga reaksyon na ginagawa nila.
"Masyado kayo! Sabi na ngang wala lang! Matagal kasi ako nakatulog at..."
Napatingin ako kay King na nagrarason, halatang naiirita na siya at galit na. Kinakabahan ako sa mga sinasabi ni King at baka ano pa masabi niya, loko 'tong taong 'to talaga.
"at ano Elijha?!" si Nana na galit narin.
"matagal lang nakatulog!" sabi niya "I was too excited and basta akin nalang iyon!" iyong mga napaka hanging na rason ni King na mapapaisip sila Nana, gusto ko siya sabunutan. Nanadya ata 'tong taong to.
Napatingin si Nana sa'kin.
"Ano bang nangyari sainyo Monique?" si Nana at jusko ang kaba ko walang mapag lagyan..
"Nag ano.. ano po.. Nana, w-wala naman po! Natagalan lang po kami natulog ni King nung gabing iyon dahil sa ang kulit ni King kasi Nana, gusto matulog dun sa kwarto ko! Inumaga po ako sa pagtataboy sakanya in the end, doon parin siya natulog sa kwarto ko!" nakita ko ang pagbuntong hininga ni Nana noong nag rason na ako.
"See? Tsaka Nana, pwede ba? Hindi niyo naman kailangan mag-alala, kasama ko si Monique, normal lang na duduguin ako sa kilig tsaka mas mabuti na iyon..." he paused "kesa siya duguin" mahina niyang dagdag at talaga namang napabuntong hininga ako, gusto kong bumuga ng apoy ngayon dahil naiinis ako sa sagot ni King.
"He's your boyfriend now right?" si Tantan na halos lumuwa na ang mata ko, gusto ko maiyak! Mapapatay ko 'tong King na 'to.
Sabi na nga na itago na muna pero ano? Halos dalawang linggo palang kami pero andami ng nakakaalam. May balak naman akong ipaalam pero sana after National Ranking exam na, why? dahil gusto kong panindigan ang desisyon ko na sagutin siya, it's a test for myself dahil ayokong ma pressure sa nararamdaman ko just because andami ng nakakaalam. I sighed deep inside.
"Hoy Tantan! Umuwi kana nga! Isa ka pa eh! Okay na ako pre! Tsaka, secret nga muna ang sagot sa tanong na iyan! Ha?! H'wag na tanong ng tanong!" sabat ni King at napalingo lang si Tantan
"Aba'y bweno kung ganun, matulog na tayo at mag-uumaga na. Monique anak, dito kana matulog ha?" si Nana
"Ay, hwag na po Nana, uuwi nalang po ako at sasabay nalang ako kay Tantan" sabi ko at hindi ako nakatingin kay King, bahala siya diyan! Nakakaimbyerna.
"Eh? Dito nalang nay! Anong oras na oh, alas dos na! Grabeh naman!" si King
"I have to go Nana, King, Tatay. Let's go nique" si Tantan and I think he knows exactly what I'm trying to imply. Gigil ako kay King eh. Imbyerna na imbyerna.
"Hoy Tantan! Gusto mo talaga ako inaasar ha?!" Ang isip bata si Tantan na naman ang pinagdidiskitahan.
"Matulog kana Tay! Uuwi ako" sabi ko sabay bitbit ko ng mga gamit ko na kinuha naman ni Tantan sa'kin para siya na ang magbibit.
"I'll be in the car Nique" at tumango ako
"Abay mag-usap kayong dalawa at matutulog na kami ng Tatay mo Elijha ha! Huwag kana masyadong magpuyat!" si Nana at umakyat na sila ni Tatay sa kwarto.
"Nay?!" tugon niya na parang siya pa itong galit.
"Lumayo ka sa'kin masasaktan talaga kita!" pagbanta ko sakanya. "Uuwi ako at h'wag kang namimigil baka mapatay kita ngayon at tuluyan kang duguin sa'kin!"
BINABASA MO ANG
Love Game (√)
Teen FictionSa laro ng pag-ibig, magpapatalo ka ba? Hanggang saan ang kayang mong gawin? Love is a game we play, win it.