ANNE'S POV
Maaga ako pumasok ng araw na iyon. Naisip kong dumaan doon sa bench kung saan ko nakitang nakaupo si Cyrus. Pero wala sya doon. Kaya naisip kong dumiretso sa classroom nila. Nang makarating ako doon hindi nga ako nagkamali. Nandoon sya. Nakatingin sya sa bintana at hindi na ako nagdalawang isip na lapitan sya
"Hi" bati ko sa kanya at napalingon sya
"Uy, ikaw pala, sis. Nakakaloka ka naman. ginulat mo ko"
"Sorry"
"Ang aga mo" sabay naming sabi sa isa't isa
"Mauna kana" sabi nya
"May first class kasi ako ngayon. Balw dalawang subject lang papasukan ko ngayon"
"Ah kaya naman pala maaga ka"
"Ikaw?"
"Kasi boring na sa bahay. Saka dalawang subject lang din papasukan ko ngayon. Kung gusto mo, sabay na lang tayo umuwi. Iti-treat kita ng ice cream"
"Talaga?"
"E yun kung makapag try-out na ako"
"Oo naman. sabi ni kuya pwede naman daw anytime pumunta ka doon"
"Balak ko sana ngayon na. nagdala na ko ng sapatos at damit"
"Ah sige, magbihis kana"
"Sige, wait mo ko dyan"
"Okay"
At lumabas sya ng room dala yung bag nya. nang mapansin ko na naiwan nya yung cellphone nya sa ibabaw. Kaya naisipan ko na din pakielaman. Una kong tinignan yung Gallery nya, at nakita ko yung mga pictures nya. ang gwapo nya. kinuha ko yung phone ko at ipinasa ko dito. Nakita ko din yung family pictures nila. Gwapo din pala yung Papa nya at yung kuya nya. mukhang perfect family sila dyan.
"Anne!" sigaw nya
Naku, malapit na sya. Iniwan ko yung phone nya sa ibabaw ng mesa nya at umarte ako na parang wala akong nakita. At lumapit sya sa akin
"Anong problema, Cyrus?"
"Yung phone ko..."
"Ayon oh"
Sabay turo at agad naman nyang kinuha
"Buti nalang. Akala ko nawala na. Tara na, beshie"
"Beshie?"
"Oo, ayaw mo?"
"Masyadong pang friend"
"E friends naman tayo"
"Oo nga pala"
"Tara na. baka hindi na ako makapag try-out"
Pagkasabi nya no'n hinawakan nya kamay ko at hinila nya ako palabas habang tumatakbo kami. Ramdam ko yung mabilis na tibok ng puso ko. dahil ba sa crush ko sya. Nakarating kami sa court pero hindi nya pa din binibitawan ang kamay ko
"Kamusta mukha ko, ayos lang ba?"
"Wala namang nagbago. Ang gwapo mo pa din"
"Buti naman. kaso mukhang madami ang nag-apply sa team ngayon. Baka hindi ako makuha"
"Relax ka lang. Basta ipakita mo lang yung best mo at pursigido ka sa team"
"Kaya lang, ang daming gwapo"
Pinisil ko yung ilong nya at halatang nairita sya. Pero natawa ako sa itsura nya
"Aww! Para saan 'yon, Anne?" inis nyang tanong sabay himas sa ilong nyang matangos
"Mag focus ka. Bakit ka ba nandito?"
"Para sumali sa basketball team ng school"
"Good. Ipapakilala kita sa kuya ko"
"Kuya mo?"
"Oo, sya yung team captain ng team"
"Kinakabahan talaga ako"
"Akong bahala"
At ngumiti ako. Ewan ko ba, siguro iisipin nila ang tanga ko kasi sya nagustuhan ko pero wala akong magagawa. Kailangan ko syang tulungan sa pangarap nya.
"Tara na" sabi nya
"Bago yun, pwede alisin mo muna yung gay na Cyrus"
"Ay, ganun?"
"Ayoko kasi ma-bully ka ng dahil sa ganyan ka. Naiintindihan mo naman ako diba?"
"Oo naman. sige, isipin mo lalaking Cyrus na ang kausap mo ngayon"
"Sige"
"Thanks"
At tumuloy na kami sa loob ng court. Kinakabahan ako para sa kanya at sana bigyan sya ng chance ni kuya
BINABASA MO ANG
MY BEKI LOVE
RomanceAko yung tipong babae na hindi gaano kagandahan, hindi rin ako maputi at makinis ang balat, at lalong hindi ako sexy. Simple lang ako. At alam ko naman sa sarili ko na hindi ako mamahalin ng iba dahil hindi ako masyado palaayos sa sarili ko pero hin...