CYRUS'S POV
Naglakad na ako paalis nang matapos naming mag-usap ni Anne. Kinuha ko yung cap ko sa loob ng bag ko at nilagyan ko ng foundation yung pasa sa muka ko. Pagkauwi ko kinagabihan, naabutan ko si Mommy at Daddy na nanonood ng TV sa sala at napatingin sila sa akin
"Oh anak, nandyan kana pala" sabi ni daddy. "Luto na yung dinner"
"Opo" sagot ko. Umiiwas ako tumingin sa kanila.
"Ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong ni Mommy
"I'm fine, mom. There's nothing you should worry about"
"Teka nga..."
Lumapit si mommy sa akin at napansin nya yung make-up sa mukha ko at inalis nya yun
"Aw!" hiyaw ko
"Is that a make-up?" she asked. "teka, bakit may pasa ka ha?"
"Ma, wala poi to"
"Cyrus, magsabi ka ng totoo, anong nangyari?" tanong ni daddy
"Hon, h'wag mo naman pagtaasan ng boses ang anak mo, please"
"Then, what happened, Cyrus?"
"Nagkaroon ng gulo sa pagitan ni Cyrus at saka nung kasama nya sa basketball team" sabat ni Kuya Paulo
Napatingin sila daddy at mommy sa akin
"You join the basketball team?" she asked
"Opo"
"Nagkainitan kayo ng kasama mo?" tanong ni Daddy
"Nagkaroon po ng rotation sa team, dad. Ako po yung pumalit sa posisyon nya"
"Gusto mo resbakan natin yung nambugbog sa'yo para nakaganti ka" sabat ni kuya
"Kuya Paulo, ang bad mo. tinuturuan mo si Kuya Cyrus maging bad" sabat ni Emily
"Tomorrow, I want to talk to your coach and to your teammate about that incident" sabi ni dad
"Dad, come on. Hindi naman big deal 'to. It's just a basketball fight"
"Anak, naglaro din ako ng basketball dati. Pero kailangan ko sya makausap"
"Yes, dad"
"Oh sya, saka nyo na lang ulit pag-usapan yan. Kumain na tayo" sabi ni mommy. "Cyrus, mag shower kana at bumaba kana lang"
"Opo, mommy"
Kinabukasan,
Kasabay ko pumunta si daddy sa school at dumiretso sa basketball gym. Sakto naman nandoon si Coach at si Dino
"Good morning, coach" I greeted
"Good morning, Lee"
"So, you're the coach?" tanong ni daddy. "I'm Cyrus's father. And I'm here because I want to know what happen to the face of my son"
"You see, Mr. Lee. The staff and I were admitted that it's our fault. I know you're concern to your son and we are really very sorry"
"May I know who did this to him?"
"I, sir!" sagot ni Dino at lumapit sya sa amin. "Ako po ang may kasalanan kung bakit may pasa po sa mukha si Cyrus. Gusto kop o humingi ng sorry sa nangyari. I admit it was my fault"
"You better be"
Pagkatapos makausap ni daddy yung coach lumabas kami ng gymnasium para mag-usap
"Dad, you don't have to do this"
"Anak kita. And I want to protect you"
"I know, dad. And I'm sorry kasi pumunta ka pa dito"
"It's okay. next time, don't make any surprises. Baka sa susunod, babae na ang sorpresa mo sa amin ha"
Natawa nalang ako. Umalis na si daddy pagkatapos no'n at nakita ko si Ryan sa tabi. At lumapit sya sa akin
"Hi" bati nya at sabay hinawakan ang kamay ko. dahil sa takot bumitaw ako
"Ryan, ano bang ginagawa mo?"
"Namiss lang kita"
"Pumunta ang daddy ko at hindi nila pwede malaman kung ano ako"
"Hindi kaba nila tanggap?"
"Kung tanggap ba magtatago ba ako ng ganito?"
"Sorry na" pagkasabi nya no'n yumakap sya sakin
"O Sige na. papasok na ako"
At nagmadali na akong umalis
Ngunit ang hindi alam ni Cyrus ay kinunan sya ng litrato na kasama si Ryan, at dito magsisimula ang pagsubok sa kanyang buhay...
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
Storie d'amoreAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...