CHAPTER THIRTY EIGHT

1.4K 49 13
                                    


CYRUS'S POV

Hindi ako pinapansin ni Anne hanggang sa matapos ang klase. Iniiwasan nya ako. Hindi ko naman sya masisisi dahil sa mga sinabi ni Ryan. Nang kinuha nya yung bag nya agad akong lumapit sa kanya

"Mukhang madami kang bitbit. Tulungan na kita" sabi ko

"Cyrus, kaya ko" malungkot nyang sagot

"Anne, mag-usap tayo, please"

"Wala tayong pag-uusapan, Cyrus"

Napansin ko na yung ibang classmate namin nakatingin sa amin at nakaisip ako ng idea

"Anne, please kausapin mo naman ako ng maayos. Hindi yung iniiwasan mo ko"

"I need time. Ibigay mo yun kahit ngayon lang"

At naglakad sya palayo

"Hindi mo na ba ako mahal?"

Napahinto sya sa paglalakad at napalingon sya sa akin. Napansin naming na nagbubulungan yung mga kaklase namin

"Akala ko ba sabi mo hindi mo ko iiwan? Konting problema lang 'to, Anne. Susukuan mo na ko agad?"

"Ano bang sinasabi mo, Cyrus?"

"Sabi mo, mahal mo ko. bakit mo ko iiwan sa ere?"

"Excuse me..." sabat nung isa naming classmate. "Kayo ba?"

"Oo" sagot ko. "Girlfriend ko si Anne"

"So, hindi totoo na bakla ka?"

"Pa'no ako magiging bakla kung may girlfriend ako?"

Lumapit ako kay Anne at hinawakan ko ang kamay nya

"Cyrus, ano bang ginagawa mo?" pabulong nyang tanong

"Let's do the plan. I promise, I will take good care of you" sagot ko at hinalikan ko sya sa pisngi. "Please, h'wag mo kong iwan. Kailangan kita"

Nagtilian yung mga kaklase namin sa kilig lalo na yung mga echoserang babae. Kinuha ko yung ibang folder na dala nya at magka holding hands kaming lumabas sa room. Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko pero masaya ako habang hawak ko kamay nya. hanggang sa makalabas kami sa campus at makalayo magka holding hands pa din kami

"Teka, wala na tayo sa campus pwede mo na ko bitawan" sabi nya

"Bakit ko gagawin yun e diba girlfriend kita?"

"Bitaw na mamaya may makakita sa'tin"

"Sus, ang sabihin mo kinikilig ka lang at hindi mo kaya ang pressure na boyfriend mo ko dito"

Bigla nyang inalis yung kamay nya at napansin ko na namumula sya. Kaya napangiti ako lalo at gusto ko sya asarin

"Bakit ganyan ka makatingin?" she asked

"bakit kasi namumula ka?"

"tse!"

Bigla syang naglakad ng mabilis

"Oy, teka lang"

Nahabol ko naman sya at hinawkan ko ulit yung kamay nya

"Ano ba, Cyrus!"

"Ang arte mo, girl. Saka minsan lang yung opportunity na ganito kaya stick to it"

"Sa tingin mo na convince natin sila?"

"Oo naman, basta umarte lang tayo ng tama and everything will go fine. Trust me"

"Promise?"

"Promise. Kaya ihahatid na kita sa inyo"

Pagdating namin sa bahay nila doon ko na binitawan ang kamay nya

"Sige, una na ko"

"Ah Cyrus, sorry kung ang oa ko kanina sa rooftop"

"Wala kang kasalanan. Actually, kasalanan ko kaya nagyari yun"

"Pa'no si Ryan?"

"I'm sure he can handle himself from now on. Ang isipin mo ay kung paano ka magiging sweet at lovingly dyowa ko no. dapat ma satisfy natin sila na mag dyowa tayo"

"Pa'no kung mag request sila ng kiss?"

"Ah yun ba?"

Inilapit ko yung mukha ko sa kanya at tinignan ko sya sa mga mata nya

"Hahalikan kita"

Bigla na lang napapakit ng mata si Anne at tinakpan nya yung bibig nya kaya natawa ako

"Tse, ilusyandang bakla" asar ko

"Umuwi kana nga!"

"Oo, bye girlfie"

"Hmp!"

Natawa ako at umalis na din ako. Haayy, hindi ako makapaniwala na gagawin ko 'to

MY BEKI LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon