Pumunta ako sa classroom pero wala si Dino. Pumunta ako sa gym pero wala din sya. Nakasalubong ko yung isang kaibigan ni Anne na si Melisa
"Cyrus!" sigaw ni Melisa. "Hinahanap mo ba si Anne?"
Hindi ako sumagot. Dahil dama ko pa din ang galit.
"Nasaan sya?" tanong ko
"Nasa clinic kasama si Dino. Medyo nahilo kasi sya"
"Salamat"
At mabilis akong nagtungo papuntang clinic. Nang makarating ako hindi na ako kumatok at binuksan ko yung pinto at nagulat si Anne at Dino sa pagpasok ko.
"Anong problema mo ha?!" tanong ko sa kanya
"Cyrus, anong nangyari?" tanong ni Anne
Hindi ako sumagot at hinawakan ko yung kwelyo ng damit ni Dino at hinila ko palapit sa akin'
"Nang aasar ka talaga no?"
"Ano bang sinasabi mo, Cyrus. Wala akong alam"
"H'wag kang magpanggap na parang wala kang kinalaman sa nangyari. Bakit mo kinalat yung picture ko?"
"Anong picture?" asar na tanong ni Dino. "Ah, alam ko na. yung picture na kasama mo yung lalaki. hindi ko nga alam kung kaibigan mo yun e. ah, boyfriend mo siguro yun? Ano bang kinakatakot mo, takot ka ba malaman nila na—"
"Sige ituloy mo"
"Cyrus..." sabat ni Anne at napahawak sya sa braso ko
"Ano bang ikinakatakot mo, Cyrus?" tanong ni Dino. "Takot ka na malaman nila ang totoong pagkatao mo? na isa kang bakla?"
Hindi na napigilan ni Cyrus ang sarili at sinuntok nya sa pisngi si Dino at natumba ito
"Cyrus, tama na!" sabat ni Anne at halatang natatakot na
"Umalis na tayo dito" sagot ni Cyrus at hinila nya ang kamay ni Anne palabas at nagpunta sila sa may rooftop
"Cyrus..."
Hindi na rin nya mapigilan ang hindi maiyak sa nangyari
"Kasalanan ko lahat ng ito. Ano na lang ang sasabihin ng daddy ko kapag nalaman nya na bakla ako, mag-iiba na ang tingin sakin ng mga kasama ko sa team. Litong-lito na ako, Anne"
Hinawakan ni Anne ang isang kamay ko at nagkatinginan kami
"Hindi mo ba talaga kaya mag-out?"
"Anne, hindi pwede. Kapag ginawa ko yun alam kong kasusuklaman ako ng daddy ko. at magbabago ang tingin nila sakin kaya hindi ako pwede mag-out"
"Kung kaya mo may paraan akong alam para hindi sila maniwala na bakla ka"
"Ano naman?"
"Magpapanggap ako na girlfriend mo"
"Ano?!"
"Yun ay kung kaya mo at manahimik sila sa kakaisip sa kung ano ka talaga"
"Wala na bang ibang paraan?"
"Pwede ding mag deny ka. Kaya lang dahil sa nangyari marami ang mag i-istalk sayo"
"Pa'no ba natin mapapaniwala na mag dyowa tayo?"
"Simple lang, e di umarte tayo na parang mag dyowa talaga. Magiging sweet tayo"
"Pa'no si Ryan?"
"E di ipaalam natin sa kanya ang plano"
"Tutulungan mo talaga ako ha"
"Oo tutulungan kita"
"Teka, bakit parang iba ang ngiti mo?"
"Uy, wala kang ebidensya"
"Haay, I guess I have no choice"
"Mag-uumpisa na ngayon ang pagpapanggap"
"A-Ano?"
Kumapit si Anne sa braso ko na syang ikinagulat ko. medyo nailang ako
"Anne, ano ba. Mamaya may makakita sa atin dito"
"Ayaw mo nun, malalaman na nila na mag dyowa tayo"
"H'wag kang mag take advantage!"
"Sus, hindi ha. Ginagawa ko 'to kasi kaibigan kita"
"Whatever"
"Tara na"
At umalis kami ng rooftop. Haay, may girlfriend na ako!!
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
RomanceAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...