CHAPTER TWELVE

1.7K 54 2
                                    

Kinabukasan, maaga ako pumasok. As usual, kailangan ko kasi mag report sa adviser namin lalo na ako ang naging president. Pagpasok ko sa classroom nakita ko sina Hazel at Melisa na nagtatawanan kaya nilapitan ko sila

"Anong kaguluhan yan?" tanong ko sa kanila

"Natatandaan mo yung lalaking na-meet mo sa bench, yung matangkad na maputi at chinito?"

"Si Cyrus?"

"Yes. Famous na sya ngayon";

"Famous?"

"Kasi nasa try-out sya ngayon ng basketball team at madami na syang fan girl"

"Saan nyo naman nasgap ang chismis nay an?"

"Eto"

At pinakita nya sa akin ang facebook account ni Cyrus at ang dami na nitong followers. Ang bilis naman. kaya kinuha ko yung phone ko at tinawagan ko si Dino

"Hello, Anne"

"Dino, nasaan ka?"

"Gym. Why?"

"Si Cyrus?"

"Nandito. Actually, he's already in"

"Anong ibig mong sabihin?"

"I think you should come here"

"Pwede ba?"

"Oo naman. At ang dami nyang fans"

"Sige, papunta na ako"

"Sige"

I hung up at binalik ko na ang cellphone ko sa bag ko

"Saan ka pupunta?"

"Sa gym"

"Pupuntahan nya yung boyfriend nya"

"Hindi ko sya boyfriend"

"Sus, parang gano'n na rin yun"

"Kayo na muna dito. Punta lang ako ng gym"

At umalis ako at nagpunta agad ako ng gym. Bago pa man ako makarating sa loob ng gym nakita ko na kumpulan ang mga tao. Most especially ang mga babae. kinailangan ko pang makipagsiksikan dahil lang doon.

"Anne!" sigaw ni Dino sabay lapit

"Hay, buti naman nakapasok pa ako"

"Pasensya na. naghahabol na kasi kami ng oras. At kailangan na namin ng bagong member. And I think, makukuha na sa si Cyrus as a second string"

"Second sting, ano yun?"

"Second string. Ka-substitute namin"

"Hindi ka naman natatakot mapalitan, diba?"

"No. basta h'wag ka lang nya ligawan"

"Tse! Kung ano-ano iniisip mo"

At nakita ko si Cyrus na nakikipaglaro ng basketball sa ibang team. Masaya naman ako dahil masaya sya. Pero nakita ko na naman yung lalaking kausap nya sa classroom. bumalik ako sa classroom namin nang mag ring ang bell. Kaya wala akong nagawa kundi bumalik. At nang makarating kami sa room umupo na ako sa upuan

"Ano, kamuta?" tanong ni Benj

"Anong kamusta?"

"Sabi ni Hazel pinuntahan mo daw yung boyfriend mo"

"Hindi ko sya boyfriend. Bakit ba ang kulit nyo!"

F5

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon