ANNE'S POV
Sa totoo lang, hindi ko naman alam kung amo pumasok sa isip ni Cyrus at gusto nya magpanggap kami na mag kasintahan. Wala namang problema sa akin eh. Kaso, may nagagalit at alam ko naman na nasa lugar magalit si Ryan. Boyfriend sya eh. Kinuha ko ang cellphone ko at di ko namalayan na may nag text pala. Kaso unknown number. Pero binasa ko pa din yung nilalaman:
It's Ryan. Can I call you?
Fr: 09*****
Dahil ayoko maging bastos kaya nag reply ako sa kanya:
Hindi pa ba sapat lahat ng sinabi mo sakin? We have nothing to talk about, Ryan. I already get your point.
Fr: Anne
Ilang sandali pa hindi na sya nag reply at tumawag na sya sa akin. Wala akong balak sagutin. Pero para kay Cyrus ginawa ko na din.
"Hello, ryan?"
"Buti naman sinagot mo. hindi ako tumawag para makipag-away sa'yo. I just want to apologize to you. I've been numb and selfish that time. Alam mo naman kung gaano ko kamahal si Cyrus, diba?"
"I get it. So, makikisama ka na sa plano?"
"Sa ngayon, I have no other choice. But please, ayoko masira pangarap ni Cyrus. Tulungan natin sya"
"Okay, para sa kanya"
"Thank you, Anne. Bye"
"Bye"
And he hung up. Gusto nya talaga makasigurado na walang magbabago sa kanila ni Cyrus. Haays. Wala eh. Kailangan ko tulungan si Cyrus.
Kinabukasan, Sa eskwelahan...
"Bakit parang puyat ka, Anne?" tanong ni Hazel
"Oo nga, ano bang ginawa mo, sis?" tanong ni Melisa
"Hindi ano, kundi sino" pang aasar ni Hazel
"Ay oo nga, sino nga ba?" asar ni Melisa
"Tigilan nyo na nga ako. Hindi ko sya iniisip"
"Mamatay?" sabay nilang tanong
"Oo na! iniisip ko sya kagabi"
"Ayiee!!"
"Kilig naman kayong dalawa dyan"
"Hindi na ako magtataka kasi inanunsyo nyo sa buong klase na mag dyowa kayo kaya ayan ang epekto sa'yo. Inlab ka na sa kanya" sagot ni Hazel
"Yung tipong kayo na"
"Masaya naman ako eh. Kaso..."
"Kaso ano?"
"Parang mali 'tong ginagawa ko eh"
"Kasi nagseselos ka?" tanong ni Melisa
"Oo"
"Hay naku, hindi ka naman namin masisisi kasi minahal mo si Cyrus"
"Hindi ko sya mahal!"
"Sus, crush lang? sige nga explain mo sakin, normal ba sa isang babae ang pumayag magpanggap na dyowa ng crush nya?"
"Tama" sabat ni Hazel
"Kaibigan ko sya kaya natural tutulong ako"
"Pero hindi sa pagiging crush. Mahal mo na sya, sis"
"And speaking of Mahal, nandyan na yung mahal mo, mauna na kami ni Hazel"
"Teka-"
"Bye, sis!"
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
RomanceAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...