Episode 5

4.5K 279 58
                                    

Seatmate
--

Ikinuwento ko kay Jane and Eliza ang anonymous text na nagtext sa akin kagabi, I wanted to ask sana kung kilala ba nila o hindi.. at hindi nga.

"Baka si Tantan yan Dale?" si Eliza

"O baka si King?" si Jane

At mas nashock ako sa sinabi ni Jane, seriously? I smirked.

"Get a life Jane, anong King?! no way! Why would that Kingkong, text me naman? yuck ha." I rolled my eyes.

"Grabeh kung maka yuck naman kay King, masama ugali pero hello, ang gwapo niya kaya Dale! Imagine, andami niyang fangirls, hindi nga artista yan!" si Eliza

"Oo nga! Kung gusto mo malaman more of Sexy beasts, aba si Eliza ang tanungin mo Dale dahil lahat ng fangroups ng sexy beasts member si Eliza!" and Jane is laughing about and I can't help to look at Eliza with a raised eye brow! Walang hiya.

"Hello, wala namang masama maging updated no! Tsaka, Dale! Fyi, kalat sa mga fansites iyong ginawa mo kay King kaya ako sayo h'wag ka gumawa ng social media accounts dahil mababash ka lang!" Eliza warned and I just gave her a smirked

"Like I care? wala naman sa akin iyong lalaking yun so wala din akong pakialam sa fans niya! But Eliza, is it true? iyong sinabi mo kagabi na lie low na si Kingkong sa mga katangahan niyang pranks sa akin?" I can't help but ask, gusto ko makasigurado.

"Iyon ang sabi sa akin ni Mokya! Sabi niya napagalitan daw kasi si King ni Miss Jenny and he was threatened sa ranking niya sa academics kung hindi ka niya tatantanan, you know, hindi maganda ugali ni King pero academic is way more important sakanya and next nun ang basketball, kaya yun"

And hearing that from Eliza made me realize na hindi talaga basta-basta si King. I don't know what he's capability at kung paano nag aassess ang school na ito pero ayokong makapampante, I want that top spot.

"Dale, are you ready for tomorrow? iyong old library? malaking trabaho yun, kung pwede lang kami tumulong eh. Don't worry, Eliza and I will be there, babantayan ka namin dahil baka may kalokohan na namang gawin si King sayo, hindi pwede." si Jane

"Thank you, pero kung mapapahamak lang naman kayo, h'wag na. You know naman na hindi ko kayang nakikita kayong inaapi kaya as much as possible gusto ko kalma lang kayo, I can fully handle that Kingkong for good, yabang lang naman ang meron siya" and I smirked.

Noong papunta na kami sa classroom ay sa hallways palang ay parang nagkakagulo na, sila Kingkong na naman? what a trash, pumasok nalang kami sa room.

"Are you that bitch na umaway sa King ko?" napaangat ako ng tingin sa isang babaeng nakatayo sa harap ko. She's full of make-up and her red lips makes seem like she just suck a lot of blood on the way here. A clown.

"Sino ka naman?" I said na walang kagana-gana.

"Kisses pwede ba, step off. walang ginagawa sayo si Dale kaya wag mo siya pakialaman!" si Jane, so this clown's name is Kisses, huh?

"Like I'm talking to you Jane? bumalik kana sa jungle, hinahanap kana ni Tarzan!" she raised an eye brow kay Jane, kaya napatayo ako. This girl is annoying.

"Miss can't you see? nag-aaral ako so kung naliligaw ka ng upuan mo, magtanong ka sa guard. Nakakadisturbo ka" I rolled my eyes, andaming paepal sa skwelahan na to. damn.

"And who are you to talk like me like that?!" she shouted at tinulak niya ako kaya napaupo ako sa upuan, masakit yun ah.

"Kisses! Tama na yan!" si Eliza

"Kween, yun ang itawag niyo sa akin. And ikaw stupid girl" she just called me that name "lubayan mo si King  dahil ako ang makakalaban mo dito, understand?" at umalis na siya with her goons. what the heck is this school is.

"Nakakainis talaga ang Kisses na yan, ang feeling niya" she said

"Is she King's girlfriend?" I asked

"Omg no. King's clown siguro, siya lang naman nag sasabing Kween siya ni King eh! yuck nga, pero andami niya rin kasing followers dito kaya hindi din basta-basta. Iwasan nalang natin siya" si Eliza

Can't help but smirked, I don't understand how mess this school is. I'm really hating this school so much, so much toxic people int the house and sobrang nakaka-annoy. Bumalik nalang ako sa binabasa ko to calm my self down and sighed.

"Hi baby!"

Napatigil kami halos lahat sa ginagawa namin when nagsalita iyong Kisses, andito na si Kingkong and his goons, feeling Hari. And just as what Eliza and Jane are talking kanina nakita ko kung paano tinabig ni King si Kisses, she almost slipped mabuti nalang nasalo siya ni Tantan.

I noticed King is staring at me kaya napairap ako at bumalik nalang sa pagbabasa, how annoying. Baka mag feeling si King na tinitingnan ko siya, yuck.

"Hey you, umalis ka diyan!" says King and he's talking sa seat mate ko sa right side. Si Eliza kasi nasa left side ko and Jane is sitting infront of Eliza's seat.

"Po?!" my seatmate.

"Bingi ka ba? I said umalis ka sa upuan na yan, vacate the seat because I'm sitting there from now on" sabi niya at ano na namang binabalak ng Kingkong na 'to?

I continued to pretend like nothing's happening pero honestly wala na akong maintindihan sa binabasa ko. Umupo si King sa upuang nasa left side ko and he sitted like a boss. Bahala siya diyan.

"Hoy newbie girl, umalis ka nga diyan at uupo ako diyan" and it's this Kisses, talking to me.

"Can you please don't disturb me? nagbabasa ako!" I said firmly and rolled my eyes on her. Nakakabanas.

"Sumusobra kana ha!" she then grabs my book at tinapon niya ito kaya napatayo na ako, gusto ko siya suntukin.

"Kisses stop it. Maghanap ka ng ibang upuan. Umalis ka!!" si King

And I admit, I can't help but feel shock, bakit niya sinigawan si Kisses, babae yun eh.

"I hate you newbie girl!" ako? bakit ako? tumakbo si Kisses palabas ng classroom at agad naman siyang sinundan ng mga friends niya.

"Go back to what you're doing freak girl!" sabi ni King at inabot niya pa sakin ang libro.

Nag-aalangan akong abutin ang book but I reached for it anyway at napaupo ako at bumalik sa pagbabasa. What is this guy upto? Anong nakain nito at nakipag seatmate sa akin?

"Hoy freak girl, what are you reading?" he asked

At sa totoo lang kalmado ang boses niya na kumakausap sa akin, now, what? hindi ko siya pinakinggan.

"Class, we will be having quick recap with our lesson for our formal class next week" sabi ng teacher namin, gusto ko ito somehow, review kaya napa-close na ako ng libro kaso hinablot ito ni Kingkong.

"Formulas?" sabi niya

"Ang bastos mo ah. give me that!" sabi ko ng mahina dahil naiinis ako

"Are you memorizing? you don't have to just familiarize the.."

"Akin na nga diba!!" I shouted sabay hablot ng libro ko

"Miss Martin!" omyghad. I shouted on top of my lungs while the class is on going, damn it.

Nakita kong natawa si Kingkong, I sighed, what an annoying seatmate.

-

VOTE, COMMENT & SPREAD ❤

Love Game (√)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon