Episode 30

5K 303 148
                                    

Promises

-
Don't forget to Vote, Comment and Share the story to your MayWard friends ♡
-

Waking up in the morning has never been this amazing. Lalo na at parang mas naeexcite ako pumasok.

"Oh, ibigay mo 'to sa girlfriend mo ha? para sakanya ang pagkain na yan" si Nana bago ako umalis ng bahay "Humingi ka nalang sakanya at marami naman yan" sabi niya pa.

"Wait, I've been telling you Nana, she's not my girlfriend pa. We're dating! Manliligaw palang ako, exclusively! That's for us millenials to understand!" I said "Pero thank you dito Nana, she'll love it" I kissed her sa forehead.

"Ano ba kasi iyang date-date na yan. Naglalaro ba kayo? Kung gusto, gusto na agad. Ligawan mo na direcho!" Si Nana talaga.

"Nana, we'll get there. Ganyan talaga ang love! Matututo kang maghintay!" Natawa ako, I can't even believe it came out from my mouth.

"Tumigil ka nga at baka mahampas kita ng baon na bitbit mo! Sige na pumunta kana!"

Good mood si Nana. Everything's in lite feeling. Sobrang masaya. I've never felt this lite in my entire life. Mas masarap pa 'to kesa sa feeling after summer. Monique should have come early, siya lang pala kailangan ko eh. Naks.

"Good morning mga pre!" I greeted.

"Ang aga mo ah! Nag jogging karin ba?" si Nikko and he's laughing "O dahil di ka lang nakatulog dahil binigyan ka na ng chance ni Nanay! Yeee! Pumapag-ibig ang leshe!" Dagdag niya at natawa parin siya.

"Pakers ka! Hindi oy! Maaga lang talaga ako gumising. Issue ka ha! Kingina ka!" Napailing ako

"Peste pa showbiz! Sige nga sabihin mo iyan sa harap ni Nanay! Nakita lang kita kahapon sa computer shop taena! King no more! Para kang naging tuta!" Tumawa na naman si Nikko.

Bwisit talaga 'tong lalaking to.

"Gago ka!" binato ko nga ng tuwalya!

What's with yesterday? Nagulat lang naman ako ah.

"Sabagay pre! Mahirap talaga aminin na under ka, pucha! Ikaw si King eh! Pero, si Nanay kasi kahapon mukhang lalapain kana! Shuta pati kami ni Mokya nataranta eh! Katakot!" He shook his head. "Ready kana ba pre? Alam kong sabi ko good catch si Monique, pero alam mo ugali niya, be sure to deal with her really well, pakabait ka pre! Lalamunin ka nun, at baka sali kami kapag nagloko ka!" Natawa siya.

Shuta.

"Oo naman! I'm King, ano ba?! Kaya ko naman yan. Tsaka, bwisit ka sabi ko nga diba hindi ako under! Nagugulat lang ako! Kailan ko ba inatrasan yun? Tsaka, Ma...mahal ko lang talaga" Napatayo ako dahil sasapakin ko na sana si Nikko dahil natatawa eh. Awkward tuloy!

"Morning guys!" Si Mokya and he looks so sleepy "Sorry Pre Nikko, di ako nagising maaga para mag-jog! Andito si Mama eh, walang ibang ginawa kundi bungangaan ako!" he said

"Saklap ng mga buhay pamilya niyo talaga! Oy King, ano ba 'to? Penge!" si Nikko and just as I look at him, he's eating the baon na! Damn!

"Hoy! kay Monique yan! Kingina ka!" I immediately pulled the lunch box out of him.

"Kahit kelan hindi ka naman nag effort samin ng ganyan! Aba iba! Ibang level na talaga Nanay at Tatay natin Mokya! Oh, ayan na si Tantan!" Tantan entered the locker room kasi "Si Tatay inlove na inlove na effort na effort ang gagu! Iba talaga!" si Nikko and I shook my head.

I mean, yeah, this is so new to me. Everything felt different, it's just that these friends of mine teasing me every now and then makes it all awkward though, lalo na at andito si Tantan.

Love Game (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon