CHAPTER THIRTY ONE

1.4K 43 2
                                    


DINO'S POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakita ko at sa nalaman ko. isang bading si Cyrus. Oo, wala naman akong pakielam sa kanya pero masaya ako. Ngayon, wala na akong dahilan para pagselosan sya dahil wala sya sa akin

"Bro, ayos ka lang?" tanong ni Ken, kasamahan namin sa basketball team

"Oo nga. Bakit parang masaya ka?" tanong ni Jeff, close friend din namin

"Wala. Masaya lang ako sa mga nangyari ngayon"

"H'wag mong sabihin sa amin na kayo na ni Anne?" tanong ni Jeff

"Sus, hindi pa kami. At sa oras na tinuloy ko yung plano ko na manligaw sa kanya gagawin ko lahat mapasagot lang sya"

"Kampante ka na ngayon ha" sagot ni Ken

"E diba close sila nung bago nyong kasama sa basketball team, yung Lee ba yon?" tanong ni Jeff

"Hindi na sya isang malaking sasgabal sa kin"

"Pupusta ako, magiging sagabal si Cyrus sa plano mo" sabat ni Ken

"Sige, pupusta ako. Mapapasagot nya din si Anne"

"Deal!' sagot ko

Hindi pa rin maalis sa mukha ko ang saya. Umalis ako ng bar at umuwi na sa amin. Naalala ko may practice nga pala kami bukas. Sigurado makikita ko si Cyrus doon. I can't wait to see him.

Kinabukasan, Sa Gym...

Naabutan ko yung ibang member ng team na nagpa-practice na kasama si Cyrus. Nandoon na din si Kuya Jerome at ang coach naming

"Dino, bakit ngayon ka lang, alam mo ban a fifteen minutes ka ng late?" sabi ni Coach

"Sorry po, coach. Hindi na po mauulit"

Tumingin ako kay Cyrus at napailing sya. Pagkatapos namin mag practice pimaupo kaming lahat sa sahig dahil may importanteng announcement si Coach

"May pagbabago sa rotation ng line-up nyo. Kung ang first five kasama si Dino he will get replaced by Cyrus"

"What?!" gulat kong tanong at napatayo ako. "Coach, what's the meaning of this?"

"Dino, makinig ka muna sa amin. Cyrus has a potential. He can be useful to our team. At alam naman nating lahat na magaling ka"

"But still I can't accept that. Mababawasan ang playing time ko, Coach. Hindi naman po pwede yun"

"Dino, it's for your own good" sabat ni Kuya Jerome

"I can't believe this"

Tumingin ako ng masama kay Cyrus at lumabas na ako ng gymnasium. Pumunta ako sa may garden at sa inis ko sinuntok ko yung pader. Nakakainis.

Samantala, sa gym...

Natapos ang announcemnent na wala si Dino. Lumapit si Cyrus sa coach nila upang kausapin ito

"Coach..." sabi ni Cyrus

"Anong problema, Cyrus?"

"Wlala naman po. Pwede po bang ibalik nyo nalang po sa dati yung rotation. Sa tingin ko po, hindi patas kay Dino yung nangyari"

"Alam mo, marami ng napatunayan si Dino. At kailangan naman pagbigyan ang iba. I'm sorry. But I've already made my decision"

Pagkasabi no'n umalis ang coach at nilapitan ni Jerome si Cyrus

"Captain..."

"Iniisip mo pa din ba yung nangyare kanina?"

"Kasalanan ko po yung nangyari, captain"

"Wala kang kasalanan. Nakita lang ng coach kung ano ang potensyal mo bilang isang player kaya wag mo isipin na kasalanan mo"

"Maraming salamat, captain"

"Syanga pala, goodluck sa'yo. Galingan mo ha"

"Makakaasa kayo, captain"

At umalis si Jerome at hindi rin maiwasan ni Cyrus ang mapangiti dahil sa nangyari

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon