CHAPTER SIXTEEN

1.7K 58 8
                                    

Hindi ko alam kung nagbibiro lang si Cyrus sa mga sinabi nya. siguro nagbibiro lang yun saka imposible naman na magkagusto sa akin 'yon. Alam ko naman na mas gusto nya ang lalaki. pagkatapos naming kumain, umalis na kami sa fast food chain na iyon at naglakad paalis

"Nagustuhan mo ba?" he asked

"Oo naman. salamat ha"

"Simple nga lang yun eh"

"Ayo slang yun, atleast, naranasan ko malibre galing sa'yo"

"Oo, syempre"

"Sis..."

"Ano yun?"

"BAkit wala kang boyfriend?"

"So, gusto mo ko magka boyfriend, ganun?"

"Hindi naman. syempre, nagtataka lang ako"

"I know. Pero hindi ko pa sya nami-meet eh"

"Buti naman"

Pagdating namin sa sakayan ng jeep pumara na ako

"Sige, kita na lang tayo"

"Okay"

Sumakay na ako ng jeep pero nagulat ako nang sumakay din sya at umupo sa tabi ko. at tinignan ko sya na may halong pagtataka

"Bakit ganyan ka makatingin sakin, Anne?"

"B-Bakit ka sumakay?"

"Masama ba sumakay?"

"E hindi naman ito ang sasakyan mo pauwi"

"Ihahatid kita sa inyo. Mamaya ako pa pagalitan ng kuya mo. hindi handa ang mukha ko sa suntok ng kuya mo no"

At nagtawanan kami. Bumaba kami sa may kanto malapit sa amin at naglakad patungo sa bahay. Malayo pa lang natatanaw ko na ang Papa at kuya ko na naghihintay sa labas ng gate

"Naku, umuwi kana, Cyrus"

"Ha, bakit naman?"

"Nandyan ang Papa at Kuya ko"

"Talaga?"

"Oo, kaya umuwi kana"

"Okey lang yan"

Hindi ko na sya pinigilan at nang makarating kami sa bahay nakita ko si Papa at Kuya na nakasimangot.

"Hi, papa" bati ko

"Anong hi, bakit ngayon ka lang alam mo ba kung anong oras na ha?" inis na tanong ni Papa

"Eh, sorry na po. Matagal po kasi magpauwi yung professor namin" sagot ko. pero alibi ko na lang yun

"Sa susunod, mag-ingat ka naman, anak. Babae ka. Pinag-aalala mo si Papa"

"Sorry talaga, Papa"

"Bakit nandito ka, Lee?" tanong ni Kuya Jerome sa kanya

"At sino naman ang lalaking kasama mo, boyfriend mo?" tanong ni Papa

"H-Hindi ko sya boyfriend. Kaibigan ko lang sya"

"Gusto ko po humingi ng paumanhin kung ngayon lang po nakauwi si Anne. Sa totoo po, kasama ko po sya. Nagpasama na rin po ako dito para hindi kayo mag-alala"

"Anong pangalan mo?"

"Cyrus Lee po"

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon