CHAPTER THREE

3.1K 82 10
                                    



ANNE'S POV

First day of school, Hindi na bago sa akin ang lahat. Sanay naman ako na nag-iisa at masaya kasama ang mga kaibigan ko. wala rin naman sa plano ko ang pakikipag boyfriend. Gusto ko lang tlaga mag-aral

"Anne, buti naman nandito kana" sabi ni Melisa, friend ko rin sya simula nung first year ako

"Oo nga. Nauna pa kami sa'yo" sabat naman ni Hazel, friend ko din sya

"Pasensya na" sagot ko.

Hindi ko alam pero bigla na lang nabaling ang tingin ko sa isang lalaki na nakaupo mag-isa sa bench at nagbabasa ng libro. Ewan ko ba pero may parte sa akin na nagsasabi na kelangan ko syang kausapin

"Hoy, Anne!" sabi ni Melisa. "Natulala kana dyan, sino ba tinitignan mo?"

"Yung lalaki"

"Sinong lalaki?"

Napatingin na din sila sa tinitignan ko

"Ang gwapo naman nya" sabi ni Hazel

"Oo nga. Kaso feeling ko bading yan" sabat ni Melisa

"Kapag mag-isa, bading agad?"

"Malay nyo"

"Kakausapin ko lang" sabi ko at nilapitan ko yung lalaking yun at umupo ako sa tabi nya. habang kausap ko sya ramdam ko na parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Kaya nang matapos ko syang kausapin umalis na ako kasama ang mga kaibigan ko

Pagdating namin sa classroom hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti habang inaaalala ang maamong mukha ng lalaking yun

"Tignan mo si Anne. Iba din kapag nakakita ng pogi" sabi ni Hazel

"Oo nga. Nai-inlove" sagot naman ni Melisa

"Naku, Grabe naman kayo. Hindi ba pwedeng humahanga lang?"

"Sus, kilala ka namin no"

"Oo nga. Alam namin kung kailan ka inlove o hindi"

"So, mga love experts na din kayo?"

At nagtawanan kami. Natigil lang yun nung nakita namin si Benj at Ian nang sandaling iyon. Kaya naisipan ko na sila naman ang asarin

"Oh, Look who's coming" sabi ko at napalingon sila sa likuran

"Nawalan na ko ng gana" sabi ni Melisa

"Ako din" sagot ni Hazel

Umupo yung dalawang lalaki sa likuran namin

"Hello!" masiglang bati ni Benj sa amin

"Hello mo mukha mo!" sagot ni Hazel

"Hala, ang aga ang init ng ulo mo"

"Oo. Nakita na naman kita"

"Sus, na-inlove ka na naman sa akin"

Natawa kami bigla

"Ang kapal ng mukha nito. Bakit naman ako mai-inlove sa'yo?"

Yung dalawang mag dyowa nagbabangayan. Pero yung dalawa hindi. Tahimik lang sila. Siguro kasi ang awkward naman kung mag-uusap sila after the break up

"Tamang-tama lang pala pasok natin, Ian. Wala pa si Sir"

"Oo nga eh. Pa'no kasi nakakita ka lang ng chicks hindi kana makagalaw"

"Baka ikaw yun"

"Mga babaero 'tong dalawang to!" saway ko sa kanila

"Si Ian lang yung babaero" sabi ni benj at kinotongan sya ni Ian. "Ah, guilty!"

"Baliw!" sagot ni Ian. Maswerte din ako kahit paano dahil nagkaroon ako ng mga kaibigan na kagaya nila

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon