CHAPTER FORTY NINE

1.4K 44 20
                                    

CYRUS'S POV

Wala naman akong pagsisisi kung gusto na makipag break ni Ryan. Alam ko kasalanan ko lahat. Pero ayoko ma-disappoint sakin ang family ko. Kaya hahayaan ko nalang.

Pumunta ako sa bahay nila Anne to check if ready na sya. I waited outside of their house and after a few minutes she went out and looked at me.

"Cyrus..."

"What?"

"I'm sorry..."

"Okey lang yun. Kasalanan ko naman. Saka na lang natin pag usapan yan kapag nandoon na tayo sa resort."

Hindi na kumontra si Anne ng mga oras na yun. Since, anniversary ng parents ko kaya ginawa ko na yung dapat gawin. Agad kaming dumiretso sa bahay habang magka holding hands at humarap kami sa family ko. Lahat sila nagulat ng makita si Anne.

"Ma, Pa, Si Anne po pala. Girlfriend ko" sabi ko

"Hi, Anne!" masiglang bati ni mommy. "Ikaw pala yung girlfriend ng anak ko. Buti nalang dumating ka"

"Mommy!" saway ko

"Oh well, masaya ako kasi dumating ka sa buhay ng anak ko. Akala kasi namin bading sya eh" sabi ni Daddy

"Naku...wala po 'yon" sagot ni Anne

"Ate, tabi tayo" sabat ni Emily

"Hindi pwede, Emily. Tatabi sya sa kanyang pinakamamahal na girlfriend" pang-aasar ni Kuya

"Shut up!" sigaw ko

"Seems like everything is set. Let's go" sabi ni daddy at nag impake na kami.

Sumakay kami ni Anne doon sa van na kasama yung pamilya ko. Doon kami pumuwesto sa pinaka likod.

"Anne, H'wag kang mahihiya ah" sabi ni Kuya

"Salamat po" sagot ni Anne. Masaya naman ako makita sya na kampante sa pamilya ko. Pero naiisip ko si Ryan. Nalukungkot ako.

Habang nasa byahe, Naramdaman ko na nakatulog si Anne sa balikat ko. She's annoying but she's also funny. Hinayaan ko nalang hanggang sa makarating kami sa resort.

"Anne gising na. Nandito na tayo" sabi ko sa kanya at nagising naman sya. Pero imbis na magising kumapit pa sya sa braso ko at natulog ulit. "Oy, gising na. Doon kana matulog sa room mamaya"

"Hoy, mamaya na kayo maglambingan ng girlfriend mo. Nandito na tayo" sabi ni Kuya

"I know"

Nagising na sya sa pangalawang paggising ko sa kanya at bumaba kami ng van dala yung mga gamit namin. Private pool yung kinuha ng parents ko at natuwa naman si Anne ng makita yon. May apat na kwarto sa loob ng nirentahan namin.

"Cyrus" sabi ni mommy

"Po?"

"Hindi pwede magtabi ang lalaki at babae. Kaya magsasama-sama kami"

"Ay sayang. Hindi makaka first move si Cyrus"

"Kuya!"

"Hon, hayaan mo na magsolo yung dalawang bata" sabi ni daddy

"Hay naku, hindi pwede. Hindi sila pwede magtabi hangga't hindi pa sila kasal at wala pa silang trabaho"

"Ate, tama si mommy. H'wag kayong magtatabi ni kuya cyrus baka kung ano gawin sayo nyan" sabi ni Emily

"Hoy bata ka. H'wag kang makielam" sagot ko

"Oh well, magsa-shower muna ako" sabi ni Kuya

Okey na rin yun. Atleast, kampante ako. Tumuloy ako doon sa isang room.

"Anak..." bulong ni daddy

"Po?"

"Gagawa kami ng way para makasama mo sa kwarto si Anne. Goodluck"

"Dad naman! Wala naman po kaming gagawin ni Anne"

"Talaga ba?"

"Bakit iba kayo makatingin?"

"Basta. Makisama kana lang"

At lumabas si daddy ng kwarto. Nagbukas ako ng group chat namin ng mga beks.

Aki: kamusta ang bakasyon @Cyrus?

Joey: oo nga mag kwento ka naman, @Cyrus

Cyrus: Gaga! Nakakaloka nga eh. Gusto kami pagtabihin ni daddy sa kwarto

Joey: whahaha! Oks na yan beshie. Wala namang magaganap diba?

Aki: oo nga kaya wag kana mag worries jan. O baka naman...

Cyrus: anong baka naman?

Aki: HAHAHAHA

Joey: ay gets ko yang nasa isip mo beks @Aki

Cyrus: ang dumi ng utak ng mga baklang to! Walang magaganap na ganon swear!

Aki: sige nga pumayag kang matulog kayong dalawa sa kwarto

Joey: Tama. Kung knows mo naman na waley mangyayari pumayag ka.

Cyrus: Ah hinahamon nyo ko. Sige payag ako. Ako pa magyayaya

Aki: Oh gow. Basta chat mo kami ni Joey kung ano mangyayare ha

Joey: oo nga. Para updated kami

Cyrus: Tse! Mga haliparot!

Pagkatapos namin mag chat hinanap ko si anne at pinuntahan ko sya sa kwarto ng mga girls

"Anne"

"Oh, may kailangan ka?" tanong nya

"Dun ka matulog sa kwarto ko"

"B-Baket?"

"Basta sumunod ka nalang dami mong kuda"

"Baka may binabalak ka sakin ha" biro nya

"Tse! Eeww! Sumunod ka nalang. Okey?"

"Okey, sir!"

At lumabas na ako. Ayoko sa lahat ng hinahamon ako. Nakaka insulto!

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon